Chapter 20

66 1 0
                                    

CHAPTER 20

(Sasakyan ni Marcus yun ha)

[Kinatok nya ito at bumaba si Marcus]

Bianca: Marcus, pasok ka muna sa loob alam ko mainit dyan sa loob ng sasakyan.

[kaya yun pumasok si Marcus sa bahay nila Bianca]

[Sala]

Bianca: Bakit ka pala pumunta ditto?

Marcus: Magbabakasakali lang ako na pwede pang maging tayo.

Bianca: O.O

Marcus: Alam ko nakakagulat tong mga sinasabi ko pero mahal pa rin kita Ica.

[Hindi pa rin sumasagot si Bianca]

Marcus: Hindi mo na ba ako mahal?

Bianca: Marcus, mahal pa rin kita bilang kaibigan pero…

Marcus: Mahal mo na ba yung James na yun?

Bianca: Sorry pero oo.

Marcus: Ammm okay lang, ang tanga tanga ko naman kasi pinakawalan pa kita. [Tumulo na ang luha sa mga mata ni Marcus]

Bianca: Marcus, wag ka umiyak. Hindi ka tanga, baka nakatakda lang na hindi talaga maging tayong dalawa hanggang sa huli.

Marcus: Tatanggapin ko Ica dahil alam ko masaya ka sa kanya at magpaparaya na ako para na din sayo.

Bianca: Salamat Marcus. At sorry kung ganito na lang natapos ang lahat sating dalawa.

Marcus: wag ka mag-alala kaibigan pa rin ako hanggang sa huli.

[At niyakap ni Bianca si Marcus]

Marcus: Sana maging masaya ka sa piling nya at isumbong mo lang sakin kapag sinaktan ka nya ha.

Bianca: Oo naman best friend forever tayo eh.

[Kinagabihan]

Yaya: Bianca, pwede kunin mo yung trash bin sa garden, nakalimutan ko kasi kanina nung nagtapon ako eh nagluluto pa kasi ako.

Bianca: Ay sige po yaya kukunin ko na po.

[Paglabas ni Bianca nakita nya si James na nakasandal sa gate nila]

Bianca: James?

James: Pwede ba tayo mag-usap?

[Dali-daling binuksan ni Bianca ang gate at niyakap si James]

James: I miss you Bia. Sorry kung iniwasan kita.

Bianca: I miss you more James. [iyak lang ng iyak ni Bianca]

James: Wag ka na umiyak ha ayoko nakikita kang nasasaktan, im sorry kung hinusgahan kita. At dahil sakin bumababa na ang mga grades mo sorry.

Bianca: Naniniwala ka na sakin?

James:  Oo. Nag ipon pa kasi ako ng lakas ng loob saka nahihiya ako sayo.

Bianca: Bakit ka naman nahihiya?

James: dahil ang kapal ng mukha ko na husgahan ka.

Bianca: so okay na tayo?

James: Oo naman.

Bianca: Tandaan mo lagi sya ang first love ko pero ikaw ang last love ko.

James: Mahal na mahal kita Bia.

Bianca: Mahal na mahal din kita James.

[At hinalikan ni James si Bianca]

Bianca: Hoy! Magnanakaw ka ha!

James: Haha namiss talaga kita Bia sobra sobrang miss.

Yaya: Ehem…

James: Yaya! Maraming salamat! The best ka talaga haha.

Bianca: Kasabwat mo si yaya?

James: Oo naman haha.

[February 18, 2012]

Happy to say na 3 years na sila James pero syempre nag-aaway pa rin sila lagi minsan kasama nila sa date sila Marcus at Cindy. At happy to say din na naging si Marcus at Cindy, na kahit hindi sila nagkakasundo nung una naging sila naman at napagbago ni Marcus si Cindy. Sana maging sila talaga hanggang sa huli.

Salamat sa mga bumasa.

On-hold pa po siguro ito.

My Heart's DesireWhere stories live. Discover now