"BRIELLE!" Munting ngiti ang sumilay sa labi niya habang nakapikit ang mata at hinahayaan ang malamig na hanging dagat na tangayin ang kulot niyang buhok nang muling may sumingit na alaala sa kanyang balintataw; ang alaala ng nakaraan na madalas niyang mapanaginipan. Isang masayang pamilya sa dalampasigan habang tinatawag siya ng isang boses ng batang lalaki.
Sa pagmulat niya ng kanyang mata, papalubog na araw at kumikinang na tubig ng dagat ang unang nabungaran niya. Sa wakas! May mukha na ang mga tao sa malabong alaala na matagal nang gumugulo sa kanya noon pa man. Maliban doon ay wala pa rin siyang matandaan.
Brielle! Kaya pala pamilyar sa kanya ang pangalan na 'yon nang minsang bangitin iyon ng kanyang tunay na ina nang unang pagkikita nila. Iyon pala ang tunay niyang pangalan at sa paminsan-minsang sumisingit na alaala pala niya narinig ang pangalan na iyon. Azalea Brielle Cervantes-Cabral ang kanyang tunay na pangalan at hindi Geallan Mokudef.
Inilibot niya ang tingin sa paligid. Sa lugar na ito raw siya nawala noon. Dalawang araw matapos idaos na pagtitipon ay itinuloy nila ang planong outing sa isang beach resort na pag-aari ng kaibigan ng kanyang mga magulang kasama si Lyca at Alford at anak ng mga itong si Fenix.
Inilubog niya ang walang saping paa sa pinong buhangin at sinungkal iyon. Pinanabikan din niya ang ganitong lugar. Tahimik. Tanging ihip ng hangin at malumanay ng hampas ng alon sa dalampasigan ang maririnig. Na-miss na rin niya ang pumalaot at manghuli ng isda. Magagawa pa kaya niya ang mga bagay na iyon?
"Tita Brielle!" Malawak siyang ngumiti nang marinig ang boses ni Fenix. Ang batang makulit. Ang anak ni Alford at Lyca. Ang kanyang cute at makulit na pamangkin. May ngiti sa labing nilingon niya ang bata.
Kumaway siya sa gwapong bata. Pero ang malapad na ngiti ay unti-unting napawi, at bigla ang pagwawala ng puso nang makita ang kasunod nito. Si Dock. Nakapamulsa sa suot na khakie na short habang ang puting polo ay nakabukas ang lahat ng butones. Nakahantad ang matipunong katawan nito. Lakas ng dating ng isang ito talaga. Yayamanin ang pormahan. At kahit sinong babae yata ay maglalaway sa lalaking ito.
Nakangiti siyang kumaway nang makabawi sa saglit na pagkabigla dahil sa hindi inaasahang biglang pagdating ni Dock. Ang akala niya ay hindi ito sasama. Alam niyang masyado itong busy. Hinugot ni Dock ang isang kamay mula sa short at nakangiting kumaway sa kanya.
May malapad na ngiti sa labing sinalubong niya si Dock nang maglakad ito patungo sa kinatatayuan niya. Dinamba niya ito ng yakap. Malakas na tumawa si Dock at binuhat pa siya mula sa buhangin.
"It seems like you've missed me so much, huh?"
"Sobra!" Inilayo niya ang sarili sa binata nang ibaba siya nito. Dock lovingly cupped her chin and tilted her face as one arm wrapped around her waist.
"I missed you, too."
"Bakit ka nandito? Hindi ka ba busy ngayon?" Sumeryoso ang mukha ni Dock. Mataman siya nitong tinitigan sa mukha na para bang may gustong sabihin; na parang ang lalim ng iniisip . Muli ay sorba ang pagwawala sa ng puso niya. Not that because she's excited. Takot. Iyon ang bigla niyang naramdam dahil sa titig na iyon ni Dock. Pakiramdam niya ay may sasabihin itong hindi niya magugustuhan.
"D-dock?" untag niya. Ngumiti si Dock. Bumaba ang mukha nito at kinintalan siya ng halik sa labi. Ipinikit ni Geallan ang mata at bahagyang ibinuka ang labi nang muli siya nitong halikan sa labi. Pinawi ang lahat alalahanin ng halik ni Dock.
"Bastos!" Fenix chirped, causing for their lips to part away. Nang yukuin nila ang batang nasa tabi na pala nila ay sabay silang nagkatawanan dahil sa cute na itsura nito. Nakatingala sa kanila habang ang isang kamay ay nakatakip sa mata pero may siwang naman. Ginulo ni Dock ang buhok ng Fenix.
BINABASA MO ANG
Fatal Attraction 2: Get Wild
General FictionThe relationship that he wanted and invested has a termination date, a one-month rule that he have always honored. That's Dominick "Dock" del Fierro's only rule in a relationship. A woman can be clingy and dominating, sure he'll let his woman for t...