Nagising ako at parang nanibago ako sa kwarto ko. Hindi pa ako nag papalit ng matress at bed sheet hindi rin naman ganito yung design ng kwarto ko.
"Goodmorning" biglang nakita ko si Stevan!
"S-Stevan?!" Gulat na gulat kong sinabi.
"Yung iniisip mo wala yun walang nangyari, di ko naman gagawin sayo yun eh" pagpapaliwanag niya. Oo nga noh kasi kung may nangyari matatandaan ko yun eh wala naman.
Umupo ako at nag indian sit.
"Nakakahiya naman dito ako natulog sa kwarto mo"
"Don't worry it's nothing, tsaka hindi ko alam kung nasaan yung susi ng bahay mo kaya dito nalang kita pinatulog" paliwanag niya ulit.
"T-thanks" mahina kong pagpapasalamat sa kanya. Buti nalang.
"Actually hindi ko to kwarto, sa kabila yung kwarto ko guestroom to"
"Ah ganun ba ganda ah" tumawa lang siya pero ako ngiti lang.
Tumayo na ako at lumapit sa kanya. Sabay na kaming lumabas sa guestroom at bumaba na.
"Inaantok pa ako ah" sabi ko sa sarili ko at umiling.
"Matulog ka pa" huh? Narinig niya? Talas naman ng pandinig nito.
"Ah.....uwi na ako" tumango lang siya at lumabas na ako ng bahay niya.
Nakita ko si Yesha na nasa tapat ng bahay ko.
"Bakla, sinuko mo na ba?" Tanong ni Yesha na mukhang gulat na gulat.
"Anong sinuko? Walang nangyari, as in" pagpapaliwanag ko.
"Weh?" Pangungulit ni Yesha
"Sige bantayan mo kung lalaki tong tiyan ko" hamon ko
"So totoo nga?"
"Hindi nga nakatulog lang ako sa bahay niya"
"Ano ka nag si-sleep walk?" Tanong niya kaya tumawa ako ng malakas.
"Nako, halika na nga. Kamusta na si Zack" inangkla ko yung braso ko sa braso niya.
Binuksan ko na yung pinto bg bahay ko at pumasok na kaming dalawa at parehas na umupo sa sofa.
"Ba't ang laki ng ngiti mo? Nay nangyari noh?"
"Wala nga komedyante ka lang kasi" nagkamot siya ng ulo.
Nagluto na ako at kumain. Pagkatapos ay nag shower na. After kong mag shower ay pinunasan ko yung buhok ko gamit ang towel ko.
Binuksan ko ang pinto ng terrace, nakita ko si Stevan na nag sasayaw kasama ang uba pa niyang mga kaibigan ata niya yun. Pinag masdan ko lang yung bawat galaw niya. May hidden talent pala to eh.
Kinuha ko yung cellphone ko at binidyuhan ko siya ng pasimple lang. Pagkatapos ay pinanood ko na siya linagay ko na yung phone ko sa bulsa ko.
Biglang nakita ako ni Stevan pero hindi ako nagtago, kinawayan ko pa siya.
Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung sasagutin ko ba siya.
Bumaba ako at nakita ko si Yesha na nasa tapat ng pinto.
"Huy! Anong ginagawa mi diyan?" Sabay kalabit sa kanya.
"Tignan mo" she pointed Stevan's group.
"May talent pala manliligaw mo eh" nasabi ko pala sa kanya na manliligaw ko siya.
"Navideohan mo ba?" Tanong niya at halata sa mukha niya ang pagkakakilig.
"Yup" sagot ko
"Gusto mo ba si Stevan?" Tanong ko kay Yesha
"No, hindi siya yung katabi niya" humalakhak lang ako ng tawa. Open na open parin siya kahit kaka break lang nila ni Jv.
Ibang klaseng babae talaga tong bestfriend ko.
YOU ARE READING
Love Instrument
DiversosStella Marikko Del Sierro Blake John Sky Clifford Please follow me on: Wattpad: jusy_sayin