STAR 7

24 2 0
                                    

Saturday...
  

Maaga akong bumangon ngayon para tumulong sa paglilinis ng bahay kay mama H. Yas. Mama H na ang tawag ko kay ate Helen dahil yun ang wish nya. Gusto nya daw maexperience ang tawagin ko syang mama. Hahaha. Odaba. Iba talaga ang kamandag ng isang Maria Glendale hahaha.

Nilinis ko muna ang kwarto ko bago lumabas. Balak ko din kasing umuwi samen ngayon para bisitahin sila mama at ate Gwen. Alam kong miss na miss na ko ng mga yun.

Nadatnan ko si mama H na nagluluto sa kusina, alangan namang sa cr di ba? Utak! Utak ples 😂. Agad ko syang nilapitan at binati.

"Wala ng mas gaganda pa sa akin sa umaga" ani ko. Tumawa naman si mama H.

"Magandang umaga din Ganda" ganting bati nya. "Aga mo ah"

"Uuwi kasi ako samen ngayon mama H."

"Hala? Talaga? Aalis kasi ngayon sila Tamara kasama si Zidan at ako rin ata."

"San po kayo pupunta?"

"Hindi ko sure kung sa Bohol nga pero parang dun talaga. Baka bukas na ng gabi ang balik namin"

"Ahh. Sige po. Eh yung brat di po kasama?"

"Naku hindi ko lang alam Ganda, itanong mo na lang sa ate Tamara mo mamaya"

"Ayt sige po, magdilig lang po ako sa garden saka magwawalis na rin"

"Sige Ganda, salamat." Aniya.

Lumabas naman na ako ng bahay para magdilig at magwalis. Pagkatapos nun ay tinawag na ko ni mama H para mag-almusal. Nandun na rin si ate Tamara at kuya Arkeid na parehong nakabihis.

"Good morning ate, kuya idol" bati ko sa kanila.

"Morning Gale. Magbreakfast ka na" aya ni kuya Arkeid. Naupo naman na ako.

"Gale aalis kami ha? Kayo lang ni Arkin maiiwan dito" ani ate Tamara.

Wala pa si Arkin dito kaya malamang tulog na tulog pa ang brat na yun. Ang tamad nya talagang bumangon ng maaga. Kapag kasi may pasok kailangang pingutin pa sya ni kuya Arkeid para lang bumangon sa kama nya. And speaking of kama, hindi na kami nagpalitan ng kwarto ni brat. Pinalipat na nya lahat ng gamit nya sa kwarto kay mama H papunta sa kwarto nya dahil nakakatamad daw magpalipat lipat. Odaba ang tamad pero pabor naman yun saken hahaha.

"San ba punta nyo ate?" Tanong ko.

"We're going to Bohol Gale. Dun kasi magcecelebrate ng birthday si mama." Sagot ni ate.

"Oh. Ok. Kaso papunta ako mamaya sa bahay ate. Nasabi ko na kay mama."

"Isama mo na rin si Arkin para may kasama kayo sa bahay. Kasama kasi namin si Gwen at Dave" kuya Arkeid.

"Talaga? Awts. Sige kuya."

After ng breakfast ay nag-ayos na ng mga gamit sila ate at kuya ganon narin si mama H. Maya maya pa ay nagpaalam na sila at umalis kahit na natutulog pa ang hari ng mga brat.

Umakyat ako sa kwarto ni Arkin para gisingin sya at isama. Kung ayaw nyang sumama e di bahala sya. May pagkain naman dito e hindi sya mamamatay sa gutom saka mapera sya, marami syang pang order. Maiintindihan naman nila ate Tamara kung hindi ko nakumbinsi ang brat na to pauwi samen.

"Hoy braaaaat gising naaaa!!!" Sigaw ko.

Hindi sya bumangon mula sa pagkakadapa nya sa kama bagkus ay kinuha nya yung unan nya at nilagay sa tenga nya.

"Braaaat ano baaa! Gising na kasi!" Sabi ko at hinigit sya.

"Stop it amazona. You're pissing me off" aniya at hinablot ang kumot na nasa tabi nya.

THE STAR HAS FALLEN (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon