Chapter Six

542 7 6
                                    

Flashback pa din.. hehehe

"Bebe Tintin we're here na'!" ani Slater ng makarating sila sa bar kung san tutugtog ang mga ito'!!!  Lastyear lang ng alukin ng may-ari ng bar ang banda nila Slater na magkaron ng regular gig sa naturang bar. Sumasama naman siya basta ba maluwag ang schedule niya sa school.

“Leggggoo bebe’!!! Excited na ko mapanuod kayo ulit’!!”  aniya na nauna pang pumasok sa loob ng bar’!!! Pagdating nila dun ay andun na ang mga kabanda ni Slater kasama ang kani-kaniyang mga date maliban kay Guji na hanggang ngayon ay masugid pa ding nanliligaw kay Kaye’!!! Sa kanilang lima ay si Slater lang ang may steady girlfriend at siya yun.

“Hey, lover boy is here with his pretty beybeh’!!!” untag ni Kit na mapalingon ito sa gawi nila at makita silang parating’!!

“Late na kayo ng 20mins sa usapan Brod’!! No time na to practice but na-check na naman naming ang instruments kaya no problemo na’!!! Be ready at malapit na tayo sumalang!!”  ani naman ni Tom

“Sorry guys, ambagal ko kasi kumilos e..” hinging paumanhin ni Tin sa apat saka bumeso isa-isa sa kanila..

“Okey lang Tin, malakas ka naman samin e’!! Saka alam na alam na naming ang tutugtugin kaya ayos lang magpetiks!!” sabi naman ni JM

“Tin, dito ka muna ah’!! Magre-ready lang muna kami para sa set naming” paalam ni Slater saka siya ni-kiss sa ulo at magpunta sa backstage..

“Awh ang sweet naman ng boyfriend mo’!!”   sabi ng isa sa mga nakaupo sa table nila.. Kung di siya nagkakamali ay isa ito sa mga kasama nina JM

"Yay... tenks!!" Sagot ni Tin

"Swerte ka sa kanya, halatang mahal na mahal ka e!" sabi naman ng kasama nito na nakangiti sa kanya.. "I'm Sheryl and she's DJ short for Djameela.. We're with Kit and Jm.. Schoolmates kami!" nakangiting pakilala nito sa sarili at sa unang nagsalita...

"Im Tin, nice to meet you girls!!" nakangiting pakilala din nya.. "And yes, swerte ako kay Slater and vice versa.. hehe"

Di na sila ulit nakapag-usap dahil tinawag na ang grupo nila Slater para tumugtog.. More on lovesongs na nilagyan ng touch of rock ang forte ng banda kaya naman kahit medyo may kaingayan ang instruments ay nakaka-inlove pa din sa pandinig ang awitin... Masyado syang focus kay Slater habang pinanunood itong kumanta ng makarinig ng parang pagtatalo sa gilid niya,,

"Bet ko yang vocalist nila, ang gwapo na ang ganda pa ng boses... I'm inlove!!!"

"Hoy bruha ka, akin yang singer... dun ka nalang sa iba!!" sabi naman ng kasama nito...

"Haist, mukhang may balak pa mang-agaw sa bebe ko ah.." ani Tin sa isip

"Manahimik ka Epifania ha, sinabi ng bet ko yung singer e, ikaw ang humanap ng iba dahil nauna kong magsabi!!"

"Ikaw diyan Majelaine ang manahimik.. Kung di dahil sakin, di mo malalaman tong bar na to at di mo masisilayan yang singer na yan.. Saka wag mo kong tatawaging Epifania.. Eeeeww, panahon pa ni kopong-kopong yun e.. Call me Effy!!" pasosyal na sabi ng nagsabing Efhy..

"I dont care kung ikaw ang ang nagdala sakin dito,,, Basta he's mine!! And dont you ever call me Majelaine... Call me Maj!!" maarte din nitong sabi...

Natatawa nalang si Tin sa nagtatalo sa tabi ng marinig niyang nagsalita si DJ.. "Fantards!! Hanggang dito ba naman umaabot ang pagtatalo ng kambal na yan? Tsktsk"

‎"You know them?" tanong niya kay DJ

"Sad to say, Yes!! We live in the same village!! Haist, can't believe na hanggang dito e puro boy hunting ang inaatupag ng dalawa!! Halos lahat yata ng boys dun samin ay napag-agawan na ng kambal na yan e.. Kaloka!! Bantayan mo ang bowa mo baka makasalisi isa man sa dalawa!!" sabi pa nito..

TIME MACHINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon