Chapter three

574 8 2
                                    

"Hello Philippines'!! sabi ni Tin pagkadating sa Pilipinas

"Tintiiiiiiiiiiiiiiiiiiiin'!!" napalingon si Tin sa tumawag sa kanya saka napangiti'!!

‎"Katheriiiiiiiiiine'!!" tawag ni Tin sa kaibigang si Kaye na kumakaway sa kanya sa waiting area saka siya naglakad palabas. Paglapit kay Kaye ay niyakap niya ito ng mahigpit... "I miss you bestfriend, ganda-ganda mo ngayon ah.. epekto ba yan ng inlove at soon to be a bride?"

"Thanks best, miss you too'!!" sabay tingin ng maigi kay Tin.. "hoMaygad Tin,ang ganda ganda mo din oh... ano bang secret mo ha? Para ka pa ring yung Tin na nakilala ko nung hayskul, baby face!!" -ani kaye

"Nagsalita ang talagang baby face, ikaw nga diyan may commercial ka pa bout baby face keme-keme e! Kahit nasa abroad ako,updated pa din ako sa nangyayari sayo noh, at nakita ko sa internet yung commercial mo'!! hehe"

"Last ko na yun before ako mag-asawa'!! O siya tara na at sa sasakyan na tayo maghuntahan!" yaya ni Kaye at tinulungan siya sa mga baggage niya

"Asan nga pala sila mommy? Bakit ikaw ang sumundo saken dito?" nagtatakang tanong ni Tin dahil ang alam niya ay parents niya ang susundo sa kanya

"Andun sa inyo at busy sa pag-prepare ng foods para sayo, inako ko na ang pagsundo sayo para di na sila mangarag'!! Hehe, kaya tara na dahil nataakam na ko sa mga niluto ni Tita.." –kaye

"ah owkei.. buti pinayagan ka ng fiancee mo?"

"Sasakalin ko siya pag di siya pumayag noh? hehe.. joke lang, labs na labs ko yun e.. Busy pa yun masyado dahil tinatapos lang nila yung mga kelangan taouusin before the wedding.. One month din kasi siya mawawala sa band para sa honeymoon namin e.."

"Ahh!!" yun lang ang nasabi ni Tin dahil baka mapunta pa sa ibang usapan e..

"May gig sila mamaya sa H.V Restobar gusto mo sumama?" tanong ni Kaye

"Nextime na lang bessy, gusto ko kasing magpahinga muna mamaya at maki-bonding kina mommy, tagal ko din silang di nakita e" -reason ni Tin

"Ay uo nga pala, sorry Tin nakalimutan kong sa Amerika ka pala galing at uso ang hang over.. hehe.."

"Haha.. kahit kelan talaga palabiro ka, ano tuingin mo sakin? manginginom? hangover talaga? Di ba pedeng JetLag?"

"Kaya nga mahal na mahal ako ni Guji dahil lagi ko sya napapasaya e, ayan ang charm ko!" ani Kaye na nagpapa-cute pa at obvious na obvious ang pagka-inlove..

Madami pa silang pinagkwentuhan hanggang sa makarating na sila sa bahay nila.. Pagkababa palang niya ng sasakyan ay sinalubong na siya ng Mommy at Daddy niya.

"Bunsoooo, finally you're home'!!" sabi ng Daddy niya na una ng yumakap sa kanya.. "Miss you bunso, sorry di na kami ulet nakadalaw sayo don ah.. Busy kasi sa business ang daddy mo e,," ani naman ng mommy niya na nakayakap na din

"Miss you too mom,dad'!!" naiiyak na ding sabi niya, lastyear pa nung huling bumisita ang buong pamilya niya sa kanya kasama ang Kuya Gelo niya at ang asawa nitong si Jassy

"Tara na nga, bago pa tayo magkaiyakan dito e pumasok na tayo.. Sigurado akong gutom na kayo" yaya ng Mommy niya saka sila giniya papasok

"Hay salamat, kala ko po mag iiyakan nalang po kayo diyan at di na mapapansin yung nagwawala kong alaga sa tiyan e.." ani Kaye

"Loka ka talaga Kaye!! Mommy bakit ba in-invite mo pa yan? Sinisira tuloy ang moment naten e.." biro ni Tin sa kaibigan

"Hehe, ganyan na talaga yang si Kaye anak, hayaan mo at mawawala angvpagkaloka-loka niyan pag kinasal na yan.." -anang mommy niya na tatawa-tawa lang din sa kanilang magkaibigan

TIME MACHINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon