Chapter Five

568 7 6
                                    

Patulog na si Tin pero laman pa din ng isip nya yung mga huling sinabi ni Slater.. Lalo na yung about sa song na ginawa daw nito after nya umalis.. The song is about setting him/her free kahit gaano mo pa kamahal yung taong yun.. Di nya tuloy maiwasang magbalik sa nakaraan...

Flashback..

"Hi bebe Tintin, ready?" tanong ni Slater ng makita siya na pababa ng hagdanan..

"Yes bebe Janjan.. Excited na ko manuod ng gig niyo! Thank God tapos na ang final exam kaya okey na kina Mommy and Daddy na ma-late ng uwi, di nalang ako sa praktis niyo manunuod" sagot ni Tin habang papalapit sa nobyo saka humalik sa pisngi nito..

"Let's go beybeh.. para di na tayo ma-late sa venue" ani Slater saka sila nagpaalam sa magulang at umalis na..

Almost three years na sila ni Slater nagkarelasyon, nagsimula yun nung second year college sila Slater sa ST (St.Therese) University (a/n: kung san man yan.. haha..) sa kursong Business Management.. Pareho silang galing sa maykayang pamilya, pareho ding matalino kaya di maiwasang mag-clashed sila sa klase.. Kalaban ang tingin niya dito, ang tali-talino kasi nito kahit pa nga feeling niya ay easy-easy lang ito ay bihira nya pa rin niya  itong matalo pagdating sa academics.. Hanggang sa dumating yung time na kinailangan nilang magtulungan dahil sila ang napili ng school na ilaban sa isang school kembular (A/N: basta yun nay un na may kinalaman sa school.. haha).. Kailangan nilang mag-aral together kaya napapadalas ang pagsasama nilang dalawa,, For a month silang nag-review kaya unti-unti na niya itong nakikilala at nagging kaibigan.. Di naman pala ito mayabang gaya ng iniisip niya, madalas pa nga siyang pinapatawa nito pag nabo-bore na siya e. One time pa nga sa sobrang pagka-bore niya ay bigla nalang siya nitong niyaya palabas ng room kung saan sila nagre-review at dinala sa isa pang vacant room (SPG? PBB TEENS?) ,, Music room..

“Anong gagawin natin dito sa music room? Kakanta ka?” tanong niya ng makita itong umakyat sa makeshift stage at kumuha ng gitara

“Hinde, tutula ako..” pambabara nito

“Ah ganyan? Tablahan? Close tayo?”

“Joke lang Tintin.. Kaw naman di na mabiro,, Lika dito sa tabi ko.. Aalisin natin yang boredom mo!!”

“Hmp.. pasalamat ka bored ako kaya sasakyan ko kahit anong trip mo ngayon.. O anon g gagawin mo ngayon?” aniya pagkatabi kay Slater

“Watch and listen’!!” saka nag-strum ng guitar at sinimulan ng kantahin ang isa sa paborito niyang kanta..

It's amazing

How you can speak

Right to my heart

Without saying a word,

You can light up the dark

Try as I may

I could never explain

What I hear when

You don't say a thing

The smile on your face

Lets me know

That you need me

There's a truth

In your eyes

Saying you'll never leave me

The touch of your hand says

You'll catch me

Whenever I fall

TIME MACHINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon