Prologue~

41 3 3
                                    

"Babes" tawag ni Ato.

"Oh?" Sagot ko.

"Aalis na ko mamaya" aniya.

Tahimik lang akong nakatingin sa kalangitan. Andito kami sa isang park at nakahiga sa damuhan. Ito na ang huling date namin ni Ato dahil aalis na sya papuntang America para magpagamot.

"Alam ko" sagot ko

"Namimiss na agad kita babes"

Ayokong magsalita. Baka kapag nagsalita ako e pigilan ko lang sya. Honestly, ayoko talaga syang umalis pero kailangan. Nasanay kasi akong lagi syang nangungulit at laging nanjan lang sa tabi ko.

"Babes."

Nilingon ko sya. Nakangiti sya sa akin habang pinagmamasdan ako. Di ko na naman tuloy mapigilan ang malungkot. Ang hirap masanay sa isang tao na palaging nanjan tapos bigla biglang aalis. Ang sakit sa awesome nerves mga beks.

Wag tularan si Ato!

Nang-iiwan si Ato!

"Umiiyak ka babes" aniya saka tumagilid paharap sakin at pinunasan ang luha ko.

"H-hindi yan luha ah! Pawis ko yan! Wag kang assumero. Di kita iniiyakan." Tanggi ko saka tinakpan ang mga mata ko ng braso ko.

"Babes naman e. May ebidensya na oh" sabi nya saka tinatanggal yung braso ko. "Wag ka ng umiyak babes. Namumula yung mulaga mong mata e. Mukha ka tuloy kwagong may sore eyes hehehe" sabi nya. Hinampas ko sya dahil dun.

"Yan. Mas gusto ko yang brutal ka at hindi umiiyak. Bat ka ba kasi umiiyak? Nalulungkot ka bang aalis ako babes?"

Sinamaan ko sya ng tingin. "Ay hindi. Masaya ako Ato kaya heto at tumutulo mag isa yung luha ko. Grrr. Dungis mo!"

"Hehehe. I love you too babes mwamwa chupchup"

"Kadiri ka" sabi ko pa saka tumayo na.

"San ka pupunta babes?" Tanong nya at tumayo na rin.

"Kakain. Grabe ka Ato ha! Aalis ka lang kinalimutan mo ng pakainin ang girlfriend mo! Anong klaseng boyfriend ka?!" Natatawa kong tanong.

"Madungis. Hahaha. Sarap namang pakinggan nung girlfriend babes kapag nanggagaling sayo"

"Syempre. Alangan namang tawagin kong boyfriend ang sarili ko Ato di ba? Utak Ato utak!" Tatawa tawa syang lumapit sakin saka ako niyakap. Bumilis naman yung tibok ng puso ko at nag-init yung mukha ko.

Enebe madungis na Ato. Kinikilig awesome nerves ko!

"Mamimiss ko yang savageness mo babes. Mamimiss kita ng sobra sobra. Parang ayaw ko ng umalis sa tabi mo. Parang ayoko ng matapos ang oras na to." Madrama nyang litanya. Naumay naman ako. Hahaha. Joke.

Kahit sanay na kong sweet si Ato hindi ko pa rin mapigilang hindi mapangiti sa twing magsasalita sya ng kacornyhan. Hindi ko nga alam kung anong gayuma ang binigay nito sa akin e. Akalain nyo, kung gano ko sya tinataboy noon, ganon naman ang pagkagusto kong wag syang paalisin ngayon.

"Minsan ko lang to sasabihin Ato ha, makinig ka. Madungis ka pa naman hahaha"

"Mahal mo naman babes. Ok lang maging madungis porebs"

"Walamporeber Ato hahaha. So eto nga tandaan mo to ha? Saksak mo to sa kaibuturan ng balun balunan mo hahaha. Mahal kita kahit madungis ka. Mahal na mahal kita Ato. Maghihintay ako ok? Bumalik ka." Sabi ko kaya mas lalong humigpit ang pagkakayakap ni Ato.

"Pwede na ata akong mamatay babes--aray" kinurot ko kasi yung batok nya. Kung anu-anong pinagsasasabi e. Buset! "Joke lang naman babes. Di ka na mabiro"

"Seryoso kasi ako Ato. Geez ka alam mo yun?"

"Hindi e. Alam ko lang patay na patay ka saken hehehe"

"Coming from you Ato? Wow just wow"

"Hehehe. Sabi ko nga ako yung patay na patay sayo babes. Hehe. Halika na nga at alam kong nagwawala na yang alajurassic park mong tyan" hinawakan nya ang kamay ko. Hinayaan ko na lang tutal boyfriend ko naman sya. Pero mind you, hindi ako malandi ok? Change me guys change me. Ibahin nyo ang isang Maria Glendale Arguelles. Isang babaeng awesome. Humble ako, tularan ako!

Pumunta lang kami ni Ato sa isang food court na nagtitinda ng korean food. Kahit hindi ko kasi irequest alam na nya na dito ko gustong kumain. Ganyan dapat mga beks ang jowa nyo, yung tipong wala kang sinasabi pero alam nya kung saan ka masaya syempre bukod sa piling nya. Hahaha.

Geez! Kinikilabutan ako sa pinagsasasabi ko. Hahaha. Kasalanan to ng madungis kong jowa.

After naming kumain ay namasyal lang kami. Nagkwentuhan, nagbarahan, at syempre di nawala ang kadramahan. Kapag si Ato ang boyfriend nyo, asahan nyong di mawawala ang drama portion. Ang hilig kasing manood ng teleserye ng madungis na to e tsktsk. Pinagtyatyagaan ko na nga lang sya e. Chos.

"Babes, mag-iingat ka ha?" Bilin ni Ato. Hawak hawak nya ang magkabila kong pisngi habang marahang ipinapaling left and right.

"Oo naman. Tsh."

"Aalis na ko babe. Di na kita mapipisil ng ganito" pinisil pisil nya yung pisngi ko. "Di ko na matititigan yang malaki mong mata. Mamimiss kita talaga babe." Aniya saka ngumuso.

"Mamimiss din kita. Wala ng madungis na magpapangiti saken. Wala na kong madungis na hahampasin. Mag-iingat ka Ato ha? Magpagaling ka." Tumango naman sya saka ngumiti.

"Promise babes magpapagaling ako. Hintayin mo ko ah? Babalik ako. Wag kang manlalalaki. Ako lang dapat ang lalaki mo ok?"

"Oo naman geez. Kaw lang naman kasi ang madungis na kilala ko hehehe. Magpagaling ka talaga dun ha? Kapag ikaw di agad bumalik iisipin kong nambababae ka."

"Ikaw lang babes zH4fh4t nH4!" Aniya in his jejemon voice.

"Baliw. Pano, babye na?"

Andito na kasi kami sa airport at ilang minuto lang aalis na talaga sya.

"Nope. See you again babes. Wag kang malulungkot ah. Mahal na mahal kita" tumango ako. Hindi ko na rin mapigilang hindi umiyak. Mamimiss ko sya. Sobraaaa 😭.

"Atoooo!" Iyak ko saka sya niyakap ng mahigpit.

"Babes. Wag ka ng umiyak. Babalik naman ako e saka tatawagan naman kita. Tahan na"

"Eeeh! Mamimiss kita."

"Mas mamimiss kita babes."

Ilang minuto rin nya kong niyakap. Bumitaw lang sya nung kumalma na ako. Tumingin sya sa wristwatch nya saka ulit tumingin sa akin at ngumiti.

"Kailangan ko ng pumasok babes. Wag ka ng umiyak ha? Babalik ako. Pangako" sabi nya saka ako hinalikan sa noo.

"I love you Renato Acosta IV. Pinaibig mo ko, kaya kailangan mong bumalik."

"Opo boss" sumaludo pa sya saka tuluyan ng umalis.

Pinahid ko ang luha ko.

Maghihintay ako Ato. Kahit gano katagal, hihintayin kita.

THE STAR HAS FALLEN (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon