Chapter 34 The Mysterious Man

62 3 0
                                    

Jane pov's

       Nakatingin lang ako sa naglalarong  Persian Cat sa may paanan ko pinagulong gulong niya ang isang bola habang parang may sariling isip na hahabulin kapag gumulong man kung saan. Regalo ni dad ang Persian Cat na iyan sa akin noong mag 10 years old ako at nang maganap ang isang 'di inaasahang pangyayari noon. Sakto no'n namimili kami ng laruan nina Mom at Dad may naganap na aksidente sa kalsada at medyo nagkagulo no'n kasi may magkapatid daw na nadamay sa aksidente so 'yon mabait si Dad tumulung siya doon at sumama siya sa ospital nakaramdam ako ng inggit kasi mas inuna niya pa ang hindi niya kaano-ano kesa sa birtday ng anak niya. Doon din nagsimula ang pag-aaway nila ni Mom at doon ko rin nalaman na hindi pa ako nag iisa dahil mag kapatid pala ako may anak si Daddy sa ibang babae lumayo ang loob ko sa kanya ng mangyari at narinig ko ang pag-aaway nila.
   Bumuntong hininga ako saka umupo sa harap ng pusa saka nilaro gamit ang aking kamay nag iisa lamang ako dito kasi pupunta si Mom sa Bicol para bisitahin ang ipinagagawa niya flower shop doon.


" Shian,Are you hungry?" tanong ko dito.

" Meow!meow!" tanging sagot niya lang at tumayo naman ako.

" Dito ka lang kukuha ako ng makakain na'tin" saka ko siya kinindatan pumunta ako sa may pintuan at saka binuksan pero napaghawak ako sa dibdib ko dahil bumungad ang mukha ni mama sa akin.


" Mom, akala ko po pupunta ka sa Bicol?" tanong ko.

" May nakalimutan lang ako" sagot niya saka ako tinalikuran at naglakad sunod naman ako sa kaniya pababa ng hagdan." May lalaki akong nakita sa tapat ng bahay na'tin kanina naka motorsiklo ito mukhang adik." humarap naman siya sa akin at kumunot ang noo.

" Wala naman po akong nakita kanina baka naman nasiraan lang 'yong motor niya." sagot ko dito.

" Naku Jane kilangan mo na ng yaya para naman may makasama ka dito kapag wala kami ng Dad mo babae ka pa naman." siya niyakap ko naman siya.

" Mom,okey lang ako para saan pa't ipinasuk mo pa ako sa isang Martial Art Class noon 'di ba?" ngumiti ako sa kanya.

" Pero anak mas mabuti na may nakakasama ka dito sa bahay." napalayo naman ako at ngumuso.

" Don't worry, Mom kapag wala ka naman iimbitahan ko si Cassey na dito matulog kapag wala kayo." pagsisinungalin ko. Wala naman akong balak dahil mas gusto ko ang mag isa.

" At isa pa si Cassey I like her nakikita ko na napakabait niyang bata. Isa pa naaalala ko talaga si Carina sa kanya." napanguso naman ako. I forgot nakalimutan ko nga pala na magkakilala si Tita Carina at Mom.


" Ako po ba hindi ba mabait?" saka ako kumamot sa ulo tiningnan naman niya ako.

" Hindi." straight to the point niyang sabi.


" MOMMMMMM.." react ko naman kaso tinawanan niya lang ako.

     Alas-sais na ng hapon at maghapon akong boring dito sa bahay wala naman akong matawagan wala rin akong maka-chat kasi nakakatamad mag online at isa pa nakakatamad din manood kapag nag iisa ka. Tumayo naman ako saka kumuha ng Jacket sa cabinet lalabas na lang ako at bibili na lang ng maraming pagkain. After ko ilock 'yong pinto tinap ko naman ang ulo ng aso namin.

" Bantayan mo bahay na'tin." saka ako lumabas ng gate at nagsimula nang maglakad marami naman akong nakasalubong na mga couple at kulang na lang mag-halikan sila kahit na nasa public at nasa gitna sila ng daan.

" Jane Ashley right?" napatigil naman ako at napatingin sa lalaking may tangay na sigarilyo na tumawag sa pangalan ko.

" Bro,ayan na." ani naman ng kanyang katabi na may hawak hawak na isang bote ng coke.

" Ang sexy mo talaga." puri nito at saka humakbang palapit sa akin kaya napaatras ako.

" Kung pupurihin niyo ko ng ganiyan pwede ba huwag na dahil matagal ko nang alam." sarcastic na sabi ko tumawa naman siya at suminyas sa kaniyang mga kasamahan na agad  tumayo at saka ako pinalibutan may kakaibang kaba naman na bumalot sa buo kong katawan napalunok din ako ng sarili kong laway.

" Natatakot ka na ba?" napakuyom naman ako.


" N-no" pinigil ko ang hindi mapiyok.

" Talaga?" humakbang siya at suminyas sa nasa likuran ko na susunggaban ata ako pero nakailag naman ako at agad na tinalapid.

" Ano bang problema ninyo sa akin?" ubod tapang kung tanong. Jane, mag isip ka nga. Babae ka at mga lalaki sila.

" Mas mailap ka na kasi ngayon kesa noon dahil ba may boyfriend ka na?" tanong niya. Chismoso rin ang isang 'to.

" Ano namang paki mo kung may boyfriend na ako?" matapang kung balik tanong sa kaniya.

" Pero bago ka pa naman niya matikman mauuna na muna ako." kinilabutan naman ako sa katagang iyon inayos ko ang aking tayo. Sumugod naman 'yong isang katabi niya sa akin kaso nahawakan ko na kaagad 'yong kamay niya saka tinalapid kaya napadapa.

" Kilangan ba dapat na ganyanin ninyo ang isang babae?" napalingun kami lahat dahil sa kanyang malamig na bose at medyo agaw pansin pa ang takip niya sa mukha at suot niyang halos kulay itim para siyang grim reaper.
  Naglakad ito palapit sa akin at agad naman akong hinawakan sa braso." Don't touch her."may halong pagbabanta sa boses niya dahil upang labis akong naguluhan. Sino ang isang ito?

" Huwag ka ngang mangialam. Kung gusto mo pag katapos namin ikaw naman."  nakita ko kung paano mapakuyom ang kanyang kamay at akmang hahawakan ako pero hinigit niya ako papunta sa kaniyang likuran at doon nakita ko ang isang logo sa likod ng kaniyang jacket. Isang bungo naman may rosas at isang baril sa baba noon may tatlong letra.

" Hindi ba't sinabi ko na huwag ninyo siyang hahawakan." nagkatinginan naman 'yong mga lalaki saka tumango.

" Trouble again" bulong naman niya saka ako tiningnan binitawan niya ako." Let me handle this." siya saka sumugod. Tadyak dito, Tadyak doon suntok dito, suntok  doon ilag dito, ilag doon yan lamang ang ginagawa niya na masasabi kung astig nagulat na lamang ako ng hilahin niya ako paalis ng lugar na iyon.

" Next time huwag ka nang lalabas kapag wala ka man lang kasama."


" Jane!" napalingun naman ako at nakita si Cassey na mukhang pagod na pagod sa kaka-pedal.



" See you soon, Ashley." aniya bago sumakay sa kanyang motorsiklo at umalis na. Lumapit naman si Cassey sa'kin at hinawakan ako sa dalawang balikat.



" A-ayos ka lang? W-wala bang masamang nangyare sa'yo?" tanong niya at halata sa boses nito ang labis na pag aalala. Alam ba niya na mangyayare 'yon? Sino ang nagsabi sa kanya?




" I'm fine. Umuwe ka na." saka ako tumalikod sa kanya.







————

Done editing and revising this chapter. Enjoy reading.

Three Idiot,One Singer And Me with Bookworm Lady ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon