Chapter 8

574 11 8
                                    

Last flashback.. :) :) :)

Mas lalong sumikat ang HV Band ilang months after i-launch ang album nila.. Kaya mas naging busy sila, guesting kung saan-saang tv shows, gigs sa iba't ibang province kaya naman bihira na makita ni Tin si Slater. Ilang dinner dates na nila ang na-cancel dahil sa mga biglaang out of town shows at gigs ng banda'!! At first ay naiintindihan niya ang sobrang pagka-busy ni Slater dahil nga need pa nila humakot ng supporters pero now medyo najijirits na siya dahil parang mas pinapahalagahan na nito ang career nito kesa sa relasyon nilang dalawa'!!!

"Hoy Tin, lutang lang ang peg? Kanina ka pa tulala diyan e!!" untag (what a word? ang lalim.. haha) ni Cammie na kapitbahay at kababata niya. Bukod kasi kay Kaye ay si Cammie na ang isa pa sa mga closest friend niya. Nakatambay lang sila sa may pool area ng bahay nila dahil wala itong trabaho ng araw na yon, siya naman ay di pa muna nag-apply ng trabaho at naisipan munang mag-training sa tennis dahil sobrang na-miss niya mag-tennis nung time na busy siya nung college'!!!

"May sinasabi ka ba Cams? Pasensiya na ah, pre-occupied lang ang utak ko ngayon'!! Ano nga ulet yon?"

"Ang sabi ko, nasabi mo na ba kay Slater yung scholarship offer sayo sa U.S para mas ma-train ka pa lalo sa tennis at pwedeng ipanlaban sa worldcap keme?" tanong nito

"Di pa nga e, wala pa kasing chance na magkausap kaming dalawa.. Super busy kasi ng mokong na yun e, naaasar na nga ko, lagi nalang cancel yung mga date namin dahil sa mga gigs niya'!! Baka sa birthday ko nalang sabihin sa kanya, besides, di pa din naman ako sure kung tatanggapin ko ba yung offer.. Two years ba naman kasi yun, isipin ko palang parang di ko na kayang malayo sa kanya ng matagal'!! Bahala na, may one month pa naman para mag-isip kung tatanggapin ko ba o hindi'!!"

"Sabagay, mahirap nga yan.. Torn between tennis or slater lang na paraho mong love'!!! Teka, next-nextweek na ang birthday mo ah, anong plano?'!!"

"Dinner lang dito sa bahay with friends, punta ka ah.. Magluluto daw si Mommy e'!!

"Sure.. Makikita ko ba ang gwapo mong kuya nun? hahaha.. charauce lang'!!!"

"Sorry ka girl, may girlfriend na si Kuya at ang rinig ko ay mukhang mag-aasawa na siya'!!!"

"Huh? nakakalungkot naman, so meaning kelangan ko na pakawalan ang pagsinta ko sa Kuya Gelo mo?" hirit pa nito

"Magtigil ka nga diyan, alam ko namang di ka seryoso sa nararamdaman mo kay Kuya e.. Napopogian ka lang kaya mo siya crush, pag sa ibang lugar naman iba din ang sinisinta mo e'!!!" pang-uurat niya

"Grabe ka naman, anong kala mo sakin malandi? Maraming boylet? Di ba pedeng marunong lang ako mag-appreciate ng mga biyaya ng Diyos sa kababaihan? hahaha"

"Malandi ka malandi'!!! May nalalaman ka pang biyaya diyan.. hahaha.. Basta punta ka nalang dito.. Dinner yun, at wag kalimutan ang regalo.. NO GIFT, NO ENTRY policy kaya ngayon palang paghandaan mo na'!!"

"Hala, demanding mo naman.. Kiss nalang pwede?"

"Yucks ka, nati-tiririt (tomboy) ka na sakin?"

"Gaga ka, di no... Girl pa din ako, kaya lang nagtitipid ako kaya ko in-offer ang kiss'!!"

"Ayoko ng kiss, bahala na ang bebe Janjan ko mag-provide nun'!!"

"For sure busy yun kaya ako nalang ki-kiss sayo'!!"

"Nah, sabi niya pupunta siya kaya i-reserved mo nalang muna yang kiss mo na yan'!!"

"Okay, sabi mo e'!! O siya, ako'y hahayo na at gumagabi na'!!!" paalam ni Cammie sa kanya saka bumeso..

TIME MACHINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon