STAR 10

22 3 2
                                    

Nasan si Arkin?

Bakit bigla yung nawala?

"Gale"

Nasa cooking room na ba sya?

Sinong naging partner nya?

"Gale"

Tama bang hindi ko sya ginawang partner?

Aish. Minsan talaga Gale ang gaga mo. Introvert nga pala yung brat na yun aish.

Bahagya ko pang sinabunutan ang sarili ko dahil sa realization na yun. Bat ba hindi ko agad naisip yun?

Pero kung sya naman ang gagawin kong partner e di parehas kaming nganga? Huhu.

Asan ka kasing pikachu ka! Lumabas ka na kasi kung anjan ka man sa loob ng pokemon ball.

"GALEEE!"

"Ay pokemon ball! Jusko ka naman Skate, wag ka ngang manggulat. Babangasan kita e!" Banta ko kay Skate matapos kong magulat sa sigaw nya na may pagpalakpak pa.

"Wala ka lang talaga sa sarili mo kaya nagulat ka. Tss. Kanina pa kita tinatawag"

"Bakit?"

"Tayo na lang ang natira dito, lahat sila nasa cooking room na. May balak ka bang umattend?"

"Syempre naman."

"Yun naman pala e. Tara na" aniya saka ako hinigit palabas ng classroom. Hindi naman na ko nagreklamo dahil baka malate na kami.

Pagdating namin dun ay nagsisimula nang magluto yung iba. Muli kong inilibot ang paningin ko para icheck kung nandito naba si Arkin pero wala talaga.

Tsk! Ilalagay ko talaga sya sa Pokemon ball pag nakita ko sya.

"Let's start Gale." Ani Skate na ngayon ay naglalakad na para kumuha ng ingredients namin. Inihanda ko naman na ang gagamitin naming kitchen tools and utensils. Nagsimula naman na kaagad kami pagbalik nya.

"Gale hiwain mo na yung patatas" utos ni Skate na sinunod ko naman. Adobo with patatas yung napagdesisyunan naming lutuin. Este napagdesisyunan ni Skate, sya kasi yung head chef at assisstant lang ako char. Baka nga di pa ko pumasa bilang assisstant e.

"Here" inabot ko sa kanya yung nahiwang patatas na agad naman nyang inilagay sa adobo.

"Oh Halsey, where's your partner?" Napalingon ako kay Sir handsomest dahil sa tanong nyang yun. Nasa harapan nya si Halsey na mag-isang nagluluto dun.

"Nawala po bigla si Arkin e. Sya nalang din po yung walang partner" sagot ni Hals.

"Class, have you seen Mr. Gregory?" Tanong ni Sir Vin.

"No Sir!" Sagot ng mga kaklase ko.

Hayst. Nagiging pasaway na naman ang teen star.

"Sir! I'll go find him" pagpipresenta ko.

"Oh okay Ms. President. Make sure to bring him here"

"Aye sir!" Sagot ko kay sir saka bumaling kay Arkeid. "Kaw na muna bahala Skate ha? Hanapin ko lang si Arkin"

"Ok. Mukhang kanina mo pa nga sya hinahanap e" sagot nya.

"D-di ah! Sige na. Babush muna"

Pagkalabas na pagkalabas ko ng Cooking Room ay agad akong dumaan sa Zeus para kuhain yung phone ko. Agad ko din namang itinex ang brat.

To: Brat
Hoy brat! Asan ka?
Sent.

Wala pang ilang segundo ay nagreply na ito. Agad namang tumaas ang kilay ko pagkabasa ko nun.

THE STAR HAS FALLEN (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon