CHAPTER 15
Hello?
Hi Ica. I miss you.
Marcus?
Alam na alam mo pa rin boses ko ha.
Syempre naman, makakalimutan ko ba naman boses mo.
Gusto mo ako makita ngayon?
Syempre naman gusto ko.
Lumingon ka makikita mo ako.
[paglingon ni Bianca. Nakita nya si Marcus na may dalang bouquet of white roses. Dahil sobrang miss na nya si Marcus niyakap nya ito pero bumitiw din sya agad.]
Bianca: I miss you Marcus.
Marcus: I miss you too Ica. Flowers for you nga pala, alam ko favorite mo yung white roses.
Bianca: Haha salamat, ginulat mo naman ako. Pano mo nga pala nalaman yung school ko?
Marcus: Edi kay tita.
[Lumapit sa kanila si James. Nagtataka kasi sya kung sino yung niyakap ni Bianca]
James: Bia, pasok na tayo baka malate tayo.
Bianca: James! Si Marcus pala. Marcus, si James.
Marcus: Boyfriend mo?
James: Magiging boyfriend pa lang nya pre.
Marcus: Talaga? Baka nagkakamali ka.
James: Ang yabang mo ha! sino ka ba para sabihin sakin yan!?
Bianca: James. Tama na pasok na tayo. Sige Marcus tawagan na lang kita may class pa kasi kami eh.
Marcus: Sige Ica. Ingat tawagan ko na din si tita para sabihing nagkita na tayo.
[Corridor]
James: Bia, sino ba yung lalaking mayabang nay un ha?
Bianca: Kababata ko sya.
James: Naging boyfriend mo?
Bianca: Hindi
James: Eh bakit super close kayo? Ano ba meron sa inyo?
Bianca: Parang tayo.
James: Hindi ko magets.
Cindy: Sabi nya parang kayo na more than friends lang. Saka si Marcus ang First Love nya, hindi mo ba alam yun? At kaya hindi ka pa sinasagot nyan ni Bianca dahil din kay Marcus.
James: Gumagawa ka lang ng kwento!
Cindy: Eh bakit hindi mo tanungin dyan kay Bianca, nang masabi mo sakin na tama ako.
James: Totoo bay un Bia?
Bianca: Oo, mahal na naming ang isa’t isa simula nung mga bata pa kami.
James: So all this time pinapaasa mo lang ako at ang mahal mo talaga ay yung Marcus nay un!? Bia! Dapat sinabi mo na sakin dati pa.
Bianca: Hindi kita pinapaasa… [bago pa man matapos ang sinasabi ng Bianca, umalis na si James at sinundan sya ni Cindy]
Bianca: James! [naiyak na lang sya dahil hindi sya pinakinggan ni James]
YOU ARE READING
My Heart's Desire
Teen FictionMeron talagang tao na perpekto sa panlabas at sa panloob pati ang kanyang buhay ay halos perpekto na pero may dalawang lalaki na babago sa buhay nya, ang isa ay galing sa nakaraan at ang isa ay sa kasalukuyan. Sino kaya ang sinisigaw ng kanyang puso?