Tanghali na nagising si Tin kinabukasan dala na rin ng jetlag.. Nag-ayos na siya ng sarili dahil naalala niya ang usapan nila ni Kaye na pupunta sa couturier na gumawa ng wedding gown at damit ng mga abay.. Pagkatapos mag-ayos ay sakto namang dumating si Kaye kaya di na siya nakakain.. Yayayain niya nalang ito pagkatapos nila..
"Tara na bax, excited na ko makita kung sakto na ba ang gown na gagamitin mo sa kasal ko e'!!" excited na sabi nito saka nagpaalam na sila sa magulang niya
"Di na ba kayo kakain ha?" tanong ng mommy niya
"Di na 'My... kain nalang kami ni Kaye sa labas mamaya'!! bye po!!"
"O siya sige,, Kaye ingat sa pagdrive ah!!" bilin pa ng mom niya bago sila umalis
Maya-maya pa ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon..
"Hi Charee.. ready na ba yung pinahanda ko sayo?" bati ni Kaye sa may-ari ng shop at siyang designer ng mga gowns saka nagbeso..
"Ah oo, andiyan na bru.. sukatin mo na para alam na natin kung may kailangan pang baguhin o i-adjust"
"Thanks bru, ahm by the way.. This is Tin, my bestfriend na galing sa U.S.. Siya yung Maid of Honor ko.. Pakihanda na din yung damit niya ahh" pagpapakilala ni Kaye sa kanya
"Hi Tin, im Charee.. nice meeting you.. maganda ka nga, bagay sayo ang gown na susuutin mo sa kasal!"
"Nice meeting you too Charee'!!" bati niya rin saka nakipagkamay
"Wait kunin ko na din yung gown mo para makita mo yung hitsura!!"
"Sama na ko bru at isusukat ko na yung gown ko!!" ani Kaye
"Okidoki!! Tin wait lang ah, relax-relax kamuna diyan at assist ko muna tong kaibigan mo'!!" paalam muna ni Charee sa kanya saka pumunta na sa pinaglalagyan ng gown
Maya-maya pa ay dumating na ulet ang dalawa at suot na ni Kaye ang wedding gown nito.. "Wow bax ang ganda mo, sigurado akong kaiinggitan ka ng lahat sa kasal mo.. Super blooming pa ng aura mo..Nagagawa nga naman ng inlove oh'!!" papuri ni Tin sa kaibigan..
"Thanks bax!!" :)
"Ano Kaye, okay na ba sayo tong gown mo? wala na ba tayong babaguhin?" tanong ni Charee sa kaibigan
"Okay na okay na to.. Sige at magpapalit na ko at yung kay Tin naman ang tignan naten!!"
"Okei sige,, Tin tara sama ka na para makita mo na ang sayo!!" ani Charee
Pagdating sa lugar kung san naka-pwesto ang mga gawa ni Charee ay namangha siya sa ganda ng mga designs nito
"Wow Cha ang galing mo namang mag-design.. Mas maganda pa to sa mga nakikita kong gowns sa New York e"
"Grabe ka naman Tin, kinilig naman ako sa mga papuri mo.. Anyway, thanks'!!!" sabi ni Cha at saka inabot sa kanya yung damit niya... "Sukatin mo na siya para malaman natin kung may mga adjustments pang gagawin bilang lastmonth mo pa naibigay yung sukat mong iyan!!"
"Sige,, san ba yung dressing room mo?"
"Dito oh, tara'!!" saka siya iginiya sa dressing room.. "Tawag ka lang kung may kailangan ka ah.."
"Sige'!! Salamat!!!"
"Tin labas ka nalang pagkatapos mo magbihis ah, dun lang kami sa reception area!!" paalam ni Kaye na tapos na pala magbihis
"Kei bax!!"
Tapos ng magbihis si Tin ng makarinig siya ng ingay sa labas, baka andiyan na si Guji.. Nabanggit kasi ni Kaye kanina na pupunta din ang nobyo dun para makasabay nilang kumain. Di nagtagal ay lumabas na din siya at nagpunta kung san naroon ang mga kasama..
