Chapter 26 Family Day

79 3 0
                                    

Cassey pov's

   Tiningnan ko ulit ang aking sarili sa salamin bago humugot ng malalim na buntong hininga. " Ate, let's go na." sigaw ni Shayne mula sa labas ng aking kwarto. It's Annoyin. Paano ba naman ang laswa ng pinasuot ng mga 'to sa 'kin tapos may pa-make up make up pang nalalaman. Tumayo na ako at bago lumapit sa pintuan kinuha ko muna 'yong jacket ko at Sling bag. Pag kuwa'y binuksan ko na rin at tumambad ang batorinong mukha ng dalawa pero agad din namang napangiti ng malawak. " Wow! You're so gorgeous." puri ni Mama sa maganda niyang anak na walang iba na kung 'di ako lang.

" I know." saka ako nagflip hair at  lumapit sa kanila.

" Ay naku! Tara na baka malate na tayo." tawag naman ni Papa mula sa ibaba.

" Si Papa masyadong excited." Ani shayne saka patakbong bumaba inakbayan naman ako ni Mama.


" Para saan ang jacket?" tanong ni Mama kaya napatingin ako.



" Maginaw po mamaya." kita ko naman sa peripheral eye vision ko na tumango tango siya.



" Make it sure, Cassey. Let's go." Aniya at iginaya na ako pababa.


     Nang makarating kami sa University maraming mga mata ang tumingin sa'min. May nagbubulungan at gulat na gulat. May pumuri at syempre meron ding nang lalait hindi ko lang makita kung sino.

" Cassey! " napatingin ako sa tumawag sa'kin at nakita sina Alice na kumakaway pa sa'kin. Wala naman na akong dala dahil pinakuha ni Mama kay Papa ang dala kung Jacket kanina. Nakakainis nga e, pero hinayaan ko na lang. Maya maya pa lumapit na sila sa amin kaya naalarma na ako.

" Good morning po." bati nila kina mama at papa.

" Oh! Nasaan na ang mga Parents n'yo?" tanong ni Papa habang nakangiti napatingin ako kay Jane dahil biglang lumungkot ang kanyang mukha.

" Ma, Tara na guys sabay na kayo." imbita ko naman sa kanila.

" Ang ganda mo ngayon." hindi agad ako nakapagsalita dahil sa puri ni Jeff. Nagulat din kasi ako sa biglaang pagbilis ng heartbeat ko.

" Tagal na kaya akong maganda." sabat naman ni Daryl kaya simple akong napatawa.


" Bakla." palatak naman ni Jerome.


" My loves naman." napatawa ako. Sa ilang buwan ko na silang kasama nasanay na rin siguro ako.


" Guys, ipakilala ko kayo kay Mom." ani Jane habang nakangiti. Ang weird ng ngiti niya. At halatang fake because I saw the pain in her eyes.


***

Jane pov's


    Para naman hindi ako ma-out of place nagsalita na ako." Guys, ipapakilala ko kayo kay Mom." saka ako pekeng ngumiti.

" Alam mo 'wag ka nang ngumiti 'di bagay sa'yo." puna naman ni Cassey kaya napanguso ako.

" Oo na." sagut ko naman.

" Nga pala 'yong Dad mo?" tanong ni Alice.

" Wala siya." sagot ko na lang at nag iwas ng tingin. Ang Dad ko wala naman talaga siyang time para sa akin. Paano matatawag na Family day 'to kong kulang may kinakausap s'ya sa CR. Alam kong about sa business na naman 'yon.


" Don't cry my cousin. A-attend si tito." nagwink pa si Daryl sa'kin at inakbayan ako. Alam ko na pinapagaan niya lang ang loob ko pero hindi na ako bata.

     Pumunta kami sa lugar na kinatatayuan ni Mom. Nakangiti naman ito nang makita kami. " Mom,this is my bestfriend Alice and Cassey." kilala niya naman na sina Jerome kaya hindi ko na sila ipapakilala pa.

" Hi po." bati naman ni Alice. At si Cassey para niya pang sinuri ang Mom ko.


" H-hi rin po." nakangiti niyang bati.


" Hello, Ikaw pala ang anak ni Carina." napakunot si Cassey sa sinabi ni Mom kahit ako. Kilala pala ni Mom si Tita Carina.


" How did you know my—"

" Ms. Cassey, tawag na po kayo ni Sir Glace." napalingun naman agad kami.


" Phew..Next time na lang po. Sige po mauna na ako. Kita na lang tayo mamaya." saka siya ngumiti at umalis.

" She's gorgeous girl." puna naman ni Mom kaya napangiti naman ako." Like her mother." napakunot noo naman ako.


" Mom, kilala mo po pala si Tita Carina."


" Yeah." tipid na sagot nito at para bang may iniisip.

" Hi honey." napatingin naman ako kay Dad. Ikiniss niya ako sa pisngi saka si Mom then nakipag shake hand 'yong iba sa kanya.

" Pasensya na. Kailangan ako sa opisina." napayuko ako at natawa ng mapakla. As usual palagi naman ganyan si Dad. Kaya hindi na rin ako nag expect na darating siya ngayon.


" It's okey. It's fine. Palagi naman." naiinis na napakuyom ako.

" Next time. I'll promise." napangiwi na lang ako. Hindi na lang siya dapat nangako pa kung 'di rin niya matutupad.  Oo nasa akin na ang lahat. But money can't buy happiness. I need my father more than that. Ayaw ko na may kahati.


***

Cassey pov's


" Aray! pasensya na po." may nabangga kase ako.

" It's fine. Young lady." nagulat ako at biglang tumingin sa kanya at halata rin naman na nagulat siya. Napakuyom ako bigla.
   Lahat ng galit gusto kung ibuhos sa kanya ngayon pero bakit nanghihina ako? Bakit ang saya saya ko kasi nakita ko s'ya? Bakit nandito siya? Why this man front of me.




This man is the first broke my heart..



" Daughter." agad na umatras ako dahil akma niya akong yayakapin. Napakuyom ako. Andito rin ba ang anak niya? Andito rin ba ang kapatid  ko. Bigla na lang uminit ang gilid ng aking mata at tuluyan ng pumatak ang mga luha. Hindi ko naman siya kailangang makita pa. Masaya na ako na hindi ko siya nakikita. Umatras ako at pumihit patalikod saka tumakbo hindi ako nakinig sa mga tawag niya. Ang gusto ko lang makaalis ako sa lugar na 'yon. Dahil ayaw ko na nakikita siya. Ayaw ko na makita ang bago niyang pamilya.

 

   Sa mga luhang tumatabon sa mata ko hindi ko na napansin na may kasulubong na pala ako at nagkabanggaan kami. At parehong napaupo 'di ako makatingin sa kanya dahil tuloy tuloy ang pag agos ng aking luha. Bakit kilangan ko pa s'yang makita?




" Cassey? Are you...alright? I'm so—"
Hindi ako nagsalita kaya naman naramdaman ko na lang ang mga kamay niya sa balikat ko.




——-

Done editing this part ;>

Three Idiot,One Singer And Me with Bookworm Lady ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon