Araw na ng competition nina Tin at nakapwesto na sila sa backstage ng SDU (St. Dominic Univ.) kung san gaganapin ang tagisan nila ng talino at isa sa makakalaban nila ang representative ng SDU,,
"Slater kinakabahan ako.. Baka mablangko ako mamaya!!"
"Dont worry Tin, I'm here okay?" pagpapalakas ng loob ni Slater sa kanya at hinawakan siya sa kamay
"We can do this.." sabi nya with matching conviction na ikinangiti ni Slater
"Ang cute mo Tin... Galingan mo ah!! For our school"
"Ok, ikaw din galingan mo"
Maya-maya nga lang ay tinawag na ang mga magkakalaban.. Paramihan lang ng tamang maisasagot, 5-easy, 5-moderate at 1-hard questions ang category.. Nakakasagot naman sina Tin at Slater, halos lahat tama, pagdating sa last question ay 3 schools nalang silang maglalaban.. Sobrang ramdam na ng lahat ang intensity ng competition.. Maitama lang nila yung tanong na yun at sila na ang mananalo... nagbigay na ng tanong ang host (a/n: basta yun na yun, wala naman ako alam sa mga ganito e.. haha..)
"Waaaaah Slater, I'm so nervous.. Baka mali yung nasagot ko.." ani Tin dahil sya yung sumagot sa last question.. Kung nung kanina sa first 2 level ng competition ay thru oral ang pagsagot nila.. Sa last ay written nalang para daw may touch ng surprise para sa mananalo.. (a/n: gawa-gawa ko lang po yung rule na yan dahil wala akong alam sa mga ganyang keme)
"Hay Tintin, have faith lang,, For sure mauuwi natin ang title.." paniniguradong sabi ni Slater sa kanya..
"Okay guys, this is it.. Hawak ko na ang result kung sino ang winner for this year competition.. Kaninong school kaya ang mag-uuwi ng trophy.. Excited na ba kayo?" tanong nito sa audience at nagkanya-kanya na din ng sigawan ang mga supporters ng kanya-kanyang school.. "Eto na po, at ang nanalo sa patimpalak (lalim much) na ito ay from St Therese University.." (a/n: asahan niyo ng Syempre sila ang mananalo sa chararat na competition na ito.. hahaha.. sila bida e, alangan naman yung kalaban diba?)
Sa sobrang tuwa sa di inaasahang resulta ay napayakap sina Tin at Slater sa isa't isa (imagine-in yung bignight hug nila)
"I told you Tin, tayo mananalo.. Ang galing mo!!" bulong ni Slater sa kanya na nagpawala sa isip niya ng ginawa ni Slater
"Thanks Slater, kahit alam kong pinagbigyan mo lang ako na, ako ang sumagot ng last question.."
"Magaling ka Tin at alam kong mamaniin mo lang yung tanong na yun.." sagot ni Slater..
"Wait lang po ah, busy pa yung winners natin sa pagyayakapan e.. Kinikilig tuloy ako.." ani ng emcee na nakapagpabalik ng wisyo nila sa present saka sila lumapit sa harapan para kunin yung binibigay na award at nagpasalamat sa lahat
Natapos ang competition pero di doon natapos ang pagkakaibigan nina Tin at Slater.. Mas lalo pa silang naging close na dalawa, ini-invite din siya nitong kumain sa labas,, As in naging super close na silang dalawa, nakilala na din ito ni Kaye na bff niya, minsan pa nga sinasama din siya nito sa mga jamming nito kasama ng mga ka-banda nito na naging kaibigan na din niya,, Minsan na nga ay inaasar na silang dalawa ng nga ito e.. One time nag-aasaran sila ni Guji habang naglalakad papunta sa room nila ng magkasabay silang dumating sa school..
"Hi Guj, morning!!"
"Hi Tin.. wazzup?"
"okay lang,, Kaw?"
“Okey lang din.. Kamusta nap ala kayo ni Slater? Duma-da-moves na ba?”
“Huh? Nah, we’re friends lang’!!”
“Owssss.. Si Slater talaga hanggang ngayon pala di pa nagtatapat.. Torpedowww’!!” pabulong na sabi ni Guji
“Ano yon? May sinasabi ka?” tanong ni Tin dahil di masyadong naulinigan yung sinabi ni Guji