STAR 23

13 0 0
                                    

"Brat naman! Bumangon ka nga jan. Wala ka pang narereview kahit isa ano ba!" Singhal ko kay brat ng madatnan ko syang nakahilata sa kama nya.

Nagpaalam kasi sya na magccr muna bago kami magreview pero nakaisang oras nat lahat hindi pa sya bumabalik.

Natutulog pala ang hirudis na talipandas na to!

"Ayoko ngang magreview minion. Wag kang makulit jan" sagot nya.

"What the. Napagkasunduan natin to di ba? Magrereview ka tapos kukumbinsihin ko si kuya idol na ibili ka na ng bagong motor di ba?" Sabi ko ulit.

Bago kasi kami magreview at bago ko sya makumbinsing magreview, nagkaroon kami ng deal. Kapag naipasa nya ang first ever major examination namin, ako mismo ang kukumbinsi kay kuya Arkeid na ibili na sya nito ng motor. Matagal na kasi nya itong hinihiling sa kapatid pero ayaw pumayag ni kuya.

Nabanggit ko naman na ang tungkol sa kasunduang ito kay kuya idol and he agreed. Basta maipasa lang daw ni brat ang lahat ng exams na never pang nangyari kahit isang beses e bibilhan nya agad ito.

"Aaahh! That's not fair! You're so unfair!!" Pag iinarte nya. Bumangon sya sa kama saka ako tinuro. "Hindi kita isasakay sa motor ko hmp!" Inirapan pa nya ako bago sya lumabas.

Hahaha. Ang arte talaga ng brat na to. Pero infairness, nakakatawa syang mag inarte ngayon hahaha.

Natatawa pa rin akong sumunod sa may salas. Nadatnan ko syang nakasibangot at masama ang tingin sa mga books at notebooks na nandun.

This brat really hates studying. Haha.

"Hoy brat uso magbuklat" sabi ko at tumabi sa kanya.

"Yuck. No!' Sagot nya.

"Makayuck ka jan! Hoy aaralin mo yang lahat na brat ka. Umayos ka jan"

"Seriously? That school is really cruel. I'm starting to hate that school argh"

"Anong cruel ang pinagsasabi mo jan. Ikaw na nga ang pinakamaswerteng estudyante sa OSAM Univ ayaw mo pa. Ang arte arte mo"

"How? If I was the luckiest student, why do I need to take that major examination huh? Tell me minion. Tell me."

"Ayokong mag explain kaya pwede magreview ka na lang? Basta pag sinabi kong ikaw ang pinakamaswerte ikaw ang pinakamaswerte. No hows. No whys." Sabi ko saka sinimulang buklatin ang mga notes ko.

"Look brat, alam mo na ba to?" Tanong ko sa kanya habang pinapakita yung isang lesson na kasama sa exams namin. Tiningnan naman nya ito saka tumango. "Good. Kung ganon, here's your pen and paper and answer these questions." Binigay ko sa kanya ang ginawa kong exam. Ganon kasi kami magreview nila Skate. Gagawa kami ng exams at sasagutan namin.

Speaking of Skate, malamang nagsusunog na naman ng kilay ang lalaking yun. Bet na bet kasi nung makipag agawan sakin ng place e. Tss.

"I changed my mind. Hindi ko pala yan alam" aniya saka binalik sakin ang ballpen at papel na binigay ko sa kanya. "Pwede bang magbreak muna?"

"Anong break. Walang break break. Magsagot ka jan!" Sigaw ko.

"Ouch. You're really annoying geez" reklamo nya. Sinamaan ko lang sya ng tingin.

Nang magsimula ng magsagot si brat ay nagbasa naman na ako. Binasa ko lang ulit yung mga lesson na ieexplain ko sa dakilang brat mamaya. Baka kasi maturuan ko sya ng mali e laiitin pa ang awesome IQ ko. Lam nyo naman, napakalaitero din ng talipandas na to.

"Hindi ka pa rin tapos??!" Tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi ako tapos magbasa tapos sya nagsasagot pa din.

"Nakikita mo bang tapos na?" Sagot nya pabalik.

THE STAR HAS FALLEN (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon