"UMALIS ka na, Dock! Wala kang ginawa kundi ang saktan ang anak ko. Kung hindi gusto ng nanay mo si Brielle, hindi niya ipagsisiksikan ang sarili niya sainyo." Taboy ni Seg kay Dock. Galit na galit ito at ayaw siyang payagang makausap si Geallan. Pagkagaling niya sa bahay ng kanyang mama ay sa mansiyon ng mga Cabral siya dumeretso. At tama nga ang hinala niya. Kung ano-ano ang pinagsasabi ng kanyang mama at Princess kay Geallan.
"Tito, please. It was just misunderstanding. Please, let me talk to Geallan."
"No! She doesn't want to talk to you. At kahit ako hindi ko gustong lalapit ka pa sa anak ko."
"Tito, please!"
"Umalis ka na!" Tumingin siya sa mansiyon. Hindi maaaring hindi niya makausap si Geallan.
"Gealllan!" Malakas niyang sigaw.
"Geallan, please mag-usap tayo! Hayaan mo akong magpaliwanag."
"Umalis ka na, Dock, kundi ipapakaladkad kita sa mga gwardiya!" Banta ni Seg pero hindi niya ito pinansin. Kung magpapasindak siya sa galit nito mas mawawalan siya ng tsansang makausap si Geallan. Mas lalong nagalit si Seg sa hindi niya pagtinag. Itinulak siya nito at pilit na pinalabas ng gate pero nagmatigas siya.
"Daddy!" Napatigil ang dalawa at bumaling kay Geallan na nakatayo hindi kalayuan sa kinatatayuan nila. Wala itong emosyon habang nakatingin sa kanila.
"Kakausapin ko po siya," ani Geallan sa ama.
"Are you sure, Brielle?" Tumango ito. Kahit na mukhang ayaw ni Seg ay napilitan itong iwan si Geallan at Dock.
"Geallan, baby!" Inilang hakbang niya ang kinatatayuan ni Geallan at buong higpit niyang niyakap ang kasintahan pero hindi ito gumanti.
"I'm sorry. Kung ano man ang sinabi ni Mama at Princess, please, huwag kang magpaapekto. Hayaan mo akong magpaliwanag." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at pilit na bumitaw mula sa pagkakayakap niya.
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin at umalis ka na pagkatapos." Lalo siyang nafu-frustrate sa kawalang emosyon ni Geallan. Mukhang galit talaga ito.
"Geallan, about Princess. Oo nakasama ko siya sa Sweden." Ang pagtitig ni Geallan sa kanya ay naputol nang ikurap nito ang mata at mag-iwas ng tingin. She was hurt. And that made him wanted to hurt himself.
Tumango-tango ito kapagkuwan.
"Naiintindihan ko na. Maaari ka nang umalis.""Geallan, please. It's not what you think. Sumunod siya sa Sweden. Wala akong nagawa nang pinatira siya ni mama sa bahay. Malaki ang naging tulong niya kay mama kaya--"
"Tama na, Dock. Malinaw na sa 'kin ang lahat. At ayos lang 'yon. Naiintindihan ko. Sige na, umalis ka na." Hinugot ni Geallan ang singsing mula sa daliri. Kinuha nito ang kanyang kamay at inilagay iyon sa palad niya.
"Ano 'to?"
"Hindi ko na kayang magpakasal sa 'yo sa maraming dahilan. Una ayaw ako ng mama mo para sa 'yo. Pangalawa hindi mo naman talaga ako kailangan sa buhay mo."
"I need you."
"Ngayon. Pero paano kapag na-depress na naman ang mama mo? Nagkaproblema ka na naman. Bibitawan mo ulit ako at pipiliin si Princess dahil alam mong siya ang mas makakatulong sa 'yo at hindi ako."
"Geallan, no!" Sinubukan niyang lapitan si Geallan pero umatras ito at itinaas ang dalawang kamay. Itiniim nito ang mukha at maka-ilang ulit na kumurap. Kapansin-pansin rin ang pagbaba-taas ng dibdib nito. Tila may pinipigil na emosyon.
"H-hindi mo ako mahal, Dock. Kasi kung mahal mo talaga ako hindi mo ako bibitawanan kahit anong problema pa ang kinakaharap mo." Tila ito nabibikigan habang nagsasalita.
BINABASA MO ANG
Fatal Attraction 2: Get Wild
General FictionThe relationship that he wanted and invested has a termination date, a one-month rule that he have always honored. That's Dominick "Dock" del Fierro's only rule in a relationship. A woman can be clingy and dominating, sure he'll let his woman for t...