Chapter 6 - Questions

55 4 0
                                    

Dumating ako ng classroom, at katulad ng dati, late na naman ang prof namin.

Tumakbo takbo pa ako wala pa pala sya.

May kumaway sa akin, and to my expectation, si Jill ang kumaway sa akin, katulad lang 'kahapon'.

"Oh Alice tumakbo ka yata, ang hagard mo" - Rena

"Well *huff natanghali *huff* ako *huff* ng gising *huff*" grabe tinakbo ko talaga ang mga hagdan hanggang dito sa 5th floor HHHHAAAAAYYYYY

"Wow bihira lang yon ah. Ano ginawa mo kagabi para ka matanghali ng gising hah??????" Panunukso na naman ni Jill sa akin.

"Wala! Hay naku Jill, yan na naman ang pagtutukso mo sa akin. Ma-masarap lang ang tulog ko kanina" hindi ko alam ang sasabihin ko kaya medyo na utal ako.

"Ooowwsss talaga ~ ~"

-_-#

"Okay okay, gets na kita" suko na ni Jill

At hindi na kami nagtuksuhan, ngayon nag-uusap na sila Jill at Rena, at ako, nakikinig na lang sa kanila. Pero hindi ako na-fo-focus sa kanila.

Iniisip ko parin ang tungkol sa kanina at doon sa panaginip ko. Bumalik ba talaga ako ng lunes??

Tiningnan ko at in-open ang cellphone ko, at tama nga, lunes ngayon.

Kung bumalik ako ng lunes, makikilala ko ba ulit si 'Angelo'?! Mauulit ba ang nangyari nong nasa garden kami?!! Makikta ko ba ulit ang nasa 'panaginip' ko?!!! Magiging isang never ending cycle ito sa buhay ko?!!!!!! (If you can't tell, I'm fine in the outside, and I'm screaming in the inside)

"Ang tagal naman ni Ma'am! Nakakabagot tuloy" medyo inis ni Rena.

"Ay oo nga pala, in speaking of Ma'am, hulaan nyo kung bakit late na naman si Ma'am"

Teka, ito yong tanong ni Jill nong sinabi nya na may bagong transfer student, don't tell me...

"Eh ano pa bago dun kay Ma'am, sigurado ako na nagchichismisan na naman yon sa faculty o late na naman nagising yon" at katulad sa inaasahan ko, ganyan din ang sagot ni Rena kay Jill.

Oh please, hwag sya maulit.

"Alam ko na nga na yon ang sasabihin mo Rena pero no, neither both of it is the reason"

Huh??

"Papunta na sana ako dito sa room kanina ng mas maaga, kayalang nasalubong ko si Ma'am at ang boyfriend nya iiiiiihhh~~" sabay kilig nya. Hay naku si Jill. "Alam nyo ba ang ginawa ng boyfriend nya kanina ~~"

"Nag-pro-" - Rena

"Nag-propose kyyyaaaaa!!" Oh My God si Jill, super kilig na sya.

"Hwag ka nga sigaw ng sigaw dyan, minsan naiirita ako sa sigaw mong yan" pag-iinis ni Rena.

"Renalyn!! Nandito ka ba?!!" And right in cue, dumating si Kuya Rence.

"Uuggh! Captain! Ilang beses ko bang sasabihin sayo, hwag mong pagsigawan ang pangalan ko!! Nakakahiya!!!" Sigaw nya 'ulit' kay Kuya Rence, "teka lang ha, may kakausapin lang akong boblaks" and yeah, katulad ng 'kahapon', tumayo sya at pumunta kay Kuya Rence sa may pinto.

So far, perehas ang araw na ito sa inaakala kong 'kahapon', pero different in the same time. Especially sa part na walang transfer student!!

Lahat ba nangyari 'kahapon' ay.....

....panaginip??

Pero imposible yon, dahil may mga bagay na umulit, sa part lang ni 'Angelo' ang...


My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon