STAR 25

10 1 0
                                    

"Guys, we only have three weeks para ayusin ang OSAM week so sana lahat tayo magparticipate" announce ko sa kapwa ko SC Officers. Linggo ngayon at nasa kalagitnaan kami ng meeting.

"Maasahan mo kami madam!" Segunda agad ni Aris.

"Thanks Aris. Pano guys salamat sa inyo. Let's do our best to make this event successful. Aja!"

After that ay nagsialisan na din sila. Natira kami ni Aris para ipost sa forum yung mga activities na gagawin sa OSAM Week.

1st day-Food Fest
2nd day-Live band
3rd day-OSAM Party

Ayan yung mga napagdesisyunan namin. First and second activities are open to public then the third one is yung parang acquaintance party namin. We have decided na we'll do cosplay sa araw na to.

"Okay na madam." Ani Aris at nagthumbs up.

"Thanks Aris. Pwede ka nang umuwi."

"Pano ka?"

"May pupuntahan pa ko e. Kita kits na lang bukas." Sabi ko.

"Ay ganern. Sige madam. Una na ko. Byiee~" Paalam nito.

Inilock ko naman na ang SC Office bago ako umalis. Tinext ko naman si brat na magkita na lang kami sa park. Ngayon ko kasi sya ililibre.

Habang nag-aabang ng sasakyan ay may tumigil na motor sa harapan ko.

Para namang nagslow motion ang lahat ng tinanggal ng driver ang helmet nya.

~At tumigil ang mundo, ng tanggalin nya ang helmet~

"Hi Minion, hop in" anito saka ako binigyan ng helmet.

"Sayo to??" Gulat kong tanong habang tinuturo yung motor.

Infairness kay brat yayamanin. Big bike!

"Aha." Aniya saka tumango.

"You can drive?"

"Obviously." Nagkibit balikat pa sya.

"Akala ko ba ayaw mo na nito?"

"Oo nga. But hyung insisted. He wants me to have one coz I am cooler than him." Tatawa tawa nyang sabi.

"Yabang mo talaga!" Hahampasin ko sana sya ng hawak kong helmet kaso napigilan nya ko.

Sayang!

"Ang helmet ginawa para protektahan ang ulo Minion hindi para ipanghampas. Pero dahil wala ka namang ulo, wala ng kwenta to." Aniya saka kinuha yun saken.

"Ang sakit mo magsalita ha!" Hinampas ko na lang sya ng bag ko. Tatawa tawa namang nyang sinalo yun.

Bwisit ka!  Porke dalawa yang ulo mo! Grrr. 😂😂.

"Joke lang. Here. Let me put this on your not so adorable head." Sinuot nya yung helmet sa ulo ko. Seryoso nyang inilalagay yun kaya naman napapanganga ko. Huhu.

Ang gwapo talaga ng brat na to.

Sarap isahog sa pinakbet!

"Let's go? Where will you treat me?" Tanong nya habang nakapatong yung isa nyang kamay sa helmet ko and then naglean forward sya para magpantay ang mga mukha namin.

Ay ibaaaaaa.

"S-san mo ba gusto?"

Nubayan Gale.

Usap lang. Walang mauutaaaaal. Eneveee.

"Let's have supper at Golden Plate then." Sumakay na sya sa motor nya saka ito binuhay.

THE STAR HAS FALLEN (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon