STAR 11

13 3 0
                                    

"Ganda, pakisilip mo nga yung mag tito sa kwarto ni Arkin. Baka mamaya nagyeyelo na dun si Zi" utos ni Mama H habang naghuhugas ng bigas.

Infairness kay mama H. Alam nya kung gaano kaadik sa aircon ang pabong brat. Siguro kaya todo todo ang aircon nya dahil sa tinatago nyang feathers. Sa tingin nyo?

"Masusunod Mama H." Sagot ko saka tumayo mula sa ginagawa kong proposal para sa Osam Week.

"Ay wait ganda, pati pala yung maruruming damit ni Arkin pakisabi e ilabas na nya. Maglalaba ako bukas. Salamat ganda"

"Sige mama H. No prob"

Naglakad na ko paakyat sa kwarto ni Arkin. Nasa dining table kasi ako kanina dahil mas bet ko dun gumawa ng proposal dahil may inspiration akong nakikita. Si grapes 😁.

Dahil wala si ate Tamara at kuya Arkeid ngayon, kaming tatlo nila brat ang baby sitter ni Zi. Umattend kasi ng party ng isang business partner yung mag-asawa. Si Kuya Arkeid na kasi ang nagmamanage ng business ng Gregory family. Samantalang si tito Fernando pa rin ang nagmamanage ng business ng mga Lorenzo. For sure, paglaki ni baby Zi, sya ang magmamana nun. Kaya nga naiisip kong intayin na lang talaga ang paglaki ni Zi para sya na lang ang aasawahin ko. Keri pa naman e, kapag 1 year old na sya 18 na ko. We shared the same birthday kaya feeling ko kami talaga ang itinakda para sa isa't isa. Kami rin ang magpapatunay na age doesn't matter. Char. Kasi naman si babes di na naman nagpaparamdam. Di na naman sya nag aupdate saken. 😑.

Nang makarating ako sa kwarto ni brat ay ngali ngali ko ng humagalpak sa tawa. Pano ba naman kasi, nakaupo si baby Zi tapos itinabi nya si Pikachu saka kinukuhaan ng picture. Ang jeje lang ng brat nato hahaha.

"Zi, ganto yung kamay mo kasi pogi tayo. Yan. Goodboy." Pakikipag-usap nito kay baby Zi habang ginagawa yung 'pogi sign' sa kamay ng pamangkin.

"Smile Zi. Hana, dul, set!" Aniya in pabo language. "Woah! Zi, sobrang pogi ng tito Arkin mo. Dapat ganyan ka paglaki mo ha? Dapat kasing gwapo mo si tito ok? Ako dapat ang kamukha mo hindi ang yoda mong daddy ok ba yun?" Tumawa naman si Zi saka tuwang tuwang hinawakan ang ilong ng tito nyang brat. Hahaha.

"Aish! Bad Zi, bad" aniya pa saka umiiling iling.

"Very good baby Zi very good!" Sabat ko na ikinagulat ni brat.

"Geez. Hindi ka lang pala amazonang mahilig sa banana, kabute ka rin 😑"

"Thank you brat." Sagot ko saka sya nginitian in sarcastic way. Lumapit ako kay Zi saka ito kinarga.

"Hello baby Zi. Ang pogi pogi naman talaga ng baby namin oh. Hindi mana sa tito nya."

"Excuse me minion, saken nagmana ng kagwapuhan si Zi"

"Excuse me rin Pikachu, kay kuya idol sya nagmana no. Look, ang gwapo gwapo. Ang bait bait pa. Halatang hindi spoiles brat"

"Tss. Whatever. Ano nga palang ginagawa mo dito at umeepal ka sa amin ng pamangkin ko na nagmana saken?"

"Pinatingnan lang naman sya saken ni Mama H kasi wala syang tiwala sayo"

"Sigurdo kang sakin? I'm loyal as hell minion. Hindi katulad ng iba jan na nang iiwan sa ere"

"Hoy! Ako ba ang pinapatamaan mo jan?"

"Tinatamaan ka ba?" He said then smirk.

"O-of course not!"

"Dense" bulong nya saka tumalikod saken at nagpunta sa closet nya.

Muli ko na naman tuloy nakita yung black and white shirts nya na nakahanger.

Seriously? Hindi ba sya nagsasawa sa mga damit nyang yan? Halos yan lang palagi ang suot nya e.

"Oo nga pala brat, ayusin mo na daw yung maduduming damit mo. Maglalaba daw si mama H bukas."

THE STAR HAS FALLEN (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon