STAR 19

9 2 0
                                    

"Huy brat, di ka pa ba nangangalay?" Tanong ko kay brat. Kanina pa kasi sya kumukuha ng videos. Ewan ko ba dito, meron namang videographer pero heto at busy na busy sya.

"Quiet minion, I'm busy" sagot nito.

"Tss. Hay naku, bahala ka na nga jan. Uupo na ko"

"K" maiksing sagot nya na hindi man lang natinag sa ginagawa.

Bwisit. Tss.

Padabog akong bumalik sa table namin at naupo. Nakakabuset yung pikachu na yun. Niyaya yaya ako na samahan sya tapos iisnabin lang ako. Grrrr.

"Oh madam why ganyan ang look ng feslak mows?" Tanong ni Aris.

"Pano nakakagigil yang si brat."

"Ano namang nakakagigil kay fafa Kin?"

"Pano wala ng ibang ginawa kundi ang magvideo. Like duh, isinama sama nya ko dun tas iisnobin lang ako."

"Oh tapos? Wala ng rights si fafa Kin na maging snobber? Kain ka na lang madam. Wag mo ng pagselosan yung pinagkakabusyhan nya"

"HOY ARISTOTLE LACSON! WALA AKONG PINAGSESELOSAN!" sigaw ko na ikinalaki ng mata nya.

"Ay madam kumalma ka jan. Scene stealer? Ganern?" Aniya. Kumalma naman ako. Buti na lang at busy ang lahat sa pagsasayaw.

"Kaw naman kasi. Kung anu anong sinasabi mo jan tss."

"Sorna po your highness. Di na po mauulit." Hingi nya ng tawad saka yumukod. Baliw 😑.

"Umayos ka nga jan" sabi ko.

Nanahimik naman na kami habang abala sa panonood. Kasayaw ni Kim si Mint na kanina pang nakabusangot. Pano kasi, kanina pang sumasayaw si Shan at Skate. Si Stella naman ay kasayaw ni kuya Layton. Si Ate at Kuya Dave tapos si Ate Tams at kuya Arkeid. Si mama naman ay yun at chumichika sa mga balae nya.

Kanina pa kasi tapos ang 18 chuchus sa party ni Shan kaya naman free na ang lahat para sumayaw. Mag aalas dose na rin kasi ng hatinggabi.

Habang busy ako sa panonood ay biglang may humawak sa ulo ko. Nang tingalain ko, nakangiting mukha ni brat ang nakita ko. Agad ko naman syang inirapan at muling nagfocus sa panonood.

"Hey minion, are you mad?" Tanong nito at humarang sa harapan ko.

"Heh! Wag mo kong kausapin brat. Busy ako. Tabi jan" sabi ko saka sya pinalis sa harapan. Yun lang, di man lang sya gumalaw.

"I see. You're really mad." Aniya pa saka pinagpantay yung mga mukha namin.

Napalunok naman ako ng tumitig sya sa mata ko.

Neeee! Bakit ang gwapo ng nilalang na to ngayooon?!

Ajujuju. My awesome nerves are shaking.

Joke.

Si Ato lang zhafhat Nha.

"Nuba brat. Alis ka nga jan. Sapaw ka e." Pinalis ko yung mukha nya saka pilit na tumingin sa mga nagsasayaw. Hinawakan naman nya yung dalawa kong pisngi saka ako sinamaan ng tingin.

So sya pa tong may karapatang sumama yung tingin??!

Aba hoy brat. Ikaw tong nangsnob!

Ako tong galit!

"Hoy brat, b-bat ganyan ka makatingin ha?" Pagtataray ko.

"You lied to me" aniya.

Enedew? I lied to him daw?

At ano namang kasinungalingan ang sinabi ko sa kanya??!

The last time I checked akoy isang nilalang na walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo lamang eto ang Soco. K. Waley.

THE STAR HAS FALLEN (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon