STAR 18

12 3 0
                                    

"Maria Glendale, bilisan mo naaaa!" Sigaw ni ate mula sa labas ng kwarto ko.

"Saglit lang mamang. Kakatapos ko lang maligo e. Excited?" Sagot ko.

"Nagugutom na koooo."

"Te, kakakain mo lang ah."

"Wala kang pake. Bilisan mo na jan. Naghihintay kami dito sa baba. Wag ka ng paVIP!" Sigaw pa rin nya.

Napapailing na lang ako sa inaasal ng kapatid ko. Nabuntis lang naging bossy na. E tambay pa din naman. Tsktsk. Nagsusuot na ko ng undergarments ng may kumatok na naman sa pintuan ko. Malamang ang ate kong maligalig na naman to.

"Saglit nga lang kasi te, ang kulit kul- aaaaahhhh! Manyak! Anong ginagawa mo dito???!" Sigaw ko ng mabungaran si brat sa may pintuan.

"Pinapuntahan ka ni Gwen noona." Aniya saka tumingala. "Baka gusto mo ng isara ang pinto minion? Ayaw mo naman sigurong makitaan ng munggo di ba?" Tawa tawa nyang sabi. Napatingin naman ako sa katawan kong nakatuwalya.

"Manyakissss!" Sigaw ko sa kanya saka pinagbagsakan sya ng pintuan.

Hayp na yun. Munggo??? Anong munggong pinagsasasabi nya?? For his information, lansones to! Grrr.

"Bilisan mo na jan minion ha? Naiinip na kami." Sabi ulit nya saka ko narinig ang pagbaba nya.

Bat ko ba nakalimutang sa van nga pala nila kami sasakay? Kainis. Bat kasi minsan nagiging forgetful ang awesome mind ko. Hindi na tuloy sila balanse ng beautiful face ko.

Binilisan ko na ang pagbibihis. 4:45 na kasi at 6 yung start ng party ni babs. Matapos kong isuot yung gown na bigay ni babes ay naglagay lang ako ng konting make up. Konti lang ang dapat kasi bare face ko lang sapat na. You knows. Aymzobyutiful.

After kong mag ayos ay bumaba na din ako. Nadatnan ko sa salas ang naglulumamon na ate ko, si kuya Dave, The Gregory family, si mama na may paperlas na kwintas at si brat na feeling gwapo sa padekwatro nya. Kala mo naman ang gwapo nya sa suot nyang suit at pareddish nyang buhok. Yucks ewws.

"Makababa ng hagdanan kala mo sya ang may debut?" Basag ni ate sa pag iinarte ko dito sa hagdanan. Feel na feel ko nga yung pagbaba e. Effal talaga >3<

"Epal ka te. Tsk." Sabi ko saka tuluyan ng bumaba.

Tumabi ako kay mama saka pinaglaruan yung perlas nya sa leeg.

"Wag kang malikot Maria Glendale. Nakikiliti ako." Ani mama saka ako pinukpok ng hawak nyang pamaypay. Wao. Imelda Marcus lang ma?

"Tara na tara na. Hon, yung bag ko ah." Ani ate.

Kinuha ko na ding yung bag ko na nauna sakin makababa. Andito kasi yung nga tupperwares at plastics na lalagyan ko ng food mamaya. Charot. Haha. Di ako ganon mga beks ha. Change me. Ibahin nyo ko. Nandito kasi yung damit na pampalit ko. Lam nyo naman ang beautiful and awesome nyong President, madaming ganap sa buhay.

"Seriously? Backpack minion?" Tanong ni brat na kasunod ko lang umakyat sa van. Tss. Tatabi na naman to sakin. Iniirog ata ako ng pokemon na to e. Syempre charot. Pag isipan nyo na naman ako ng masama jan. Knowing you people, mga judgemental din kayo. Joke. Mwehehe.

"And so? Ikapapangit ko ba ang pagbabackpack ha brat?" Tanong ko sa kanya.

"Ah. No?" Patanong nyang sagot. Napangiti ako. Sabi ko na, nagagandahan din to saken. "Coz in the first place, pangit ka naman na. May ipapangit ka pa?" Nawala ang ngiti ko at napalitan ng naiinis na expression. Salot talaga sa buhay ang mga brat.

TANDAAN NYO GUYS, BASTA BRAT! SALOOOOT!!!

BASTA MAGANDA, AKO YUN! 😂😂😂

"Pag ako kinausap mo brat ka, who you ka talaga saken" sagot ko saka sya inirapan.

THE STAR HAS FALLEN (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon