"Yes Kaye uuwi ako promise'!! Pwede ko bang palampasin ang wedding ng bestfriend ko?" sabi ni Tin sa kaibigang si Kaye habang kausap niya ito sa telepono'!!
"Sabi mo yan ah?" paninigurado pa nito
"Ay ang kulet lang? Sinabi ko na ngang uuwi ako two weeks before your wedding diba? Wala na naman problema sa susuutin ko dahil naipadala ko na ang sizes ko para sa gown'!! Rest assured na ako ang magiging MAID of HONOR mo sa kasal mo'!! PRAMIS'!!"
"E kasi baka magbago ang isip mo kapag nalaman mo kung sino ang magiging ka-partner mo sa kasal ko e'!!" alanganing sabi nito
"Sino ba kasi yang maswerteng nilalang na makaka-partner ko ha?"
"Ahm, si ano,,, a-si..."
"Sino nga?" tanong niya ulet na medyo naaasar na'!!
"Si Slater'!!" nabiglang sabi nito
Natigilan siya ng marinig ang pangalang binanggit ng kaibigan kaya nagtanong ito kung andiyan pa ba siya'!! "Yes, I'm still here'!!"
"Okay lang ba sayo yun Tin? Remember, bestfriend at ka-band siya ng future husband ko kaya no choice kundi magkita kayo'!!!" tanong nito sa kanya
"As if may magagawa ako diba? Besides, kasal mo yun at ayaw ko namang maging dahilan pa ng away niyo yun ng fiance mo kung sakaling di ako pumayag diba?"
"Thanks Tinney, your the best'!!" masayang tugon na nito, wari'y nawala ang agam-agam na kanina pa nito nararamdaman
"Ano ka ba, wala yun noh'!! Promise, andiyan ako sa kasal mo'!! Missed ko na din naman ang Pilipnas noh, and I might be staying there for good'!! Tapusin ko lang yung mga commitments ko dito sa New York'!!!"
"Really Tin? Sa wakas makakausap na kita face to face'!! Matagal na din tayong di nagkikita e, saka nakakapagod na ako nalang lagi ang napunta diyan noh'!!" biro nito sa huling sinabi'!!
"Sige na, bye-bye na'!!! See you next month'!!! Love you best'!!" paalam niya sa kaibigan
"Bye BFF.. see you soon'!! Madami kang utang na kwento saken'!!"
Pagkababa ng telepono ay di maiwasan ni Tin na isipin ang sinabi ni Kaye sa telepono'!! Wala ng reason para hindi sila magkita ni Slater.. This is it, besides matagal na naman nung huli silang magkita e.. "Six Years!! Haist, kaya ko na ba talaga? Bahala na'!!" bulong ng isip niya..
Iwinaksi muna ni Tin ang bumabagabag sa kanya at ipinagpatuloy ang naudlot na gawain kanina bago siyan tinawagan ng kaibigan'!! Busy siya sa paglilinis ng unit niya dahil rest day niya sa trabaho'!! ennis trainor siya sa isang sikat na tennis school (kung meron mang ganito) sa New York. Dati siyang tennis player sa Pilipinas at gumagawa na ng pangalan ng makatanggap siya ng scholarship offer sa naturang paaralan. Wala sana siyang balak na kunin ang offer dahil masaya siya sa buhay niya sa Pilipinas at kuntento na siya sa kung naabot niya bilang isang manlalaro, pero dahil sa may gusto siyang kalimutan ay tinanggap na niya ang offer at nag-aral siya upang mas maging dalubhasa sa larangan ng tennis'!!
Ngayon ay di na siya naglalaro dahil para sa kanya ay na-achieved na niya ang kung anong dapat ma-achieved'!! She's the number one asian Tennis player in the U.S, di biro ang pinagdaanan niyang training marating lang yung mga narating niya noon'!! Puspusan ang naging training niya noon para lang mahigitan ang mga magagaling na tennis player sa school nila at di naman siya nabigo'!!! Ilang beses siyang nakakuha ng parangal at kung anik anik pa'!! Pero last year ay nakaramdam na siya ng pagod na mag-compete kaya nag-retired na siya sa paglalaro.. Andaming nanghinayang ng sabihin niya ang desisyon niya pero wala silang nagawa kundi tanggapin ang naging pasya niya'!! Sinabi naman niya na mahal pa rin niya ang tennis at nag-decide siyang magturo nalang sa school para sa mga future tennis players'!!
Kailangan na niyang gawin lahat ng dapat asikasuhin bago pa siya umuwi ng Pilipinas. Nagsabi na din siya sa director ng school na for good na siya sa Pilipinas kaya puspusan na ang pagtuturo niya sa mga estudyante niya para sa nalalapit na kompetisyon ng mga ito'!! nd after non, malaya na siyang makakabalik sa bansang sinilangan'!!!
(waaaahh, upnext: ANG PAGBABALIK'!! goodmornite Bananas)