Skyller's Pov:
Sinira nya ang araw ko , at sinaktan nya pa si Dane kaya galit na galit ako sa kanya. Hindi ko pa naman magagawang kontrolin ang sarili ko ngayon dahil wala ang bracelet at wala din si Sky. " Umalis kana , baka kung ano pa ang magawa ko sayo !" nag smirk lang sya sakin. Lalo akong na inis , ayokong maulit ang nangyari dati nung mga bata pa kami wala akong balak ulitin lahat ng yun.
" Hindi ako na tatakot sayo Skyller , hindi ako matatakot sa inyo "
Hindi sya natatakot pero na nginginig yung left hand nya so hindi sya takot ng lagay na yan ah. Dahan dahan syang lumalapit sakin , pero bigla syang napatigil. Pinag yelo ko yung paa nya , halata sa mata nya na nag papanic na sya pero pinipigilan nya pa din para hindi ko mahalata. Pero halatang halata ko.
" Tanggalin mo to ngayon din"
Tanggalin pala ah parang bula na biglang nawala ang left foot nya . Natulala sya bigla at dahan dahang napatingin sa nawala nyang paa.
" Aaaahhhh !!!! Anong ginawa mo !!!!"
Sobrang tinis ng tili nya , kaya lumapit ako sa para takpan ng panyo ang bunganga nya.
" Manahimik ka , kung ayaw mong mawala pati ang ulo mo "
Naluluha ang mga mata nya , pero wala akong awa pag dating sakanya. Hindi ko sya mapapatawad dahil sa ginawa nya sa tita ko , hindi ko mapapatawad dahil sa lungkot na ipinadanas nya sa mga magulang ko .
" Na andto ka para kuhanin si Dane hind ba ? Wala akong pake kung sya ang prinsipe nyo . Wala akong pake sa nararamdaman nyo . Akin lang si Dane hindi ko kayo hahayaang dumihan ang pag aari ko. Kaya kung gusto mong mabuhay , umalis kana sa harapan ko"
Akala ko aalis na sya kaya binitawan ko na ang pag kakahawak sa bibig nya. Pero nagulat ako ng bigla nyang hinawakan ang buhok ko. " Sino ka para takotin ako? Hindi mo ba alam na immortal ako ? Kahit ilang beses mo kong patayin pa ulit ulit pa din akong mabubuhay kahit ilang beses mong putulin nag parte ng katawan ko pa ulit ulit lang yun babalik, Mukhang hindi ka pinag aral ng ayos nila Linnea"
" Akala mo hindi ko alam yun ? Kaya uulit ulitin ko lahat para sayo "
Nang gigil kong hinawakan yung braso nya , hanggang sa unti unti nyang nabitawan yung buhok ko. Ako naman ngayon ang humawak sa buhok nya. " Saan mo gustong simulan ? Gusto mo bang simulan kita dto " lalo syang nahirapan tanggalin ang kamay ko sa ulo nya ,dahan dahan kong pinag yeyelo yung ulo nya.
Pero nagulat nalang ako ng bigla kong naramdam na may yumakap sa beywang ko at para akong nahatak palayo kay Elsa. Napa pikit ako at pag dilat ko wala nako sa park nasa kwarto ko na ako. Bakit nandto ako ? Anong ginagawa ko dto ?
*cough* *cough*
" Dane ? Ikaw ba yung may gawa nun ? Okay ka lang ba ?"
" I don't want you to make your hands dirty, because of me"
Ngayon ko lang na realize paano nya nalaman yung kwarto ko ?
" Paano mo nalaman na kwarto ko to ?May alam ka ba sakin na hindi ko alam ?" Ang daming tanong na tumatakbo sa utak ko na hindi nya nasagot kana . Hinawakan nya yung kamay ko he look at me na parang may sasabihin sya na ikagugulat.
" I've been waiting for this moment the truth is , bata ka palang kilala na kita "
Mag sasalita sana ako kaso iniharang nya yung daliri nya sa bibig ko . Bastos walangya ka , muntikan ko pang masubo yung daliri nya. " Wag ka muna kasing sasabat so eto nga , baby ka palang lagi nakong pumupunta sa kung nasaan ka lagi akong nasa tabi mo , hindi kita inaalis sa paningin ko kase naniniwala ako na akin ka , na naka tadhana ka para sakin"
Bat parang naiiyak ako, bigla kong naisip na anak sya ng mga kalaban namin . Na kalaban ng pamilya namin. Bakit ganun bakit kaylangan maging ganto lahat , bakit kaylangan namin maranasan to.
" Bakit hindi mo sinabi agad sakin lahat ?"
" Kase baka lumayo ka , baka iwanan mo ko. Ayoko mangyari yun , kaya kong talikuran lahat para sayo . Kaya kong gawin lahat yan para makasama ka lang , Skyller"
Bigla nya kong niyakap parang nawala lahat ng dinadala ko parang nawala lahat ng bigat sa dibdib ko. Bakit kahit ganto kahirap ang sitwasyon , bakit pag niyayakap nya ko nawawala lahat , lahat ng lungkot at lahat ng pag alala na wala ng dahil lang sa yakap mo.
" Skyller andyan kana ba ? "
Boses ni dad yun, anong gagawin ko. Paano ko itatago tong si Dane . Tumingin ako sa kanya na parang sinasabi kona agad na paano na yan. Mahuhuli kami , ano to magiging finish na ba. Nag papanic nako paano ako neto , hindi ko alam ang gagawin ko. Naririnig ko na yung foot steps ng dad ko. Paano na ko neto please someone help us !!!
Unti unti ng bumukas ang pintuan , kaya lalo ako kinabahan " Paano na- - " nagulat ako dahil biglang nawala yung kasama ko dto. Nasan na yun, chineck ko yung ilalim ng kama pero wala sya dun. Saan na punta yun.
" Skyller pinapatawag ka ng mom mo . Wait are you wearing your bracelet? Bakit puro snow na dto "
Hindi ko namalayan sobrang dami na palang snow dto sa kwarto , bigla kong kinuha sa drawer yung bracelet , sinuot ko agad . " Susunod nalang ako sa baba dad, ayusin ko lang to " ang tulin nawala ng loko na yun ah. Ah syet nasan ba kase si Sky bakit ngayon pa sya na wala kung kaylan naman kaylangan e.
Bigla akong napa bugtong hinga , sobrang bigat ng responsibilidad na napunta samin. Bakit kaylangan maging ganto lahat. Kaylan bako magiging isang normal na teenager , ang hirap neto
-fin
Sorry ang tagal kong nawala ,masyado kong na enjoy ang pag mamahal sa taong iniwan lang ako . Sorry guys , but I'm back
YOU ARE READING
The Destiny Of the Twins ( Book2 of MTIK)
FantasyRead the book 1 first before reading this . The book 1's title is Marrying The Ice King . This story is about the daughter and son of Linnea and Frost . What path will they choose ? Are they going to follow their hearts ? Or are they going to f...