Chapter 5 - Dream

41 2 0
                                    

"Hawakan mo ang iyong kwintas"

A man's voice...

"At mag-isip ka ng isang kalasag"

...is talking inside my HEAD!!!!

"Eh - ehm" nabalik ako sa reyalidad dahil sa 'eh-ehm' na yon, at doon ko na realize na hindi ito ang tamang panahon na mag-isip ng kung anu-ano.

"Sorry sa inasta ko Alice, nauubusan na kasi ako ng oras, kailangan ko na kasing bumalik muli sa langit pagkatapos kong burahin ang alaala mo" bumalik ang dati nyang boses at mukhang kalmado na sya.

Pero wala na ang tiwala ko at iba na ang tingin ko sa kanya. Ibang ta- - ibang nilalang na ang kaharap ko ngayon.

"Si-sino ka?" Nanginginig pa ang boses ko nong tinanong ko yan. Nagdadalawang isip ako kung tanungin ko yon dahil baka kung saan pa ang mapunta sa usapan namin pero kahit ganon, lakas loob ko parin tinanong. Gusto ko malaman.

"Hahaha ano bang tinatanong mo dyan Alice, ako si Angelo, ang nakilala mong lalaki noong nasa gubat ka at ako rin ang nagbigay iyang kwi--"

"Hindi ikaw ang lalaking yon!!!" Pagtitigil ko sa kanya, naiirita na ako sa lahat ng mga kasinungalingan nya, "ibang nilalang ka, impostor. Pinaiikot mo lang ako at nakuha mo pang magsinungaling sa akin. Sino ka ba talaga ha??!!!!!!"

Hindi sya kaagad umimik, nakatayo lang sya at nakayuko, tahimik lang sya, tapos maya maya lang, "hehe hahahaha hahahahahahahaha HAAHAHAHAHAHAHA HAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!"

Tumawa sya na parang wala ng bukas at paunti unti umiiba ang boses nya at pati ang appearance nya. Humahaba ang buhok nya, humahaba din ng patulis ang mga kuko nya, nakikita ko rin naumiiba ang kulay ng suot nyang uniporme, mula puti naging itim, pati ang mga mata nya, mula itim naging pula, at ang pinaka ikinagugulat ko ay nagkakaroon sya ng dalawang sungay sa magkabilang ulo nya. DALAWANG SUNGAY!!!!

"You're really something Alice" tuluyan nang nabago ang boses nya, mas lumalim ito, "it is true that your...special" what???

"Anong ibig mong sabihin?"

"Oo nga pala, hindi mo pa pala alam. Well hindi naman yon importante kung makukuha ko na ang kwintas mo!!" At bigla itong sumugod pa-pa-PAPUNTA SA AKIN!!!!

Anong gagawin ko?!!!! Ayaw ko pang mamatay, marami pa akong gustong gawin!!

Nong malapit na sya sa akin, pinikit ko na lang ang mga mata ko at hintayin ang kamatayan ko.

"AAAAAAHHHHHHH!!!!!!" Huh??

Binuksan ko ang mga mata ko at ang una kong nakita ay ang pagkukuriyente ni Angelo sa harap ko, yong kamay nya malapit na sa mukha ko pero bigla sya nakuriyente. Anong nangyari???

"AAAHHHH!!" Bigla nya hinila ang kamay nya palayo sa akin, "bwisit!!! Akala ko hindi ganito kasakit ang harang, nagkamali ako!!"

Harang?? Anong sinasabi nyang harang??!!!!!

Tinaas ko ang kamay ko at parang may gusto akong hawakan sa bandang harap ng mukha ko, kung saan ang kamay nya kanina, pero wala akong mahawakan, in fact wala akong maramdaman na kuriyente, kaya bakit sya nakuriyente??!!!

"Masakit sya pero kaya naman mawasak ang harang na yan" tapos ngumiti sya ng malaki-laki na nakatingin pa sya sa akin. Doon tumaas ang mga balahibo ko.

Ngayon ko lang napansin na ang mga kuko nya ay humaba at tumulis pa ang mga ito. Sumugod ulit sya papunta sa akin pero hindi ko pinikit ulit ang mga mata ko. Natatakot ako pero gusto ko malaman ang mangyayari.

My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon