Chapter 9

425 9 5
                                    

KayJi Wedding

 All set na ang lahat para sa kasal nina Kaye and Guji.. Ang groom at ang mga abay ay nasa simbahan na at hinihintay ang pagdating ng bride na si Kaye...

"Bakit ang tagal nila?" tanong ni Guji sa mga kabarkada niya habang magkahalo ang kaba at galak sa nalalapit niyang kasal..

"Brod relax.. Sabi ni Yhen nakaalis na daw sila at kasunod lang nila yung bridal car kanina pa. So meaning malapit na sila.." ani Kit para payapain si Guji.. Natatawa naman ang ibang mga kabarkada nila sa nakikitang tensyon sa kaibigan..Magkakasama kasi ang mga girls na nag-ayos sa bahay nila Kaye kaya sabay-sabay na din sila papunta ng simbahan..

Maya-maya lang ay may huminto ng van sa harap ng simbahan sakay ang bridesmaids at maid of honor.. Pinakahuling bumaba si Tin suot ang kanyang gown na nagpalutang sa kanyang ganda,, DI maalis ang paningin ni SLater sa dalaga (Laglag PANGA lang) habang naglalakad ito palapit sa pwesto nila kasama ang ibang girls.. Nabaling lang ang atensyon nilang lahat ng biglang may sumigaw na baklang coordinator na nagsasabing andiyan na ang bride kaya dapat ng ayusin ang pwesto nila.. Nauna na sila ni Guji sa may altar, habang isa-isa ng naglalakad ang mga abay at sponsors ang mga mata niya ay may inaantabayanang masilayang muli,,, (Yung feeling na akala mo si SLater yung ikakasal sa pagtitig kay Tin ang peg niya dito) ..

---------------

Habang naglalakad si Tin sa aisle ay di niya maiwasang mapatingin sa gawi ni SLater.. Gwapong-gwapo ito sa suot nitong tux... Pero di niya makayanang tumingin ng matagal dahil naiilang siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya na kung akala mo siya yung bride at naghihintay na ang groom niya.. Buong durasyon ng wedding  ceremony ay iniiwasan niyang mapatingin kay Slater dahil alam niyang nakasunod pa rin ang tingin nito sa kanya.. Naiilang siya.. Di tuloy siya makapag-emote habang sinasabi ng ikinakasal ang mga vows ng mga ito... 

(Puro shortcuts para mabilis..)

Sa reception, kasama ni Tin sa table ang family niya.. Tapos na siyang kumain ng lapitan sya ni Cha para makipagsayahan kasama ang iba pang girls .. Na-meet na niya ang dalawang tinutukoy nina Kaye and Charee na  girlfriend nina Tom at Kit na sina Yhen at Shakes.. Mababait ang mga ito at may saltik din kung minsan.. Madali niyang nakapalagayan ng loob ang dalawa pang girls dahil halos magkakaparehas lang sila ng trip.. Di masyadong maarte kahit na mga anak mayaman.. Kaya siguro nahulog ang loob dito ng dalawang ugok.. Kahit pa bagong kakilala nya lang ang HV Girls, feeling niya matagal na siyang belong sa grupo.. 

Busy siya sa pakikipag-kwentuhan ng lumapit sa kanila sina JM, Kit. Tom at Slater.. Syempre pa partner-partner ang naging pwesto.. Bilang siya lang ang walang partner dun ay tumabi sa kanya si SLater..

"Hi Tin!!! Kamusta ka naman ka Tin? (yung dialogue ni Slater nung nagbalik sina Tin sa PBB, tama ba?)  " tanong ni Slater pagkatabi sa kanya..

"I'm good, ikaw?"

"Okay lang din... Sobrang saya ko lang para sa bestfriend ko at sa bestfriend mo.... Grabe, walang nakapagsabi na sila din pala ang mag-e-end together noh?.."

"OO nga e, kung ang basehan ay kung paano sila mag-away dati.. Hehehe.. Pero tignan mo naman ngayon? Ang sweet-sweet pa nila.. Sobrang happy din ako para sa kanilang dalawa.."

"Uhm Tin, nasabi ko na ba sayong ANG GANDA mo NGAYON?"

"OO, ngayon.. hehehe.. Salamat.. Ikaw din ang gwapo mo ngayon.. Tignan mo nga yung mga girls oh, halos lahat nakatingin sayo.. hehehe"

"Hayaan mo sila.. Okay na ko na kausap ang pinakamaganda sa paningin ko ngayong gabi.. :)"

"Sus, bolero ka pa rin talaga.. Hay naku, sorry ka,, Graduate na ko sa mga ganyang tactics mo.. hahaha"

TIME MACHINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon