Chapter 43 Love problem

50 3 2
                                    

Jane pov's


" Mahal kita noon pa.."habang namumulang nakatingin sa akin.
Nang last night pa niya 'tong sinabi seryoso ba talaga s'ya sa mga sinasabi niya. Medyo naguguluhan ako o talagang slow lang.

" Jerome, I'm Sorry...Ano ba kasi 'yang pinagsasabi mo sa akin?" lumunok muna ito.

" I said I Like you....matagal ko nang gustong sabihin 'tong nararamdaman ko noong 1st year pa lang tayo. Pero inisip ko na baka naman puppy love lang pero hindi. Hanggang ngayon ikaw pa rin. Ikaw pa rin ang gusto ko." napaka seryoso nang mukha niya habang sinasabi ang bagay na 'yon.

" Kasi naman.." hinawakan niya 'yong kamay ko at hinigpitan iyon.

'' Sa tuwing binabalak kong sabihin sa'yo itong nararamdaman ko umuurung 'yong dila ko. Naduduwag ako dahil baka katulad nang iba baka ma-reject lang din ako pero nag decide na ako na okey lang sa'kin kung ma-reject man ako ng bestfriend ko at least nasabi ko 'yong nararamdaman ko sa kanya." napakagat labi naman ako. " ...But promise me kung ma-reject man ako walang magbabago naiintindihan mo? Tayo pa rin 'yong dati 'yong magkaibigan at walang ilangan."

" H-hindi nakakatuwa ang biro mo, Jerome."



" Jane, I'm serious okey? This is the truth. I love you more than bestfriend." umiling naman ako. Ito na ba ang tamang oras para sabihin sa kanya?
" Jane, I'm sorry kung—"

" Mahal rin kita, Jerome matagal na katulad mo baka kasi pag tawanan mo lang ako. Isa pa ang sungit mo sa'kin. Dinaig mo pa ako kapag may regla nakakainis." nagulat siya sa sinasabi ko." Ayuko na rin namang itago pa 'tong nararamdaman ko sa'yo. Hinintay lang talaga kita. Ansama naman kasi kung ako 'yong unang mag tatapat 'di ba? Ikaw mismo nagsabi n'yan sa akin." dugsung ko pa "...Isa pa ang dami dami na rin umaaligid sa'yo kaya sasabihin ko na." ngumiti naman siya at nagulat ako nang yakapin n'ya ako bigla.

" T-teka naman..." bigla niyang pinisil 'yong ilong ko saka ako hinila bumili kami nang Fishball at kung ano anong street foods masarap naman kasi date kaya namin 'to?


" Hindi pa nga nanliligaw." sabat ng mahadera kung utak.




" Oo nga pala assuming talaga ako. Pero baka lang naman."



" Jane." napalingon naman ako sa kanya nagulat na lang ako nung isubo n'ya 'yong kinakain n'yang Fishball sa akin kaya sinamaan ko s'ya nang tingin matamis na man s'yang ngumiti sa akin "...Kinakausap mo na naman sarili mo." napapout naman ako.


" Mag kasintahan ba kayo?" tanong ng tindero.

" Hindi pa po sa ngayon manong." sagot ni Jerome ngumiti lang naman ako kay manong.

" Ang sweet n'yo kasi kaya akala ko mag kasintahan kayo." natatawang sabi ni manong nag init naman ang mukha ko.
  Napansin ko na lang na marami pa lang nakatingin sa amin.



" Bagay sila 'no?"




" Yap maganda at gwapo pa. Mukha silang mga korean."



" Sweet din ."



" Sana ganyan kami ka sweet."





   Bigla na lang akong nailang." Ahhhh...Anong oras na ba? Uwe na kaya tayo." natawa naman siya. Nadilim na rin kasi.


" Mamaya na." pigil ni Jerome saka hinawakan ang kamay ko.


" Bakit naman?" mukha kasing may hinihintay siya.


" Manonood tayo nang mga star." napatawa naman ako. May kakornihan pala siyang itinatago sa katawan.


" Jane? "




" Hmm? "




" Pwede na ba akong manligaw sa'yo?"



" Pagiisipan ko." napakamot naman siya.



***

Cassey pov's

    Nakadapa ako nang bigla akong nagutom kaya bumaba ako at kinuha 'yong bike ko saka lumabas nang bahay at pumunta sa Convenience store at bumili na lang nang potchi lalabas na sana ako pero may humawak sa braso ko kaya napa-bored look na lang ako nang makita ko kung sino ang taong 'yon.

" What do you want ?"mataray kung tanong dito.


" Naniniwala na ako sa tadhana." napataas naman ang kaliwang kilay ko.



" Then?" asar na tanong ko.


" Kasi naman dito tayo unang nagkita hindi ba?"


" Paki ko? Umayus ka nga Jeff. Kung ayaw mung mabato nang De lata ULIT." ako saka binawi ang braso sa kaya at dinamput 'yong isang de lata sa tabi ko.

" Joke lang ito naman." inirapan ko naman siya't ibinalik ang delata sa dating kinalalagyan saka naglakad. "Eh..tara sa bahay n'yo." usal niya.


" Ano namang gagawin mo doon?" irita kung tanong sa kanya.

" Kung anong magawa." ibinigay ko naman sa cashier 'yong pinamili ko at saka binayaran.

" Tch.." lumabas na ako naramdaman ko naman na sumunod s'ya sa akin.
  Hanggang sa pagba-bike kasunod ko kasu naka Skateboard siya nang makarating siya sa bahay nauna pa siyang pumasok sa akin.

"Hi Ate " bati naman ni Shayne nang makapasok ako napataas naman ang aking kilay.

" Penge ako." saka niya inagaw 'yong isang Roller Coaster na dala ko hinayaan ko na lang siya at umupo na ako sa may sopa tumabi naman siya sa akin.

" Tapos ka na ba sa project pangit?" tanong nito sa akin.

" Pangit ka nang pangit akala mo naman ay kay gwapo mo mahiya ka nga sa balat mo." tumawa naman siya bigla. Kinain ko 'yong Potchi saka tumayo may nag doorbell kasi.

" Hi cass." bati ni Alice ng mabuksan ko ang gate.

" Hi.." bati ko pabalik at pinapasok ko naman.


" Oy, Jeff andito ka rin?"



" Oo nakatambay lang."


" Umuwe ka na." nakasimangut kung taboy sa kanya.

" Mamaya na." saka siya matamis na ngumiti sa'kin kaya napa-irap naman ako. Umupo naman ako sa tabi ni Alice na nanood. Twilight Breaking Down ang palabas at ang pogi ni Edward. Siya lang talaga ang crush ko sa lahat ng Hollywood celebrities. Share ko lang.

" Cassey, Paano malalaman kung inlove ang isang tao?" bigla naman akong nasamid kaya tumayu sila para kumuha ng tubig at nang maulian ako tumingin ako sa kanya.

" Okey ka lang?" tumangu naman ako.

" Ano ba kasi 'yang tinatanong mo kay Cassey? Hindi pa naman 'yan na iinlove baka nga talagang tomboy 'yan." sabat ni Jeff.

" Isa pang tomboy mo sasapakin na talaga kita. Isa pa hindi naman ibig sabihin na NBSB ako e hindi ko na alam ang mga ganyang bagay."


" Ano ba talaga :yang problema mo?" tanong ni Jeff.



" Nothing?" problemado naman kasi ang isang 'to.

"Love Problem?"umiling naman siya.


" H-hindi naman"tanggi niya.


"Si Daryl?" tanong ko.


"H-hindi nga"


" Bakit namumula ka?"


" Basta ba nagkakaganito ako si Daryl na agad."




——————

Three Idiot,One Singer And Me with Bookworm Lady ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon