Chapter 60 Yes I hate My father but-

52 1 0
                                    

Cassey pov's

   Thanks her nakahanap ako nang maayus na exchange gift." Paano ba 'yan una na ako sa'yo." tumangu naman ako tumalikod na siya sa akin.

" Wait! W-what is your name again?" lumingun siya sa akin saka ngumiti.

" I'm Arian." saka siya ngumiti ng matamis sa akin wait! "Bye–bye"siya saka umalis. Arian? Pamilyar siya sa akin. Parang nagkita na kami noon. Naglakad na ako pabalik sa kanila.

" Where have you been?" napatingin naman ako sa kanya at inilagay sa likod yung  paper bag.

" Basta." saka ako nagtuloy tuloy na naglakad.

" Ang tagal n'yo?" reklamo ni Jane hindi ko siya pinansin at umalis doon sa harap nilang lima.

   After nila akong ihatid umalis na rin sila kilangan pa raw nilang magbalot nang regalo para bukas nakahiga lang ako dito sa kama ko nang may pumasok na lang nang walang pasabi.

" Hey hindi ka ba maru—Jane?" anong ginagawa nito dito? Kanina kakasagot niya lang kay Jerome pero anong ginagawa niya dito?

" Hi Cassey, pasensya na." paghingi naman niya ng paumanhin na ikinakunot ng aking noo.

" What are you doing here?" tanong saka umupo sa kama.

" Dito na muna ako matutulog." nagsalubong naman ang mga kilay ko.

" Bakit? "

" Nasa bahay kasi si Dad ayaw ko na muna s'yang makita nagkasagutan kami." yumuko ito saka  umupo sa harapan ko at nasa boses niya ang lungkot. Hindi na ako mangingialam.

" Sige pero sana alam ni tita Ash 'to." bagkus na sabi ko kaya tumango naman siya.

   9 o'clock tulog na siya at ako naandito nakaupo sa study table ko. Sa tanan nang buhay ko simula nang maging kaibigan ko si Ashley  'di ko pa nakikita ang Daddy niya at sa tanan ng buhay ko sila pa lang ang nagpakita sa akin na worth it ako bilang kaibigan. Bakit ko ba iniisip ang mga gano'ng bagay? Mga bagay na dapat hindi ko na muna usisain sa kanya 'yong dapat private. Sunod sunod naman na katok ang narinig ko mula sa labas.

" Ate " tawag mula sa labas kaya tumayu ako at lumabas.

" What?" tanong ko naman dito.

" Nasa baba  sina Mama at Papa." nagulat naman ako akala ko sa isang araw pa balik nila agad naman akong lumabas at bumaba.

" Merry Christmas. " ngiting bati ni Papa sa akin sabay yakap tumawa lang si Mama. Samantalang napanguso naman ako.

" Ano ba yan?" nagtawanan sila samantalang ako at mas napanguso dahil ginulo ni Papa ang buhok ko.

" Hmm.. may bisita ka pala." napatingin ako kay mama na nakatingin sa itaas kaya napatingin ako kung saan siya nakatingin.

" Bumaba ka nga dito." utos ko naman sa kanya.

" H-huh? Ano kasi...uhmm." nagtawanan naman kami. Nakakatawa 'yong ekspresyon niya.

" Kumain na ba kayo?" tanong ni Papa sa amin.

" Opo." nahihiyang sagot naman ni Jane nang makababa ito.

Kinabukasan,

" H–hoy anong ginagawa mo?" paano ba naman may kung anong kinukuha siya closet ko kulang nalang itaktak na niya ang lahat ng laman.

'' Ito ang isuot mo." Aniya sabay taas nang puting dress.

" Baliw ka ba?" nagsalubong ang mga kilay ko kung minamalas ka nga naman sa lahat ng kukunin na puting dress 'yon pa. 'Yon pang padala ng ama ko. Na kahit kailan hindi ko naman pinangarap na suotin sa katunayan si Mama lang talaga ang naglagay niyan d'yan.

" Alam mo ba kung kanino galing 'yan?" seryuso kong tanong sa kanya.

" H–huh kanino na nga ba?" gulo nitong tanong.

" Sa ama ko  na nang iwan sa amin." sagot ko. Alam na nga niya pa rin ang tungkol sa tunay kong ama. At sa kapatid ko dito.

**

Jane pov's

  
    Natahimik naman ako bigla dahil sa sinabi niya. 'Yong papa niya na iniwan siya.'' I–i'm sorry." yumuko ako saka inayus ang tiklop at akmang ibabalik na nang pigilan niya ako.

" Dahil wish mo isusuot ko." nakangiti niyang sabi.

" P–pero 'di ba 'yong papa mo ayaw mo sa kanya?" nakatungo kung sabi.

" Uhmm...Yes I hate my Father but I still love him. Siya ang unang lalaki sa buhay namin ni Mama at buhay ko." sabay tayo napatingin naman ako sa kanya. Si Cassey ba talaga 'to? Walang minuto na 'di ko s'ya nakikitang ngumiti eh.Galit siya sa ama niya pero nangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya dito. Sana ganyan din ang akin. Swerte ang Papa niya dahik may ganyan siyang anak.

'' Ikaw na muna maligo." utos niya sa akin.

" Sabay na tayo." biro ko naman pero napangiti naman ako dahil namula naman siya sabay talikod.

" Hindi ako sumasabay maligo kung gusto mo ikaw na lang maligo sa baba na ang liligu." napatawa naman ako sa inasal niya.

" Nag jo-joke lang ako 'no " bawi ko naman. Humarap ito at humakbang sa palapit sa akin. Habang nakasuot ng pilyang ngiti. Napaurong naman ako dahil sa mga hakbang niya. " S-sabi ko nag jo-joke lang ako." napakamot naman ako.

" Sige na maligo ka na." saka siya lumabas dala ang tuwalya niya. Napabuntong hininga naman ako dahil  na rin sa kaba. Mahilig lang talaga siya sa mga gano'ng bagay. Nag ring naman ang cellphone ko kaya madali ko itong nilapitan at nakita ang pangalan ni Papa sa screen ng cellphone.

Ano na naman ba ang kailangan niya? Hindi rin naman kami magkasundo. Naiiling kung kinuha at ini-slide sa answer button saka itinapat sa aking tingin.

“ Yes, I hate my father but I still love him. Siya ang unang lalaki sa buhay namin ni Mama at buhay ko.”



" Anak?" rinig ko mula sa kabilang linya. " Where are you? Susunduin kita." napabunot ako ng malalim na buntong hininga. " Jane, I'm sorry please where are you?" lumunok muna ako.

" Dad, I need some space. Siguro po next time na lang."

" May importante akong sasabihin sa'yo."

" I hate your promise, Dad. Mahal na mahal kita pero palagi mo na lang kami sinasaktan ni Mom. Natatakot ako na baka makita ko ang kapatid ko natatakot ako na makita na mahal na mahal mo talaga siya." hindi ko naman narinig ang boses niya. " Dad, I hate my self dahil nagagalit ako sa'yo. Pero hanggang kailan? Dad, anak mo rin naman ako. Gusto ko lang ang buong atensyon mo. I miss the old us." nakayuko kung sabi at napaiyak na. Agad na pinatay ko ang tawag at napahawak sa mukha. Ang sakit.




——

Three Idiot,One Singer And Me with Bookworm Lady ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon