"Punta ka ng terrace" terrace? Anong kinalaman ng terrace dito?
Binuksan ko yung pinto ng terrace at kita ko na kaagad ang maraming tao na may hawak na cellphone.
Mas lumapit pa ako at nakita ko si Stevan na nag sasayaw. Buti nalang hindi niya kasama yung mga kaibigan niya.
Unti unting nagpapakita ang ngiti ko. Tuwing nangiti ako ay ngumingiti rin si Stevan.
Hanggang sa natapos na niya ang sayaw niya. May mga dalawang lalaki na may hawak na tarpulin at si Stevan at flowers. Biglang hinila ako ni Yesha pababa.
Binuksan niya ang pinto at pinalabas ako. Ngayon ay kaharap ko na si Stevan.
Nakita ko ang pagbukas ng dalawang lalaki sa tarpulin at may nakalagay duon na WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?
Hinawakan ni Stevan ang kamay ko at binigay ang bulaklak.
"Stella Del Sierro, can.you.be.my.girlfriend?" Tanong niya. Uminit ang pisngi ko at hindi parin matanggal ang ngiti ko. Eto na ba yun?
Parang gusto kong mag drama ah. Kakilig naman. Binigay niya naman ang buong best niya, gwapo, matipuno, sweet, joker, pero medyo bastos.
"Oo" sagot ko at niyakap niya ako. Ngumiti siya ng malaking malaki. Abot hanggang langit.
Nagpalakpakan ang mga tao. Inakap ko din si Stevan ng Mahigpit. Bigla nalang tumulo yung luha ko.
Kinalaunan.....
Nawala na din yung mga tao. Hinalikan ni Stevan ang noo ko. Na touch ako. Sana eto nayun.
"Congrats!" Bati ni Yesha
"Thanks" sabay naming sinabi ni Stevan
"Yehey!" Hiyaw ni Zack at umikot ikot na parang multo kasi nakatalukbong siya ng kumot.
"Nag drama si bakla" sabay palo ng mahina ni Yesha sa balikat ko. Tumawa lang ako.
"Simbahan na ang sunod dito" sabi ni Stevan at tumawa kami ni Yesha. Nabangga si Zack sa binti ni Stevan.
"Hey kiddo" ngumiti si Zack at initaklob na niya ang kumot at tumakbo na ulit.
Biglang may tumawag sa cellphone ni Stevan. Kaya napatingin ako sa kanya.
"S-sino yun?" Tanong ko at nakita ko na Daisy ang nakalagay na pangalan. Daisy? Siya yung pumunta sa bahay ni Stevan.
Hindi sinasagot ni Stevan yung tawag.
"S-sagutin mo na" sabi ko at lumayo siya para sagutin yung tawag.
Hindi ko rinig yung usapan nila pero wala na sakin yun, let's just celebrate!
Pagkatapos niyang kausapin yung Daisy nayun ay lumapit siya sa akin.
"Stella, m-may pupuntahan lang ako" sabi sa akin ni Stevan. Pinag papawisan siya at nawala na yung malaki niyang ngiti kanina.
"Huh? S-saan?" Tanong ko
"Just rest, saglit lang ako" sagot niya. Rest? Eh halos araw araw na akong natutulog at nagpapahinga.
Inilapag ko muna yung binigay niyang flowers at umupo sa sofa. Maya maya lang ay nakatanggap ako ng text.
Pagka bukas ko ay kay Blake pala galing yun.
Blake:
Stella, hindi ako makakapunta bukas eh may aasikasuhin kasi ako baka pwedeng sa Lunes nalang.Rineplayan ko din naman siya agad.
Ako:
Ayos langLunapit sa akin si Zack at kinandong ko siya. Kinuha niya yung remote at binigay sa akin.
"Ninang, we bare bears" sabi niya at nilipat ko iyon sa cartoon network. Nag kumot pa siya ah.
"Nilalamig ka ba?" Tanong ko at umiling siya.

YOU ARE READING
Love Instrument
RandomStella Marikko Del Sierro Blake John Sky Clifford Please follow me on: Wattpad: jusy_sayin