Chapter 9 - Loneliness

43 4 1
                                    

Nong dumating na ako doon sa may canteen, kita ko kaagad sila Jill at Rena doon sa isa sa mga mesa. Pinutahan ko sila kaagad.

"Ang tagal mo naman Alice, anyare ???" Sabi na lang ni Jill habang nilalabas nya ang baon nya sa bag. Umupo ako doon sa may harapan nila, ibig sabihin na mag-isa lang akong umupo dito sa side ng rectangular table namin.

"Nasalubong ko kasi si Ma'am Engtega at inutos pa nya akong kunin ang ilan nyang mga gamit sa faculty, kaya natagalan" pagsisinungaling ko.

"Talaga lang hah" sabi naman ni Rena na parang hindi naniniwala sa akin, sana hindi nya na pansin na nagsinungaling ako, "mamaya nyan kasi nagkita kayo ni Ken sa daan at tinulungan mo sya sa pagbuhat ng mga apparatus nya" and then giving me her teasingly smile.

"Ayan na naman kayo eh!!" Pag-iinis ko sa kanila.

Tapos tumawa na lang sila.

-_-#

Ayoko talaga ang ganitong panunukso nila sa akin. Nilabas ko na lang ang baon ko at nagsimulang kumain. Bahala sila!!

"Hahaha napikon kaagad sya oh. Kumain na nga tayo" at nagsimula na nga kami kumain sa mga dala naming baunan. Ang mahal kasi ng mga pagkain nila dito sa canteen.

Tahimik kaming kumakain, may kaunting kwentuhan at laging si Jill ang dumadaldal, kaya sya lagi ang nahuhuling matapos kumain sa aming tatlo.

Pero habang kumakain kami, biglang.... "Ayon pala si Ken" nagsalita si Jill. "Ken!! Dito!!" At sumigaw pa nga. Mabuti ang ingay ng canteen ngayon.

Tumalikod ako at doon ko nga nakita si Ken napapunta na rito.

"Kakatapos lang ng klase nyo??" Salubong tanong ko sa kanya, habang umuupo sya sa tabi ko.

"Oo, nag-extend pa kasi ng klase ang prof namin. Kaya gutom na gutom na ako, penge ah" sabay kuha nya ng chiken nugget ko at kinain na nya yon.

"Oy! Grabe naman to! May baon ka di ba?! Yon na lang ang  kainin mo, hwag ang baon ko" napipikon na naman ako sa kanya. Lagi na lang sya ganyan, since elementary. Nilayo at tinakpan ko na ang baunan ko, mamaya kumuha pa sya ng isa pa.

"Eh ang sarap kaya ng chicken nugget, at gutom na gutom na ako, hindi na ako makapaghintay na ilabas ko pa ang baunan ko, pwede naman kumuha na lang ako sa iba, hindi ba" confident pa nyang sabihin yon.

"Ilabas mo na lang kasi ang baunan mo, para hindi ka mahimatay dyaan"

"Oo na" at nilabas na nga nya ang baunan nya.

Nong binuksan ni Ken ang baunan nya, na-amaze na naman ako sa loob ng baunan nya, at may panunukso.

"Ang cute ng baunan mo Ken hahahahaha!!" Tawa ko na lang sa kanya.

"Huh?? Ugh Yuna, bakit?!!"

At tumawa na lang kaming tatlo.

Yong baunan kasi nya ay more or like a bento, yong Japanese lunchbox, yong may kanin tapos may pa-design design pa ng mga ulam nya, like gulay, egg rolls at kung anu-ano pa. Yong sa kanya ngayon may ulam at tapos may bear cartoon sa kanin nya. Hindi ko alam kung paanong ginawa yon, pero ang cute.

 Hindi ko alam kung paanong ginawa yon, pero ang cute

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon