Star 9

21 2 0
                                    

"Ang pera natin hindi basta basta mauubos, pero ang pasensya ko konting konti na lang" litanya ni Kim habang nakatingin kay Stella.

"Kung nanjan sya, nasan ako? Nasan kaming mga gustong magmahal sayo?" Sagot naman ni Stella at kunwaring pinupunasan ang pekeng luha nya

"Akin lang si Adrian akin lang sya! Walang sayo Nicole. Akin lang ang asawa ko!" Ani Aris habang sinasampal at sinasabutan ang sarili nya.

Yan ang eksenang naabutan ko pagpasok ko nang classroom. Natatawang pinanonood ko lang sila sa may pintuan.

"Pangit ba ko?" Tanong ni Shan sa kawalan habang tinuturo ang sarili nya.

"Oo" sagot naman ni Skate na nakaupo malapit sa kanila.

"Kapalit palit ba ko?" Shan

"Oo" Skate

"Then why?"

"Pangit ka nga"

"Hoy amoy lupa akala mo di kita naririnig ha ha? Umayos ka. Baka ibaon kita ng buhay"  sigaw ni Shan saka akmang susuntukin si Skate.

"Kumalma ka mare" sabi ni Stella saka sya hinawakan sa kamay ganon rin si Aris.

Aba teka. Bakit nandito tong baklang bise presidente na ito?

"Yeah whatever" sagot naman ni Skate saka lumingon sa akin at ngumiti. Tumayo pa sya para salubungin ako.

"Inaaway ako ng basura mong bestfriend" aniya saka ngumuso.

"Bestfriend mo din yun baliw"

"Wala akong bestfriend na basura"

"At para namang may bestfriend akong amoy lupa" Sagot ni Shan na hindi namin namalayang nakalapit na rin. "Hoy babs bakit ngayon ka lang?"

"Nalate ako ng gising e hehe" sagot ko na lang kahit ang totoo ay nanggising ako ng isang brat na pikachu. Nung umalis ako ng bahay maliligo pa lang sya. Ni hindi pa sya nag aalmusal. Goodluck na lang talaga sa kanya. Napakahinhin pa naman nyang kumain. Dinaig pa si awesome Gale.

"Di mo kasabay si Arkin bebe?" Ngumungusong tanong nya

"May nakikita ka bang Arkin sa tabi ko Shan?"

"Wala"

"E di hindi kami magkasabay. Tsktsk."

"Good mornimg Gale ^__^" bati ni Kim pagkadating namin sa pwesto nila.

"Morning Kimmy"

"Good morning madam" nakabungisngis na bati din ni Aris.

"Morning Aris, teka bat ka nandito? Napakaaga mong mangapit section"

"Excuse me madam, you see that?" Tanong nya habang itinuturo yung hello kitty nyang bag at portfolio sa upuan. "Gamit ko yan. Tagadito na ang dyosang ako sa section nyo ahi~ hindi papayag ang beautyness ko na malamangan nyo kay fafa Skate at fafa Arkin no"

"Hoy pekeng babae, akin lang si Arkin bebe." Angal ng Presidente ng Arkinature.

"Walang sayo Shanaia, akin lang sya! Akin lang si Kaidezh Arkin!"

"You want war? I'll give you war. C'mon fight me!"

"Enough guys. Para kayong abnormal" awat ko sa kanila.

"Wao. Hiyang hiya!" Sabay sabay nilang sabi.

"Ewan ko sa inyo. Di kayo kinakaya ng awesome digestive system ko. Bala kayo jan"

"Grabe ka naman madam. Nasaktan yung nervous system ko" Aris.

"Kamusta naman yung respiratory system ko pekeng babae." Shanaia.

THE STAR HAS FALLEN (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon