Alice pov'sSinundan ko si Cassey habang madilim ang mukha hindi ko akalain na iisa lang ang ama nilang dalawa at paano niya 'yon naiitago sa amin? Paano niyang naitago 'yon sa kapatid niya? Nang maabutan ko siya at bahagyang hinila ko ang kanyang braso at halata naman na nagulat siya pero itinagu niya 'yon at walang emosyon na tumingin sa akin.
" Sabihin mo totoo ba 'yong narinig ko?" kumunot noo siya sa akin." You and Jane." naging blangko naman yung mukha niya at bumuntong hininga." Cassey, Kaibigan mo ako."dugsong ko pa. Hinila niya ako at pumasok sa isang stock room at agad niya 'yong ini-lock.
" Yeah!..." nagulat ako sa sagot niy. " At malaki ang kasalanan ko sa kanya kaya ako umalis sa bahay nila dahil nalaman ko na iisa lang ang ama naming dalawa masakit isipin na Jane ang bunga nang—" umiwas siya sa akin ng tingin at ibinaba iyon." Ako 'yong dahilan kung bakit wala sa kanya ang atensyon nang Daddy niya kung bakit nasira ang samahan nilang dalawa." malungkot niyang sabi kung tutuusin wala naman talagang may kasalanan. Hindi rin naman alam ni Cassey yun eh. Hindi niya kasalanan at issue lang ito ng mga magulang nila. " Pero hindi ko kasalanan na pinagsabay ni Papa sina Tita Ash at Mama." mas nagulat ako dahil sa ugali niyang ipinapakita." Kaya pala kilala ni Mama si Tita Ash kaya pala gano'n na lang ang tinginan nila. Pinaplano na pala nila." hindi ko maiwasang hawakan siya sa balikat.
" Kailan mo balak sabihin 'to sa kanya?" seryuso kung tanong sa kanya.
" Should I tell her? Hindi ba dapat sina Papa at Tita Ash na ang magsabi sa kanya? Bakit kailangang ako? Ginawa ko ang lahat para malaman kung sino ang kapatid ko. Tapos sasabihin ko lang sa kanya ng gano'n kabilis?" punong puno ng hinanakit niyang sabi. " Siguro iwasan n'yo na muna ako."
" BALIW KA BA? Naiintindihan kita Cassey pero.." singhal ko sa kanya. Nahalata ko naman na nagulat siya." Hindi 'yan ang rason para maayus mo ang gulo hindi kasalanan ni Jane at lalong hindi mo kasalanan 'yon."
mapakla siyang ngumiti." Salamat dahil kahit na anong ugali meron ako inintindi mo kaya naman sorry kung magiging selfish ako." tumingin siya sa akin. " Please lang lumayu ka na sa akin ayaw ko na pati ikaw ay madamay dahil nalaman muna ayaw ko na pati ikaw mapalayo kay Jane sa Ate ko sa Ate namin ni Andrei." malungkot na boses niyang usal hinawakan ko ang dalawa niyang balikat.
" Hindi 'yan ang solusyon, Cassey."
" Anong solusyon ang naiisip mo,Alice? Ang sabihin sa kanya? Hindi ako tanga para sabihin basta basta sa kanya." may tumulong luha mula sa kanyang mga mata ngunit agad niya iyong pinahid. " Alice, naiintindihan mo ako pero hindi mo alam ang sitwasyon ko. Hindi mo alam kung paano ako maintindihan." pilit na pinapahid niya ang mga luha na bumubukal mula sa mga mata niya." Baka iwasan na rin kita." saka siya tumalikod.
" Cassey naman. Nakakainis ka."
" Hindi ba't sabi mo naiintindihan mo ako? Kaya please. Gusto kong isipin ang mga bagay na malabong mangyari. Gusto kung gumawa ng paraan para sabihin sa kanya. Kailangan kung kausapin ang Ama niya ang Mom niya. Nagagalit ako sa sarili ko dahil bakit? Bakit hindi ko man lang 'yon napansin kaagad? Andon na 'yong clue? About sa accident? Sa family day! Sa pag uusap nina Tita Ash at Mama, at tungkol sa bulaklak. Bakit ang hina kung pumik-up ng mga bagay bagay. Bakit hindi ko agad napansin na nasa malapit lang talaga siya? Bakit kasi lumayo pa ako? Kaya please Alice ayuko na madamay ka sa gulong dala ko. " naglakad na siya palabas ng stock room kaya ako naman ang naiwan dito at napatulala. Napahawak ako sa dibdib ko dahil nakaramdam ako ng kirot. Bakit ang bigat bigat ng problema na dumating sa kanila ngayon?
Lutang na lumabas ako ng stock room at napatigil na rin dahil may dalawang estudyante na nag uusap." Oy magiging strict na 'yong bagung council president na'tin."
" Oo nga biruin mo isang Hernandez ang papalit kay President Amamiya."
"Oo nga Masungit kaya si Ms.Cassey"
'Yon ang narinig ko sa mula sa dalawang babae na pababa si Cassey sumali siya sa Council." Hey are you okey?" napalingun naman ako at nakita si Jane. At naalala ko na ang nagyare kanina." Nakausap mo na ba si Cassey?" alala niyang sabi.
" Yeah." may halong lungkot kung sabi.
" Teka,nag away ba kayo?" agad naman akong umiling. " Pero bakit ganyan ka? May problema ba siya?" napayuko ako. Naaawa ako sa kanilang dalawa. Kung pwede lang talaga na sabihin ko kay Jane pero ayaw ko naman makialam.
" Jane kasi—" hindi ko na itinuloy pipiliin ko na lang muna na 'wag sabihin sa kanya 'yong nalaman ko about sa kanya at Cassey sa namamagitan sa kanila sa koneksyon nilang dalawa.
" Hey are you listening?" bumalik lang ako sa ulirat ng meydo yugyugin niya ako tumangu naman ako at inakit na siya pabalik sa room. Dumating ang teacher namin pero wala pa rin si Cassey asan na siya?
" Pansamantalang 'di dito papasok sa room si Ms.Hernandez nasa ibang Section na siya ngayon dahil papaltan niya ang dating President nang Campus." nagulat naman kaming lahat.
" Si Cassey po ang papalit?" shock na tanong ni Jane.
" Yeah matagal na naming ino-offer sa kanya ang posisyon na iyon dahil 'di na babalik si amamiya dito dahil nga sa aksidente." paliwanag naman ni Sir.
" Imposibleng tanggapin ni Cassey 'yon. Alergy po siya sa opisina saka wala nga po siyang balak na maging student council." sabi pa Daryl na nag tataka rin.
" Buong puso n'yang tinanggap 'yon siya pa nga ang lumapit sa opisina." nakangiti niyang sabi. Ito 'yong sa tingin kung napakalaking pagkakamaling nagawa nang kaibigan ko.
Sumali siya sa Council para takasan ang problema niya. Paano pa ba niya 'yon maayos kung pilit siyang lalayo?Kapatid niya si Jane pero bakit siya maglilihim? Alam ko naman na matatanggap siya nito bilang kapatid at alam ko na tanggap din ni Jane si Cassey....But she choose this one big mistaken.
———

BINABASA MO ANG
Three Idiot,One Singer And Me with Bookworm Lady ( Completed)
Genç Kurgu[Volume 01] " All stories must come to an end, But not all are said to have a Happy Ending." Written by: Shaun_writes Date start:03/27/17 Date Finish:06/30/18 Edited finish:04/09/19 ©All Right Reserved