Chapter 10

458 8 9
                                    

‎"Sure Pare.." ani Chris saka iniabot ang kamay nya kay Slater.. Tumingin sya kay Chris na wari'y humihingi ng paumanhin sa iniasal ni Slater... Tumango naman ito bilang sagot..

"Hi Tin!!!" bungad sa kanya ni Slater ng nagsasayaw na sila..

"Hi ka dyan.. Bakit mo naman binastos si Chris? Alam mong nakikipagsayaw pa tapos bigla kang sisingit.." pagalit na turan nya kay Slater..

"Sus, okay lang yun o.. Kanina pa naman kayo magkausap at magkasayaw e.. Samantalang ako di pa kita nasasayaw matatapos na yung celebration o.." cool pang sabi ni Slater

"Haynaku.. Ewan ko sayo!!!"

"Nanliligaw ba sayo yung lalaking yon?" tanong ni Slater kay Tin

"Grabe ka, ngayon ko palang nakilala yung tao manliligaw ko na agad?"

"Aba malay ko ba.. Kanina pa kasi kayo magkausap at nagtatawanan e.. Baka nade-develop na sayo"

"Kanina mo pa ba kami pinagmamasdan at alam na alam mong kanina pa kami magkasama?" mataray na asik sa binata

‎"Oo kanina pa.. Ang ganda na ng moment kanina e, partner-partner na tayo dun sa table ng bigla ka na lang hinila ni Kaye para ipakilala dun sa pinsan nyang kumag na yun.."

Natatawa nalang si Tin sa mga dialogue ni Slater..

"Bakit ka nangingiti dyan? Gustung-gusto mo talaga ung nasasaktan ako e.." paawang sabi ni Slater with matching :(

"Ewan ko sayo, para kang bata.."

Natapos na ang kanta kaya napilitan na ding bumalik sa table si Slater kasama si Tin.. Maya-maya lang ay nagsalita na ang emcee para i-get ang attention ng mga singles para sa pagsalo ng bouquet and garter..

"Ms. Tin..." tawag ng baklang emcee na si Monching a.k.a BekiMon sa atensyon nya... "tara na po dito sa center, walang exe-excempted sa friends ng newlyweds, malay mo ikaw pala ang maswerteng makasalo diba.." pang-aarot pa ng bakla kaya naman napilitan na ding makisali sa grupo si Tin.. Pumwesto sya sa tabi ng girlfriends ng boys.. Kanya-kanya din ng pagchi-cheer sina JM, Tom at Kit.. at hala ka, Pati si Slater ay naki-cheer na din para sa kanya..

"Go bebeTintin.. Pag nasalo mo yan, gagawin ko din lahat para makuha ang garter.. Kelangan tayo ang next na ikasal.." Cheer ni Slater na ikinaingay ng mga bisita na pawang mga kinikilig..

"Siraulo talaga.. as if naman sincere sya.." iiling-iling na sabi ni Tin sa sarili kaya naman nagulat nalang sya ng may biglang bumagsak sa harapan nya, buti di sa mukha nya tumama.. 'yung bouquet'...

"Mukhang na-inspired si Ms.Tin sa pag-cheer ni Fafa Sleytur ah.. Tignan nio oh, sya ang nakakuha ng flowers...Ayieeeeeee" kinikilig na sabi ni Bekimon..

"Whoa, nays wan BebeTinney... Now its my time para kunin ang garter for you... just Watch beybi!!" proud na proud na sabi ni Slater..

"Grabe si Slater.. Parang humaling na humaling kay Tin..wala ng ibang bukambibig kundi yang Tin na yan.." Narinig ni Tin na may nagsalita sa bandang likuran nya, paglingon nya ay si Maj pala.. kausap nito ang kakambal nitong si Epifania...

"Buhay pa pala tong dalawang fantard na toh" bulong nya sa sarili..

‎"Uo nga, bakit kasi bumalik-balik pa yang Tin na yan e,, Ang saya na nga natin na nawala sya nung sumikat lalo ang banda nila Slater kasi mas nagka-time sila sa mga supporter nila hanggang sa ayan nagka-lovelife na sila at yung isa nagpakasal pa.. Si Slater na nga lang ang kaligayahan natin dahil single, mukhang mawawala pa.. Hayyyysss!!.." sagot naman ni Effy

"Haist naku, nakakaloka talaga ang kambal na yan.. Grabe lang kung makabakod sa grupo, daig pa yung manager at handlers nila.." sabi ni Yhen na mukhang narinig ang pag-uusap nila Efs at Maj

TIME MACHINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon