STAR 4

24 1 1
                                    

Andito ako sa punto ng buhay ko ngayon kung saan matatanong ko na lang ang awesome self ko ng 'Why always me? Bakit laging ako?' Oo. Tinagalog ko lang wag kayong ano jan. 😑. Beastmode ako mga beks. Wag ng eepal kay?

Nananatili akong nakatanga at inaabsorb ang lahat ng sinasabi ni Principal Derti o mas kilala sa tawag na PD. Hindi pa rin kasi matanggap ng alak-alakan ko ang gustong ipagawa sakin ng Principal naming apat ang mata. Nakakaloka.

"PD kasi andami naman pong pwede at willing gawin yang pinapagawa nyo. Bakit po ako? Saka malapit na po ang OSAM Week, hindi ko po yan matututukan" angal ko.

"Gale, alam kong masyado ka nang busy ngayon pero ikaw lang ang alam kong makakagawa nito. You're responsible. Saka alam mo naman na kailangan nating maibangon ang pangalan nitong university di ba? Sya lang yung tanging paraan para mabawi natin ang reputasyong meron ang OU"

Napabuntong hininga ako.

Kasalanan ko ba? Kasalanan ko bang corrupt yung principal dito 3years ago? Kasalanan ko bang masira ang reputasyon ng OU dahil sa kanya? Kasalanan ko bang wala ng masyadong nag eenrol sa OU dahil sa kanya? Kasalanan ko ba at ako ang kailangang magbayad sa resulta ng ginawa nyang karumal dumal? Huhu. This is unfair!

Pinanganak lang akong awesome pero di ako pinanganak bilang pambayad utang!

Charoooot! Minsan talaga OA ako e.

"Please Gale, make Arkin Gregory stay here at our university. Alam ko namang aware ka sa mga issues nya sa school nya dati kaya naman nakikiusap ako sayo na bantayan sya. Na samahan sya palagi. Maging kaibigan nya para may dahilan sya para magstay. Sya lang ang pag-asa natin Gale."

PD! Kung alam nyo lang. Kung alam nyo lang na kumukulo ang pula at puti kong dugo sa talipandas na yun baka kayo na mismo ang magpalayo sakin sa kanya! Baka mapaslang ko sya PD.

"I'll try my best PD" sagot ko na lang kahit labag talaga sa awesome kalooban ko ang sinabi ko.

"Thank you Gale. Alam kong maasahan ka talaga!" Ani PD na malaking malaki ang ngiti.

Basagin ko salamin nyo eh! Huhuhu. Tubuan ka sana ng alipunga sa noo PD!

Bad ako jan. Wag akong gayahin!

Nakabusangot akong lumabas ng Principal's Office. Yung tipong sa sobrang busangot ko e mas pipiliin mo na lang na maglakad sa daan na puno ng mga jebs ng pusa, ng kalabaw, ng kabayo o ng kahit anong klase ng hayop kesa ang makasalubong ako. Ganon! Ganon ako ka OA.

Nakakainis kasi si PD. Hiniritan pa kong hanapin yung talipandas na brat na paVIP na Arkin na yun! Kaya sa halip na mag-ayos na ko ng mga dapat ayusin na events e heto at nagsesearch and rescue ako. Kageez!

Una kong pinuntahan ay ang library. Wag nyong isipin na nagbabasa sya dun. Malabo pa yun sa mata ng principal namin. Geez. Alam naman natin na tahimik ang library di ba. Bawal mga chismosa dun kaya malamang no.1 target nya yun para gawing tulugan. Pero sa kasamaang palad ay walang talipandas na naligaw dun.

Sinunod kong puntahan ay ang canteen pero wala din. Next ang likod ng covered court pero wala pa din. Marami pa kong pinuntahang lugar sa school na pwedeng tambayan at tulugan pero hindi ko talaga sya makita. Tsk. Baka mamaya tumakas na pala yung gago na yun e di lugi ako. Hayst.

Ready to go na ko pabalik ng classroom ng maalala ko yung soccer field namin. Ewan ko ba at biglang nagflashback sa utak ko yung time na nagpunta kami sa soccerfield nung 13 years old kami na dinaanan namin nung pauwi na kami galing sa outing. Kasama namin nun yung ate ko at si Sir Dave tas si ate Tamara, kuya Arkeid at si Ato babes. Wala kaming ginawa nuon kundi manghuli ng mga kulisap hahaha. Parang tanga lang kami dati e. But yun ata yung unang beses na nakita ko syang ngumiti. Yun din ang oras na sobrang bumilis yung tibok ng puso ko dahil kay Ato. Hehehe. Reminisce pa more Gale. May hinahanap ka pang PVIP. Pa Very Important Panget.

THE STAR HAS FALLEN (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon