Biglang inakbayan ako ni Stevan kaya medyo nagulat ako. Si Jade naman pasimple na inakbayan si Maureen.
"Ay kabayo!" Inalis ni Jade ang pagkakaakbay niya kay Maureen. Tumingin sa akin si Maureen.
"Ah, oo nga pala di ko nasabi sayo si Stevan boyfriend ko" sabi ko at nag hi lang si Maureen.
"Kainggit kayo!" Sabi ni Maureen at hinampas ako sa braso pero slight lang.
"Ehem" nag ubu-ubuhan si Jade kaya napatingin kami sa kanya.
"I'm Jade Harry Montes and you are?" Inilahad ni Jade ang kamay niya kay Maureen
"I'm Maureen Buenavista," sagot niya at naki pag-shake hands siya kay Jade.
Tinulak ko siya para mas mapalapit pa kay Jade. Si Jade naman ay hinawakan si Maureen sa braso. Gosh! New love team! Kilig to the max!
"Hah, eh s-sorry" nagkatitigan silang dalawa.
"Sus! Pakipot ka pa!" Tumawa kami ni Yesha."Yesha naman eh!" Umatras si Maureen at umakyat sa kwarto ko.
"Ang bilis mo naman ma love at first sight bro," sabi ni Stevan kaya tumawa kami.
Umakyat ako papuntang kwarto ko. Nasa pinto palang ako rinig ko na ang sigaw niya. Ay grabe tong babaeng to!
Binuksan ko na ang pinto. At nakita ko siyang paguling gulong sa kama ko.
"Ayos ka lang?" Tanong ko at ngumiti siya. Abot langit ang ngiti niya.
"Ate, eto na yun!" Hiyaw ni Maureen.
"Bago yang kilig nayan, kumain ka na ba?" Tanong ko at umiling siya.
"Sunod kanalang ha, hinihintay ka ni Jade" sabi ko at ngumiti siya.
Bumaba na ako at nakita kong wala na si Jade. Saan kaya yun nagpunta, sayang naman hindi na makikita ni Maureen.
"Oh nasaan si Jade?" Tanong ko sa kanila.
"Kailangan siya sa company nila" tumango naman ako. Si Zack ay kumakain na at mulhang sarap na sarap siya sa luto ng kanyang mommy.
Narinig ko na ang mga yapak galing sa hagdan kaya alam kong si Maureen na iyon. Nang makababa na siya ay iginala niya ang kanyang paningin.
"A-asan si Jade?" Tanong niya sa amin na ikinatawa ko naman.
"Haluy! Hinahanap niya!" Ani ni Yesha at pinali niya si Maureen sa braso bago umakyat sa itaas.
"I-ikaw hindi ka pa ba aalis?" Tanong ko kay Stevan na ngayon ay dini-drible ang basketball habang naka upo sa sofa.
"Pinapaalis mo na ako?" Tanong niya at nag pout pa.
"Tss" inirapan ko siya kumain nalang. Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ni...
"Hello?" Narinig ko ang boses ni Stevan. Sa kanya nga.
Tumingin ako sa kanya ngunit nakatingin siya sa tv at nakakunot ang noo. Kung naka loud speaker lang eh.
Agad niyang binaba ang kanyang cellphone. Tumayob siya at naglakad papalapit sa akin.
"I need to go," sambit niya at hinalikan ako sa noo.
Subukan mong hindi umuwi malalagot ka sa akin, kakalasin ko yang mga buto mo! Ugh! Why does he need to go? He doesn't even tell me why? Damn it!
"Okay" pilit akong ngumiti at nagpanggap na alam ko kung saansiya pupunta pero actually pekeng smile yon.
Geh, go lang! Ayos lang sa akin... Ugh!
YOU ARE READING
Love Instrument
RandomStella Marikko Del Sierro Blake John Sky Clifford Please follow me on: Wattpad: jusy_sayin