"Sa bawat hakbang na iyong gagawin..."
Huh????
"Hindi malaman kung saan patutunguhin..."
Bakit may boses na naman ako naririnig sa loob ng isip ko???
"Pero kung ikaw ay sigurado sa bawat disesyon iyong pinili..."
Pero hindi boses ni Je - I mean Kastor ito. Isa itong babaeng boses, more like a woman's voice.
"Sigurado din na ang iyong nais pumunta ay mahihiling"
Sino itong babaeng ito?? At ano ang mga sinasabi nya??
Biglang may isang liwanag lumitaw sa kawalan at nong nawala ang liwanag, meron nang isang babaeng puro puti ang nakatayo sa harap ko. Para syang white lady.
Pero hindi ako natatakot sa kanya, ang totoo nyan, parang na-amaze pa nga ako sa kanya.
Puro talaga sya puti, mula sa mahaba nyang buhok hanggang sa paa nya, pati dress nya puti din, pero naa-amaze talaga ako sa kanya dahil ang buong katawan nya'y lumiliwanag. Pero hindi ko makita ang mga mata nito dahil sa buhok nya.
"Alice"
Nagulat ako dahil tinawag nya ako at alam nya ang pangalan ko. Pero hindi ako sumagot sa kanya, hinintay ko na lang ang sasabihin nya pa.
"Piliin mo ang dapat, upang ang iyong nais ay matupad"
Anong ibig mong sabihin?
Tatanungin ko sana sya, pero lalo pa sya lumiwanag na halos masilaw na ako pati ang buong paligid ko ay lumiwanag, at dahil doon, hindi ko na muli sya nakita.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nagising na lang ako sa isang higaan sa loob ng isang kwarto na parang pamilyar sa akin. Bumangon na ako sa pagkahiga ko doon.
Nong naalala ko na kung bakit ako nandito at anong ginagawa ko, doon sumakit ang ulo ko, na lahat ng nangyari ay hindi isang panaginip.
In speaking of panaginip, sino yong babaeng yon?? At bakit nya sinasabi sa akin ang mga yon??
"Mabuti gising ka na" isa na namang boses na narinig ko pero ito sobrang pamilyar sa akin.
Tumingin ako sa direksyon nya, at nandoon sya sa may sliding window nakaupo natumitingin sa akin pa-poker face.
Nong una sasabihin ko pa naman na delikadong umupo dyan at nasa 6th floor kami, pero naalala ko na isa pala syang anghel kaya kung mahulog man sya, kaya nya naman lumipad pabalik dito.
Teka, isa ba talaga syang anghel?? Nag-assume kaagad ako na isa syang anghel nong tanungin ko kay Kuro sa may mahika part, na lahat ng mga anghel ay may taglay na mahika. Pero ako lang nagsasabi na anghel sya.
Ano ba ang sinasabi ko?!! Syempre anghel sya, nakita ko pa nga sya sa panaginip ko kagabi, doon sa mga images na yon. May pakpak sya, pero.....
wala syang halo at itim ang pakpak nya at pati na rin ang ugali nya, ibang iba sa inaasahan kong ugali sa isang anghel, kaya ngayon nada-doubt ako tuloy kung isa ba talaga syang anghel or something else.
"Isa akong anghel" bigla sya nagsalita.
"Ano????" Tapos tumingin ako sa kanya, na nakatingin rin sya sa akin. Medyo nagtataka ako, hindi sa pagsagot nya kung hindi....
"Ang sabi ko, isa akong anghel" tapos tumingin sya doon sa labas, may binulong pa sya, pero rinig na rinig ko naman yon, at doon na naman nagsimula ang pagkainit ng ulo ko sa kanya, "bingi"
BINABASA MO ANG
My Guardian Angel
РазноеAngels do exist I believe in God and His words that are written in the holy bible. And there are evidence that are written in the bible that angels exist. They said that angels are the guardians and the messengers to our world from God. But I have t...