Never Have I Ever

1.7K 41 6
                                    

"Never have I ever.. kissed somebody." umpisa ko.


Tinitigan ko ang mukha nilang lahat. Seryoso silang nakatitig sa'kin habang hawak ang glass nila sa kamay. Nasa dalampasigan kami ngayon, may outing kasi ang barkada. 


Walo kaming nakapamilog sa buhangin, originally siyam talaga kami. Ang isa kasi sa'min ay tagasalin lang ng alak at tagakain ng pulutan, si Sandara. Hindi kasi ito nainom ng alak, at bukod pa doon ay hindi na siya papasamahin sa outing kapag nakarating ito sa magulang niya.


"This is crazy." pabulong na sabi ni CL bago ininom yung alak na nasa glass niya.


Nanlaki ang mata ko ng makita kong ininom nilang lahat ang alak na nasa glass nila. 


Seriously? Ako nalang pala ang nilalang dito na hindi pa nakakahalik? 


Mula sa sampung daliri nila sa kamay na nakataas, nakababa na ang pinky finger nila. 'Yon kasi ang mechanics ng game, na kada inom mo ng alak ay ibababa ang isa mong daliri. Ang pinakamadaming daliring natira ay ang matatalo, habang ang unang player na makakaubos ng kanyang daliri ang mananalo.


"Never have I ever.." umpisa ni Minzy na nasa tabi ko, "broken a promise.." pagtatapos niya sa statement niya.


Nakita kong ininom ng mga lalaki ang alak. 


Habang kaming mga babae ay nagkatitigan lang. Walong daliri nalang ang nakataas sa mga lalaki.


Ang nakakapagtaka, tahimik lang kami habang naglalaro. Mistula'y seryoso ang lahat at focused masyado sa mini-game na'min.


"Never have I ever.. had my heart broken." nilalaro pa ni CL ang yelo sa glass niya.


"Aww.." react ng mga girls.


Ininom nilang lahat ang alak, bukod sa'ming dalawa ni Seung Hyun. Nagkatitigan kaming dalawa.


Pitong daliri nalang ang nakataas sa mga kalalakihan, habang walo naman sa mga kababaihan. Bukod sa'min ni Seung Hyun. Siyam pa ang kay Seung Hyun, at kumpleto pa ang akin. Pa'no kung ako ang maging talunan sa larong 'to? Hindi yun pwede.


Agad na ni-refill ni Dara ang mga glass nila.


"Never have I ever.." nag-isip pang sandali si Seung Ri, "been friendzoned.." pagtatapos niya.


Tanging si Daesung at Taeyang lang ang uminom..


Bale ang natitirang daliri nalang nila ay anim. Habang kami ay ganoon parin.. wala paring nababawas sa daliri ko. 


"Never have I ever had straight A's" tuloy tuloy na sabi ni G-Dragon.


Napatitig silang lahat sa'kin.. ako lang ang uminom ng alak. Gumaan ang loob ko dahil sa wakas ay nabawasan na ang daliri kong nakataas.


One Shot [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon