Chapter 58 Relationship Status

47 1 0
                                    

Jane pov's


    Nakatingin lang ako kay Chris ngayon seryusong seryoso ang kanyang mga mukha." Wala ako balak na itago pa 'to sa inyo."

" Alin? Na kayo na? O na nililigawan mo si Jane b'ro, alam na namin matagal na." ani Jeff saka isinubo 'yong pizza.

" Ehemm...ititigil mo na ba ang panliligaw mo kay Pangs?" ngumisi si Daryl sa akin.

" Alin 'yan?" tanong ko at hindi pinansin ang sinabi nung dalawang ulaga. Tumingin siya sa akin at saka hinawakan 'yung kamay ko.

"Jane." sa paraan ng pagtawag niya kinakabahan na ako. Anong meron nagpapakamanhid na naman  ba ulit  ako? Humarap siya sa akin. 'Yong tibok nang dibdib ko hindi normal napakabilis niya para akong hinahabul ng mga puso.


" Can you be my girlfriend?" natameme naman ako sa kanya lahat na 'yata nang dugo ko sa buo kung katawan nag siakyatan na sa mukha ko nakakahiya na grabe sa harap pala talaga nila?

" J-jerome, K-kasi." nagkanda utal utal na sabi ko. Nagulat kasi ako sa tanong niya.


" Grabe itong mga 'to dito pa talaga nilalanggam kami." Ani Alice na mukhang kinikilig.


" Hindi naman siguro kayo mamamatay n'yan 'no? Jane, ano sasagutin mo ba ang tanong niya? Aagawin ko 'yan sa'yo crush ko pa man din si Jerome." pokerface na sabi ni Cassey napasimangot naman ako. Totoo ba ang sinasabi niya?


" T-totoo ba 'yon,Cassey?"


"ARE YOU SCARED?" ngumisi naman si Cassey.

" Ano Jane?" tanong nito ulit.


" Ibigay mo na 'yong sagut mo." nakangiting sabi ni Cass minsan nakakapikon na rin ang amazona na 'to.



" Hindi ka pala bitter." banat ni Jeff.


" Shut up, Idiot?" sabay irap at tumingin ulit si Jero sa akin. " Seryoso ako Jane naku ngayon ka pa ba mahihiya?"

**

Jerome pov's


" Can you be my girlfriend?" tumingin lang naman siya sa akin at gulat na gulat nilaksan ko na ang loob ko ayaw ko kasi na baka isang araw hindi ako ang kasama niya natatakot ako na baka maagaw pa siya sa akin ayaw ko na siyang pakawalan habang buhay unti -unti naman siyang namumula.

" J-jerome, K-kasi." nagkandautal utal na sila.


" Grabe itong mga 'to dito pa talaga nilalanggam kami." Ani Alice na mukhang kinikilig.


" Hindi naman siguro kayo mamamatay n'yan 'no? Jane, ano sasagutin mo ba ang tanong niya? Aagawin ko 'yan sa'yo crush ko pa man din si Jerome." pokerface na sabi ni Cassey pinilit kung hindi matawa iba na kasi ang reaksyon ni Jane.

" T-totoo ba 'yon,Cassey?"


"ARE YOU SCARED?" ngumisi naman ito.

Three Idiot,One Singer And Me with Bookworm Lady ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon