Chapter 1

476K 7.1K 1.2K
                                    

AT  age of twenty-nine Dominick "Dock" del Fierro  has a lot of responsibilities in life. Salungat sa akala ng marami na namumuhay siya na parang isang hari sa isang palasyo.

Dise otso anyos palang siya isinabak na siya sa trabaho ng kanyang  lolo. Tinuruan kung paanong pamahalaan ang kompanya nito. At nang mamatay ang abuelo ay sa kanya naiwan ang lahat ng responsiblidad sa buong kompanya at pamilya.

Tagapangalaga  ng tatlong kapatid at alcoholic na ina, at pinamamahalaan ang isa sa pinakamalaking cruise line  sa buong Asya. Siya na ang tumayong padre de pamilya simula nang iwan sila ng kanyang ama. Kinse anyos siya nang umalis ang kanilang ama at sumama sa ibang babae. Iyon ang naging dahilan kaya halos gabi-gabing lasing ang kanyang ina at tila kinalimutan ng may mga anak pa ito.

Napakabigat ng responsibilidad niya sa mundo. He was born to carry a tons of burden in life, and he's the last person to say that life is easy.

Kapag gusto niya ng katahimikan at takasan muna  pansamamtala ang realidad. Naglalayag siya sa gitna ng karagatan ng ilang araw kasama si Pegasus, ang kanyang yate. Tulad ngayon, isang linggo na siyang nasa laot. He wanted some alone time.  He wanted to be in peace. He wanted to escape  from the world for a while.

Minsan kapag nakakakita siya mangingisda ay nakakaramdam siya ng inggit. Ang simple ng buhay ng mga ito at minsan pa nga niyang pingarap na manirahan na lang sa isang isla at maging mangingisda na lang. He wished he could but unfortunately  he couldn't. Hindi niya kayang pabayaan ang pamilya niya.

Dahan-dahan siyang bumuntong-hininga at pinagmasdan ang papasikat ng araw sa silangang bahagi ng Dinagat Island habang nakatukod ang dalawang braso sa barandelya ng yate. Maaga siyang nagising kaya naisipan niyang lumabas ng cabina.

The view of  the sun fall and rise behind the mighty mountains are his favorite sceneries when he was a kid. Bata palang siya pinaniwala na siya ng kanyang lola na ang pagsikat ng araw ay bagong  simula ng buhay; na laging may kalakip na magandang mangyayari ang pagsikat ng araw.

Pero habang lumalaki siya ay kabaliktaran ang naging paniniwala niya. Sunrise  is the beginning of struggle in life, and the sunset is the beginning  of nightmare  and misery.

Gabi-gabing nag-aaway ang magulang niya noon. Ngayon naman ay gabi-gabing lasing ang kanyang ina. Sa umaga ay iba't ibang source of stress ang na-i-encounter niya sa trabaho. Sometimes, he couldn't help but envy his friends. Tres and Alford came from great families, and  he and Wilson came from assholes, but at least Wilson has a loving mother.

Tumuwid siya ng tayo at dinala sa bibig ang lata ng soya milk at ininom ang natitirang laman. Tuluyan ng kumalat ang liwanag sa buong karagatan. Itinapon niya ang lata sa dagat saka tumalikod para bumalik sa loob ng cabina.

Natigil si Dock sa paghakbang nang biglang may tumama sa likod ng ulo niya na ikinangiwi niya. Niyuko niya ang bagay na tumama sa ulo niya. Lata iyon ng soya milk na itinapon niya. Gumulong iyon habang lumalabas ang tubig mula sa lata. Sadyang pinuno ng tubig bago ibinato pabalik.

"Sino ang nagtapon nito?" Bumalik  siya sa  gilid ng yate at ang nakakunot na noo ay lalong nalukot nang makita ang isang babaeng palutang-lutang sa tubig habang nakatingala sa kanyang yate.

Ano ang ginagawa ng isang babae sa gitna ng dagat? Hindi naman siguro ito sirena. Agad na hinagilap ng mata ang bangka na maaaring pinanggalingan nito pero wala.

"Dayo ka 'no?" Hiyaw nito kaya muli niyang ibinalik ang tingin sa babae.

"Kailangan ko pa bang maglagay ng karatola rito na 'basura mo, ibulsa mo'? Kayong mayayaman wala talagang pagpapahalaga sa likas yaman."

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon