Cassey pov's
Ang ayaw ko sa lahat ay 'yong pinag gigitnaan ako sa pag tulog pero ngayon nasa gitna ako nitong dalawa.
" Hindi ka makatulog?" tanong ni Alice.
"Oo." sagot ko saka bumangun.
" Hmm! Same si Jane tulog na." Ani Alice napatingin naman ako kay Jane.
" Hindi pa kaya 'di kasi ako sanay kaya hindi ako makatulog." sabi ni Jane sabay upo." Kumain na lang tayo." akit niya.
" Wala ka na bang kabusugan?"kunot-noo kung tanong.
" Kunti. " saka s'ya tumawa napabuntong hininga na lang ako at napailing.
" Iba talaga." bulong ko.
Jane pov's
" Jane 'di ba nasabi mo may tumawag sa'yo? " napalingun ako.
"Ah oo nga eh unknown pa rin 'di ko siya kilala." sagot ko.
" Kay Cass din kasi 'di ba Cass?" sabay tingin kay Cassey na kumakain nang potchi.
" Ahm oo pero 'di ko na iniintindi 'yon." Sagot ni Cassey saka siya ngumiti. Sa months sa mga celebration mga activites at iba pang ginagawa namin nakikita ko na siyang tumawa at ngumiti 'yong totoo at walang halong peke alam ko naman na may mabigat na pinagdadaanan 'tong babae na to. Pero napaka masikreto talaga siyang tao.
"Antok na ba kayo?" tanong ni Cassey.
" Ako hindi pa." sagot ko.
"Antok na ako. Good night na lang."
*BABABA BABANANA BABABA BABANANA BAANANAAAAA.
Natawa naman ako sa ringtone niya. Ang cute kasi." Wait lang." siya saka tumayo at pumunta sa terrace. Napanguso naman ako. Sino kaya 'yon? " Palagi bang may tumatawag sa kanya?"
" Hindi niya nabanggit. Ikaw ba?"
" Madalang lang naman. Ang weird nga e saka ang creepy pa ng boses niya." napakunot noo naman ito.
" Talaga? Mag ingat pa rin kayong dalawa. Lalo na sa mga taong kakausapin n'yo." tumango naman ako.
**
Cassey pov's
Nang tingnan ko unregistered number na naman ang tumatawag. Naiinis na talaga ako.
"Hello?"agad kung sagot.
" Kumusta ka na?"
"Sino ka naman?"
" Hindi na mahalaga kung sino ako ang mahalaga malaman mo kung sino ang kapatid mo."
" Kapatid ko? Sino ka ba? Wala akong kapatid."
" Talaga? Wala kang kapatid? Ang alam ko hinahanap mo siya sa University n'yo." napakuyom naman ako. Sino 'to? Bakit alam na alam niya ang ginagawa ko?
" Ano? Tanga ka ba? Bakit naman ako mag hahanap ng kapatid?"
" Gusto lang kitang tulungan na hanapin siya."
" Hindi na. At tandaan mo oras na makilala kita hindi ka makakatakas."
" Paano kung isa sa mga kaibigan mo ang konektado sa buhay at pagkatao mo? "
"Sino ka ba talaga?"
" Find the answer. Malapit na sa'yo tumatakbo ka pa palayo."
![](https://img.wattpad.com/cover/111193262-288-k166723.jpg)
BINABASA MO ANG
Three Idiot,One Singer And Me with Bookworm Lady ( Completed)
Teen Fiction[Volume 01] " All stories must come to an end, But not all are said to have a Happy Ending." Written by: Shaun_writes Date start:03/27/17 Date Finish:06/30/18 Edited finish:04/09/19 ©All Right Reserved