Ito yung additional chapter na inilagay sa book. Since matagal na naman siyang publsihed ilagay ko na rito.
Wala pa akong update sa Colors of Passion. May bagong story lang akong sinusulat ngayon. Need lang talagang tapusin pero malapit-lapit na itong matapos. Babalikan ko sila. Baka mga May na. For now ito muna... Will post the epilogue.
---
MALAKAS na halakhak ang nagpalingon kay Dock. Pinukol niya ng matalim na titig ang kapatid na si Nyke na tawa nang tawa habang nakahawak sa tiyan.
"What the fuck, bro! Ano ang ginagawa mo?"
"Shut up!" he hissed at his brother, wiping his arm across his forehead.
"Fuck!" mura niya nang mapuno ng bula ng sabon ang kanyang noo na lalong ikinatawa ni Nyke.
"Why are you dealing with the laundry? Wala ba kayong househelp na pwedeng gumawa niyan? Gan'on ka na kakuripot para hindi kumuha ng katulong, bro?" pangbubuska ni Nyke kay Dock. Ibinalik niya ang atensiyon sa ginawa at ipinagpatuloy ang pagkusot.
"Ayaw ni Geallan na pinapalabhan ang underwear namin sa katulong. Dapat daw kami mismo ang naglalaba nito. Siya ang gumagawa nito, pero buntis ang asawa ko 'di ba kaya ayaw kong napapagod. Fuck you, Nyke! Stop laughing!" asik niya sa kapatid na ayaw tumigil sa kakatawa.
Ayaw ni Geallan na pinapalabhan ang underwear nila sa kasambahay. Dapat daw na hindi na iyon inaasa sa iba. E, since buntis ang asawa niya sa kanilang magiging panganay at ayaw niya itong mapagod kaya siya na ang gumagawa nito tuwing weekend. Matagal din ang kanilang hinintay bago nakabuo. Matapos nilang magkabalikan, isang taon ang nagdaan bago sila nagpakasal at isang taon pa ang lumipas bago sila nakabuo. Kaya lahat nang pag-iingat ay ginawa niya para masiguro ang kaligtasan ng kanyang mag-ina.
These are just small pieces of clothes at sisiw lang naman sa kanya. Halos walong buwan na rin niya itong ginawa.
"Damn! The great Dominick del Fierro, a chairman of Jewel Cruise Line Holding, hinahangaan, tinitingala pero laundry boy pagdating sa bahay."
"Will you please shut up! Ano ba ang ginagawa mo rito?" Tumigil sa pagtawa si Nyke, ang masayang tawa ay nahalinhinan ng alanganging ngiti. Hmm, mukhang may nase-sense siyang request mula sa kapatid and it's payback time. Pumihit si Dock paharap kay Nyke habang nakaupo sa bangketo. Itinukod niya ang dalawang braso sa tuhod.
"Do you need anything, bro?" Nakataas ang sulok ng kanyang labi.
"Ahm..." Humaplos ang kamay nito sa likod ng ulo.
"Approve mo naman 'yong request kong leave. Two weeks lang naman." Mas lalong tumaas ang sulok ng labi ni Dock.
Nagtatrabaho na ang ugok na 'to ngayon sa kompanya nila bilang kanyang excutive assistant, ayon nga lang puro palpak ang trabaho kaya kinailangan niya ng dalawang excutive assistant, ang isa ay kapakipakinabang at ang isang walang pakinabang at ang kapatid niyang si Nyke 'yon. Kapag si Nyke ang ipinapadala niya sa mga meeting ay nagsisi-ayawan ang mga board member dahil wala naman daw itong naiaambag sa pinag-uusapan.
"Okay."
Biglang umaliwalas ang mukha ng kapatid.
"Talaga? Payag ka?" Hindi niya ito basta-bastang pinapayagan mag-leave, lalo ngayon na nakakailang leave na ito dahil sa patuloy pa rin nitong pagmo-model.
Tumayo si Dock. "Saan pa at naging magkapatid tayo." Matamis na ngumiti si Dock sa kapatid na unti-unti namang ikinawala ng ngiti ng huli.
"Bro, naman. Sana na naman huwag mo naman akong pahirapan. Every employee deserves a vacation. Dapat nga may vacation allowance pa, eh."
BINABASA MO ANG
Fatal Attraction 2: Get Wild
General FictionThe relationship that he wanted and invested has a termination date, a one-month rule that he have always honored. That's Dominick "Dock" del Fierro's only rule in a relationship. A woman can be clingy and dominating, sure he'll let his woman for t...