Chapter one

689 5 1
                                    

Let's give it up for "High Voltage Band".. Anunsiyo ng host ng isang variety show kung san guest ang bandang kinabibilangan ni Slater kasama sina Guji, JM, Tom and Kit'!! Matagal na ang kanilang banda, since hayskul palang ay magkakasama na sila'!! Nung una ay trip-trip lang nila ang pagtugtog tapos pagdating sa college ay sinimulan na nila ang rumaket sa mga bar para mag-gig at ngayon ay isa na nga sila sa pinaka-sikat na banda sa Pilipinas at minsan ay nagso-show din sila abroad'!!! Almost 8years na din silang hinahangaan sa Pilipinas at hanggang ngayon ay malakas pa rin ang hatak nila sa mga tao'!! Mga hit na lovesong na ginawang medyo rock ang trip nilang tugtugin kaya marami ang may gusto sa banda nila kahit noon pa'!!!

After tumugtog at magpasalamat sa audience ay dumiretso ang miyembro ng banda sa allotted dressing room nila'!! "Hay, natapos din ang guesting naten.. Makakapag-date na din kami ng prinsesa kong si Charee'!!" sabi ng lead guitarist na si JM.. Girlfriend nito si Charee at "prinsesa" ang tawag niya dito'!!

"Oo nga, kami din ng irog ko may date pa'!!" segunda naman ni  Tom ang bass guitarist na ang tinutukoy ay ang jowa nitong si Shakes'!!

"Kala niyo kayo lang ang may date? Kami rin kaya ng cupcake kong si Yhen may date'!!" sabi ni Kit (drummer)

"Kami din ng sweety ko may date ngayon'!!" si Guji ang keyboardist na ang tinutukoy naman ay ang fiance nitong si Kaye'!!

"Ikaw brod wala kang date?" tanong sa kanya ni JM ng mapansing ngingiti-ngiti lang siya sa gilid..

"Wala brod e'!! Saka mahal ko pa ang pagiging single ko noh.. walang hassle'!!" sagot niya

"Weh? If I know naiinggit ka din samin noh'!! Seryoso brod? wala ka pa bang balak magseryoso?" tanong ni Tom

"What do you mean magseryoso? In what way?" naguguluhang tanong niya

"Sa lovelife.. Eversince wala ka ng tumagal na girlfriend.. At nababagabag na kami sayo'!!" ani Kit

"Wala pa naman dumarating e, saka bakit ba pinapakialaman niyo ang lovelife ko ha? Wala naman akong sinabi na naiinggit ako sa inyo para pati ako dinadamay niyo sa ka-corny-han niyo'!!" -parang wala lang na sagot niya

"Brod baka nakakalimutan mo na minsan sa buhay mo ay naging corny ka din'!! O baka naman dumating na pero pinakawalan mo lang at ngayon ay inaantay mong bumalik'?" seryosong tanong ni Guji, ito ang pinaka-close niya sa lahat ng ka-banda niya dahil kaibigan na niya ito since childhood'!!

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?"

"Hanggang ngayon ba si Tin pa rin ang nandiyan sa puso mo diba? Aminin mo na kasi, kaya di nagtatagal ang relasyon mo sa mga naging girlfriend ay hanggang si Tin pa rin ang nandiyan sa puso mo'!!" sabi pa nito

"Ewan ko sayo, pwede ba wag niyo na ko idamay sa mga trip niyo'!! Kung may mga date kayo, umalis na kayo dahil di ko naman kayo pipigilan'!! Dalian niyo na at baka naghihintay na mga irog niyo sa inyo!" sabi nalang niya para magsitigil na ang mga ito'!!!

"Sabi mo e!! Nga pala  Brod, na-kwento sakin ni Kaye na uuwi si Tin two weeks before the wedding'!! Remember, Tin is Kaye's bestfriend at siya ang Maid of Honor sa kasal'!! Akalain mo yun, partner kayo sa kasal namin?" pahabol ni Guji bago umalis na siyang nagpagulo sa kalma niyang isip'!!  

"After six long years, naisipan din umuwi ni Tin sa Pilipinas!!"  sabi ng isip ni Slater.. Makikita ko na siya ulet finally'!!

TIME MACHINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon