PAGKATAPOS mamili ng sapatos sa shop ni Leila, ang pinsan ni Tres sa mother side ay nagtungo sila sa isang fast food chain-- sa Mcdo. Iyon ang request ni Geallan nang tanungin ito ni Dock kung saan gustong kumain. Para itong batang tuwang-tuwa. Ngayon lang daw ito makakakain sa Mcdo. Wala raw Mcdo sa lugar nila pero may Jollibee naman sa kabisera pero dalawang oras ang byahe kaya hindi rin ito nagkaroon ng tsansang makapunta roon. Kasama nila si Tres.
Dock took Geallan's hand in his hand and kissed it. She looks genuinely happy at masaya siyang makitang nag-e-enjoy ito.
"Nag-e-enjoy ka ba?" Geallan nodded with a sweet smile on her face. Hahalikan niya sana ito sa labi nang bumalik naman si Tres na nagpunta ng counter para bumili raw ng latest toy collection ng Mcdo para kay Geallan since nabanggit nga ni Geallan na never itong nagkaroon man lang ng laruan galing sa sikat na mga fast food chain.
"Look, Geallan!" Inilapag ni Tres ang mga Mcdo toys sa harap ni Geallan.
"Wow!" Namamangha nitong usal habang nakatingin sa laruang inilabas ni Tres sa supot.
"Ang cute!" she said as she picked one of the toys up from the table. As she looked at the toy, a smile slowly faded from her face, and the sudden spike of sadness spread across of her face. Tumingin ito kay Tres at ngumiti-- a weak one.
"Ibibigay mo talaga 'to sa 'kin?" Dinala ni Geallan ang laruan sa dibdib nito.
"Oo, para sa 'yo 'yan."
"Salamat! Iingatan ko 'to pangako! Maiingatan ko na 'to ngayon, wala na nitong magtatapon o sisira."
"Alam mo, Geallan, ang sarap sarap mong pasayahin. You appreciate even little things," Tres said.
"Lahat ng biyaya ng diyos dapat naman talagang naa-appreciate natin. Saka hindi maliit na bagay 'to, ah! Buong buhay ko ngayon lang ako nagkaroon ng laruang ganito, ah. Kaya huwag mo itong nila-lang." Inabot ni Geallan ang pisngi ni Tres at pinisil iyon.
"Ikaw talaga!" Nagtawanan ang dalawa at sabay na kumuha ng french fries at sabay rin na isinubo iyon kaya muling nagtawanan ang mga ito.
Noon unti-unting nalukot ang mukha ni Dock! What the heck is happening? The last time he had remembered Tres had already forgotten how to laugh even to smile since Mhelanie, his wife, left for California. Ngayon kung tumawa iba. He genuinely happy at dahil iyon kay... Geallan?
"Alam mo hindi ako makapaniwalang kayo ang may-ari ng mall na 'to! Grabe! Nunka kong naisip na magkakaroon ako ng kaibigan na may-ari ng mall. Friends na tayo 'di ba?"
"Of course! It's my pleasure to be your friend, Geallan," Tres said through laugh.
May suspetsang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Is Falcon attracted to Geallan? Possible! May similarities si Geallan at Mhelanie. Ang pagiging sweet at very innocent ng dalawa ay magkatulad na magkatulad.
"Kapag mayaman ba mga guwapo talaga?" Geallan asked as she looked at Falcon intently. Parang sinusuri ang bawat detalye ng mukha nito.
"Sobrang gwapo mo. Parang mas guwapo ka pa kay Dock." What the fuck! Did she tell that in front of her boyfriend's face. In front of my face!
"You are so honest, Geallan," Tres chuckled.
"Pero gwapo rin si Dock. Magkaiba ang kaguwapuhan niyo."
Pero mas gwapo siya para sa 'yo! Gusto niyang isigaw. He started to feel annoyed.
"Ahm, babe, Geallan--"
"Try this, Geallan. Masarap kapag sinasawsaw ang French fries sa sundae." Mariing ipinikit ni Dock ang mata sa pagkuha na naman ni Tres ng atensiyon ni Geallan.
BINABASA MO ANG
Fatal Attraction 2: Get Wild
General FictionThe relationship that he wanted and invested has a termination date, a one-month rule that he have always honored. That's Dominick "Dock" del Fierro's only rule in a relationship. A woman can be clingy and dominating, sure he'll let his woman for t...