Chapter 21

234K 6.3K 451
                                    

GEALLAN still couldn't believe that she came from one of the country's  riches families. Sa isang iglap ay biglang nagbago ang estados niya sa buhay. Mula sa isang pagiging mangingisda sa isang maliit na isla ngayon ay isa na siya sa anak ng isang napakayamang negosyante. Hindi lang mayaman kundi ubod ng yaman. Nagtatanong pa rin siya kung totoo ba ito? Kung totoo bang nangyayari ito sa kanya o nananaginip lang.

Ipinaliwanag sa kanya ni Tanya ang lahat, ang kanyang tunay na ina. Ipinakita rin sa kanya ang DNA result at positibo nga ang resulta. Humingi ito ng paumanhin sa pagkuha nito ng sample mula sa kanya na wala niyang pahintulot.

Ayon sa kanyang tunay na ina, apat na taon siya nang mawala siya nang magpunta sila sa isang beach resort at sa mismong kaarawan pa ni Tanya nangyari iyon. Kaya pala ang emosyonal nito nang magsalita noong birthday party nito dahil naaalala nito ang pagkawala niya. Naisip daw ng mga ito na posibleng nalunod siya dahil nga dinala siya ni Falcon, ang kanyang kuya, sa dalampasigan. Pero ayon daw sa isang nakakita ay may kumuha sa kanyang isang babae na hindi naman namukhaan.

Ngayon malinaw na sa kanya kung bakit ganoon siya tratuhin ng kanyang nakagisnang ina. Buong akala niya ay galit lang ito sa kanya dahil sa pagkamatay ng tatay niya na siya ang may dahilan. Madalas sabihin sa kanya ni Alice na putok siya sa buho. Naisip niya noon na anak siya ng Tatay niya sa ibang babae pero inalis niya iyon sa kanyang isipan. Ayaw niyang tanggapin iyon, isiniksik niya sa kanyang utak na anak siya ng kanyang nanay.

"Bakit po sa 'kin niyo ibinunton ang galit niyo sa mga magulang ko?" Tanong niya sa ina na kaharap na nakaupo. Binisita niya ito sa kulungan. Sa isang interrogation  room sila nito nag-usap. 

"'Nay, kahit ganoon ang pagtrato mo sa 'kin minahal kita. Wala akong inasam kundi ang mahalin mo rin ako. Na tratuhin katulad nang pagtrato mo kay Alice." Nag-iwas ito ng tingin.

"Kung dadramahan mo lang ako, Geallan, mas mabuti pang umalis ka na. Kahit na ipabitay niyo pa ako ngayon nangyari na ang nangyari at hindi ko na maibabalik iyon,' matabang nitong ani.

"Hindi ka man lang po ba nagsisisi sa ginawa mo?" Nakatiim ang mukha nitong tumitig sa kanya.

"Ano ang gusto mong gawin ko? Magmakaawa sa 'yo? Magmakaawa sa mga magulang mo? Pinatay mo si Danny! Ang tanging taong nagpahalaga sa 'kin! Ang tanging taong nagmahal sa 'kin!"

"'Nay, hindi ko sinasadya 'yon! Hindi ko 'yon ginusto! Kung tutuusin si Alice ang may kasalanan ng lahat ng iyon. Kung hindi niya sana ako itinulak hindi naman mangyayari ang trahedya, eh."

"Huwag na huwag mong masisi-sisi ang anak ko!" Naikuyom ni Geallan ang kamay na nasa ibabaw ng mesa. Naaawa siya sa kalagayan nito. Kahit papaano masakit para sa kanya na makita si Alma sa ganitong kalagayan. Totoong minahal niya ito kahit na ganoon ang naging pagtrato nito sa kanya. Hinihintay lang naman niyang hilingin nito ang sariling kalayaan at ibibigay niya iyon pero napakatigas nito. 

Napailing na lang si Geallan at tumayo na lang. Walang patutungahan ang pag-uusap nila. Napakataas ng pride ng kanyang nanay.  Sa halip na humingi ng tawad ito pa ang nagmamataas. .

"'Nay!" Isang pamilyar na boses ang kanyang narinig at sa paglingon niya ay nakita niya si Alice kasama si Javan na pumasok ng silid. Patakbong lumapit si Alice sa ina. Mahigpit na nagyakap ang dalawa.

"Ilalabas kita rito, 'nay. Sasama ka 'kin pabalik ng isla." Nang magkalas mula sa  pagkakayakap ang dalawa ay galit na bumaling si Alice kay Geallan.

"Wala kang utang na loob na babae ka!" Pasugod na lumapit sa kanya si Alice habang ang isang kamay ay nakahanda na sa pagsampal sa kanya pero bago pa man ito makalapit ay napigilan na ito ni Javan.

"Alice! Pwede ba huminahon ka!" Marahas na binawi ni Alice ang brasong hawak ni Javan.

"Pagkatapos mong patayin si Tatay ngayon naman si Nanay!" sumbat ng babae kay Geallan.

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon