Chapter 15

262K 5.9K 348
                                    

Isang Linggo nang nagte-training si Geallan sa Grandeur hotel. Hanggang ngayon ay inaasikaso pa rin ni Dock ang requirements niya. May inutusan itong magpunta sa bayan kung saan siya ipinanganak para asikasuhin ang birth certificate niya. Hindi pa niya nararating ang naturang bayan kung saan siya ipinanganak. Wala siyang kahit isang alala mula roon.

7 PM ang pasok niya ngayon. Night shift siya. Laging umaga ang pasok niya at hinahatid siya lagi ni Dock maliban ngayong araw dahil nasa opisina ito. Pero may sumundo sa kanya. Secretary daw ni Dock. Isang lalaki at pinagmaneho siya nito.

Nginitian ni Geallan ang isang babaeng nakasalubong niya sa pasilyo ng hotel habang tulak-tulak niya ang maid's cart. Napakaganda nito. Katulad niya ay kulot din ito. Mataman itong nakatitig sa kanya. Siguro ay namamangha dahil sa pagkakatulad ng kanilang buhok. Hindi pa niya naitatali ang buhok niya. Medyo basa pa kasi. Ito ang panget sa buhok niya, napakatagal matuyo dahil sa may kakapalan ito.  

"Good evening, ma'am," masiglang bati niya sa babae na bahagya lang ngumiti habang titig na titig sa mukha niya.

Nang malagpasan na niya ito ay siyang pagtawag naman nito  sa kanya kaya natigil siya sa paghakbang.

"Ahm, miss." May ngiti sa labi niya itong nilingon.

"Yes, ma'am. May kailangan po kayo?"

Ngumiti ito. "You are so beautiful." Malapad na ngumiti si Geallan, marahan niyang sinapo ang magkabilang pisnging nagkulay kamatis. Kinikilig siya sa papuring natanggap. Marahang natawa ang babae sa naging reaksiyon ni Geallan.

"Salamat po! Kayo rin po sobrang ganda. Magkatulad tayo ng buhok."

"Kaya nga." Hinaplos nito ang sariling kulot na buhok. Pero magkaiba ang balat nila. Maganda at maputi ang balat ng babae at may magandang mukha. Parang manika.

"Tita Sarah." Dumating si Tres at humalik sa pisngi ng babae. Kilala pala ito ni Tres.

"Ano po ang ginagawa mo rito?"

"Nagyaya lang mag-check in ang Tito Zeus mo. Nasa baba siya."

"Oh, I see." Malawak ang ngiti ni Tres nang tumingin kay Geallan.

"How's your day, Geallan?" Araw-araw na lang itong nagtatanong kung kumusta siya. Parang laging concern sa kanya. Tinatanong nito lagi kung nag-eenjoy ba siya sa trabaho.

"Ayos lang ako, Sir." Inabot ni Falcon ang pisngi niya at kinurot.

"Sabi kong huwag mo akong tawaging sir. Tres na lang." Nakakailang naman kasi. Maaari kung silang dalawa lang ang magkaharap. May mga nagsusungit na nga sa kanya dahil sa special treatment sa kanya ni Falcon.

Isipin mo na tuwing break time kung hindi siya nito papakainin sa isa sa mga mamahaling resto sa hotel ay padadalhan siya ng masasarap na pagkain. Pinaghihinalaan tuloy na may relasyon sila. 

"Look at her, Tres. She looks like Ate Tanya. Nakakatuwa lang. Kamukhang-kamukha siya ng mommy mo pero ang buhok niya katulad ng sa akin." Napatitig naman si Tres sa mukha ni Geallan. Nanunuri ang mga titig nito.  Nang tila nasiyahan ito sa nakita ay gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ng lalaki.

"Oo nga 'no. Bakit ngayon ko lang 'to napansin?"

"Naalala ko tuloy si kulit sa kanya." Kapansin-pansin ang paglungkot ng mukha ng babae. Nangislap din ang mga mata nito, kung dahil sa repleksyon ng ilaw o dahil sa luha ay hindi niya mawari.

"Alam mong bang Cervantes din siya, Tita. Hindi kaya malayong kamag-anak natin sila."

"Naku! Imposible 'yon. Binibiro lang naman kita nang sabihin kong baka magkamag-anak tayo. Sabi ni nanay wala na kaming kamag-anak. Nagka-landslide raw sa barangay namin noon at kami lang ang sinuwerte sa angkan namin kaya lumipat kami sa isla. At isa pa ang yaman-yaman niyo. Kaya imposible."

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon