James Lee --->
CHAPTER 2
Bianca: HA!? naging sila? Bakit po sila naghiwalay saka buti magkaibigan pa rin sila?
Yaya: Naku! yang kasi si Cindy baliw na baliw dyan kay James, sa totoo lang naging sila kasi naawa lang si James sa kanya kasi sinasabihan si Cindy ng mga classmates nila na nilalandi lang nito si James kaya yun, ang sinabi ni James sa lahat na sila nga. Kasi naman Heartthrob sa school nila si James kaya yan dami Fans.
Bianca: yaya, bakit nga po sila naghiwalay???
Yaya: Si Cindy kasi may attitude din yan, nung naging sila feel na feel nya talaga na sila at nakalimutan na nya na naawa lang sa kanya si James. Kaya yun puro demand ang ginagawa nya, kaya yan napuno na si James at nakipaghiwalay. Kung nandito ka nun siguro ikaw din mababaliw para kay Cindy, iyak lang sya ng iyak nun. Kaya sila naging friends ulit kasi hindi naman din matiis ni James na mawala yung friendship nila dahil lang sa naging sila pero baliw na baliw pa rin si Cindy kay James. Hay naku Hannah! baliw na ako kakakwento.
Bianca: Haha nakwento mo na po ata buong buhay ni Cindy eh. Buti hindi po nagseselos si Cindy sa tuwing nagkaka GF si James?
Yaya: Yan pa rin ang problema ni James hanggang ngayon. Sa tuwing may susubukan siyang ligawan ang gagawin ni Cindy kakaibiganin nya at irereto sa iba. Kaya yan ang malas ni James na sya pa nagustuhan ni Cindy.
Bianca: Hindi naman po malas si James mabait naman po si Cindy eh.
Yaya: Oo mabait sya pero oras na kontrahin mo sya, sitahin yung mga mali nya at makuha mo yung gusto nya, mag-iiba na ugali nyan sayo at makikilala mo na yung totoong Cindy Gonzales.
Bianca: hindi naman po ako ganyang tao kaya hindi ko naman po sya siguro makakaaway.
Yaya: Sana hindi nga.
[Book Store. October 22, 2008]
Ano kaya babasahin ko...
[may nakita si Bianca na magandang book pero nasa taas ito nakalagay ng bookshelves. At dahil nahihiya sya ipakuha ito sa staff ng bookstore ay pinilit nya ito kunin pero sa kasamaang palad...]
Bianca: OMG! *bugsh* [nahulog ung mga libro pero nagtaka kung bakit hindi sya nasaktan]
Bianca: Hala! Okay ka lang kuya? [may lalaki palang humarang sa harap nya para hindi sya mahulugan ng mga libro. Nakayuko ito at pilit kinakausap ni Bianca.]
YOU ARE READING
My Heart's Desire
Teen FictionMeron talagang tao na perpekto sa panlabas at sa panloob pati ang kanyang buhay ay halos perpekto na pero may dalawang lalaki na babago sa buhay nya, ang isa ay galing sa nakaraan at ang isa ay sa kasalukuyan. Sino kaya ang sinisigaw ng kanyang puso?