Chapter 13 - Curse

42 3 1
                                    

[Alice's POV]

Pakiramdam ko para akong nakalutang sa mga ulap, ang sarap sa pakiramdam, ramdam mo ang hangin na ang presko sa pakiramdam, at ang lalambot pa itong mga ulap na ito. Sana ganito ang higaan ko sa bahay.

Pero nong akala ko makakatulog ako sa ideal kong higaan, bigla na lang ako nahulog mula sa hinigaan kong mga ulap.

"Huh?"

Bumagal ang proseso ng utak ko nong nahuhulog na ako pero nong namalayan ko na, ang ginawa ko na lang ay sumigaw.

"AAAAAAAAAHHHHH!!!"

Hindi ko alam ang gagawin ko, nahuhulog ako mula sa langit at mababagsak ako sa lupa na hindi pa alam kung safe ang mababagsakan ko.

Mga ilang minuto na ang lumipas at hanggang ngayon nahuhulog parin ako pero habang tumatagal, lalo ako kinakabahan. Iniisip ko na lang na kailan na ito matatapos? Kung mamamatay na ako, mamamatay na ako, ayoko yong ganito na pinapatagal at pinapakaba pa ako kung mamamatay rin lang ako.

Mayamaya din, nakikita kong namumula ang paligid habang nahuhulog parin ako, parang ang buong mundo ko ay naging kulay pula, hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ang paligid ko pero lalo ako kinabahan nong nakita kong nagiging pula ang paligid.

At nong malapit na ako sa lupa, nakita ko muli si Marely pero lumaki ito at lalo pa itong nakakatakot.

"Nagkita tayo muli Alice!!" Her voice changed, it's more deep and loud, and her smile is scarier than before. Nasaan ba ako?!! At bakit nagkakaganito ang sitwasyon ko??!!!

Nabigla ako nong nalubog na ako sa isang ilog, pero nong dumilat ako, nakita ko ang tubig ay sobrang pula ito!! Namamadali akong lumangoy at umahon mula sa ilog na yon. Ayokong malaman pa kung anong meron sa tubig na yon.

Nong umahon ako, may sumalubong sa akin, sina Rena at Jill pero...




...ang mga katawan nila...


....it's covered with blood and boneless!!!

Naglalakd sila papunta sa akin pero paika ika sila at ang mga katawan nila ay parang mga lantang gulay, halatang walang mga buto. Alam ko sila Jill at Rena ang kaharap ko ngayon pero natatakot ako, ayokong lumapit sa kanila, kaya tumakbo ako palayo sa kanila.

"Bakit Alice??? Bakit ka tumatakbo????" I heard them saying that in the same time, using my best friends' voices but in the same time their not the voices that I'm familiar with, it's like their different people.

But I didn't stop running, tuloy tuloy akong tumatakbo palayo sa kanila, at hindi rin ako lumilingon sa kanila, kaya hindi ko alam kung malapit sila sa akin o hindi, "bakit ka takot na takot sa amin Alice??? Hindi ba ikaw ang gumawa ito sa amin??? Ikaw ang pumatay sa amin hindi ba???"

I almost stop dahil sa sinabi nila pero hindi ko yon inintindi, tinuloy ko parin ang pagtakbo, at ngayon ko lang napansin, parang umiikot lang ako, hindi nagbabago ang paligid ko!!!

Nasa tabing ilog parin ako at ang mga puno na nasa paligid ay parang iisa lang ang itsura, kaya hindi ko alam kung umaalis ba ako sa dati kong pwesto mula kanina.

Pero tuloy parin ako sa pagtakbo para lang lumayo ako sa bangungot na ito.

"Huwag ka matakot sa amin Alice, harapin mo kami..."

Huwag na kayo magsalita pa.

"Ikaw ang gumawa nito sa amin..."

Hindi yan totoo...

"Ikaw ang may kasalanan kung bakit kami nagkaganito..."

Tama na... Pakiusap...

My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon