THE STAR HAS FALLEN

48 2 0
                                    

Hindi inakala ni Gale Arguelles na mahuhulog ang loob nya kay Renato Acosta IV, ang kababata, kaklase at kapitbahay nila na palagi nyang sinusungitan noon. Masaya at naging makulay ang relasyon na meron sila. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangang lumayo ng binata sa dalaga. Nagkaroon kasi ito ng sakit at kinailangang lumipad sa ibang bansa.

Hawak ang pangako na magbabalik, pinagpatuloy ni Gale ang pagmamahal para dito. Kahit na sobrang abala, hindi nya kinakalimutang magpadala ng mga mensahe para sa mimamahal.

Lumipas ang isang taon ay mas lalong naging abala si Gale dahil isa na syang Presidente ng Student Council sa OSAM University. Mas nadagdagan pa ito ng lumipat ng paaralan ang spoiled brat teen star na si Kaidezh Arkin Gregory na kapatid ng napangasawa ng bestfriend ng ate nya. Dahil sya ang naatasang magbantay dito, mas marami silang oras na magkasama.

Itinaga na ni Gale sa balun-balunan, apdo, atay, at gall bladder nya na hindi pwedeng magkaroon ng kung anuman sa pagitan niya at ng teen star bukod sa pagiging magkaibigan nila. Ngunit hindi nya naiwasang tumibok ang awesome heart at nagkagusto ang awesome nerves nya rito.

May pag-asa pa kayang masalo ni Gale ang puso ng sikat na bituin na nahulog na rin sa kanya gayong bumalik na ang unang pag-ibig nya?

-
  
 
Date started: 11-05-2017

THE STAR HAS FALLEN (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon