Ngayong araw ng kalayaan
oras na para maging malaya.
Malaya sa kadenang gumagapos sayo.
Gumagapos sa nararamdaman mo.
Kadenang gumagapos sa puso mo.
Sa kulungan kung saan mo ginugol ang oras
sa paghati, lungkot at pagluha.
Lumaya sa kulungan kung saan nanatili ang sakit.
Kung saan namayani ang poot sa puso mo.
Sa puso mong sugatan
Sa puso mong wasak
Sa puso mong nasasaktan.
Ngayong araw ng kalayaan, simulan mo.
Simulan mong hilumin ang sugat ng nakaraan.
Simulan mong kalimutan ang sakit na dulot ng nagdaan.
Simulan mong humakbang palabas ng kulungan.
Sabihin mo sa sarili mo,
"Kaya ko! Kakayanin ko!"
Sabihin mo sa sarili mo,
"Magagawa ko!"
Sabihin mo sa sarili mo,
"Makakalaya ako!"
At sa oras na ikaw ang makalaya,
Pakawalan mo na.
Pakawalan mo ang lahat ng sakit.
Pakawalan mo lahat ng pait.
Pakawalan mo lahat ng pighati.
Pakawalan mo na.
Ayan na! Makakalaya ka na.
Ihakbang ang mga paa palabas ng hawla.
Tanggalin ang mga kadenang pumipigil sa iyong saya.
Makakalaya ka na.
Oras na para maging masaya.