Chapter 24

230K 5.5K 454
                                    

"ANO ba ang ginawa mo at napaamo mo si Lyca?" Tanong ni Wilson kay Alford. Kasalukuyan sila sa isang floating cottage, nagkukwentuhan habang nag-iinuman. Bihira na rin mangyaring magkasama-sama silang magkakaibigan. Huling pagsama-sama nila noong birthday pa ni Lyca na ginanap sa Sta. Barbara. Iyon din ang araw kung saan nag-propose si Alford kay Lyca. Isa iyon sa importanteng araw ni Alford kaya nagpunta siya kahit ayaw niya sanang iwan si Geallan dahil masama ang pakiramdam ng huli. Sumaglit siya roon para lang maging parte siya sa memorable moment ng kaibigan. 

"What exactly did you do to calm that witch? Hindi ka na inaaway, ah. Inaasikaso ka pa nang todo. What a miracle!"

"It’s normal for a couple to have an argument once in a while, pero isang bagay ang dapat niyong tandaan para kalmahin kung may maladragon kayong asawa." May ngisi sa labing ani ni Alford.

"And what it is?" Dock asked.

"Kapag galit siya, take the blame and be willing to say and do anything to please her kahit pa wala kang kasalanan. Be obedient because an obedient husband will be greatly blessed."

"Aaa! Under!" Sabay-sabay ng tatlong magkakaibigan.

"It's different!" Depensa ni Alford.

"We will keep that in our mind that the other term of under de saya is... obedient!" Wilson said but in the last word, Dock and Falcon joined. Sabay-sabay pa itong nagkatawanan.

"I just want peace." Alford snorted and he quaffed the content of his glass in one gulp.

"Let's change the subject," Alford demanded after putting down the glass that he emptied on the bamboo table.

"Since kapatid ni Tres si Brielle. Wala na bang rules, Dock, sa relasyon niyo? Kasalanan na ba 'to?" Isang mahinang tawa lang ang isinagot ni Dock sa tanong na iyon ni Alford.

"I have the right to remain silent and refuse to answer that question," he said through laugh.

He comfortably leaned back in the bamboo seat. He brought the glass in his mouth and took a drink, letting the whiskey rest in his mouth under the tongue, allowing the burn to settle to help his mouth tasted the real flavor of the drink. Humagod ang swabeng init sa kanyang lalamunan nang lunukin niya ang likido.

"Tres, just give us a signal if we need to put the gun to his head and drag him in the altar." Malakas na tumawa si Dock sa sinabi ni Alford. Nang magawi ang tingin niya kay Falcon ay tinaasan niya ito ng kilay dahil sa kakaibang titig nito sa kanya.

"Damn, man! Don't tell you are going to take his suggestion." Nagkibit lang si Falcon at tinungga ang laman ng baso.

Halos mag-iisang oras na silang nag-iinuman. Hindi na siya makapaghintay pa kaya tinakasan niya ang mga kaibigan para mapuntahan si Geallan sa silid nito. Nakita niya si Lyca na lumabas ng silid ni Geallan. Kumaway pa si Geallan kay Lyca habang papalayo ito. Isasara na sana ng dalaga ang pinto nang iharang niya ang kamay. He peered through the cracked in the door.

"Hey, baby!" Namilog ang mata ni Geallan nang makita siya.

"Dock!" Geallan made a happy scream. Malakas siyang humalahak nang sunggaban siya nito. Sinipa niya ng isang paa ang pinto at ini-lock iyon.

"Tumakas lang ako para makasama ka," aniya habang naglalakad na magkadikit ang katawan patungo sa kama.

"Hmm, wait! Are you drunk?" He asked as he noticed the dazed look in her eyes.

"Uminom ka?" Inilapit niya ang ilong sa bibig nito and he could smell booze on her. Hindi niya agad iyon naamoy dahil nakainom rin siya. The weird thing is that when you are drinking alcohol, you can't smell it on other drinkers.

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon